Chapter 46

7.4K 235 10
                                    

Kanina pa niya napapansin ang pagiging tahimik at pagligalig ni Jeffrey.

Nais sana niya ito tanungin pero nais niyang ito ang magsabi sa kanya.

"Sana'a.."

Nasurpresa siya ng makita ang Mama ng kasintahan at kasunod pang pumasok ay ang mga magulang niya.

"Tita! Ma,pa!" gulat niya sinalubong ang mga ito.

"Hindi ko po ito inaasahan!" mangha niyang saad.

Nanatili siya yakap ng Papa niya.

"Where's Jeffrey?" tanong ng ama niya.

"Nasa likod po ng bahay," sagot niya sa ama.

"Okay,puntahan ko lang sya,iwan ko muna kayo,girls.." paalam nito sa kanila.

"Wow! Ang ganda dito! Tagal na rin yung huling nagpunta ako sa may dagat," mangha saad ng mama ni Jeffrey.

"Magugustuhan mo dito,balae.." anang ng Mama niya.

Napamaang siya sa sinabi ng Mama niya. Kinindatan siya ng ina ng makita ang reaksyon niyang iyun.

Balae? Hindi ba kapag ikakasal lang ang mga anak ng bawat isa eh balae ang tawagan?

Ano ka ba,obvious naman na doon ang pupuntahan niyo ni Jeffrey..

Oo nga pero hindi pa sa ngayon. Bago pa lang kami kasal agad?

Tsk,mate kayo,so ibig sabihin nakatali na siya sayo hindi pa man kayo kasal!

Naipilig na lamang niya ang ulo. Kung magpopropose man ang kasintahan. Syempre,Oo agad siya!

Kinakabahan na talaga siya. Halos hindi na nga niya imikan ang dalaga sa kaba niya.

Damn,ganito ba ang pakiramdam na magpopropose?!

Kumpleto ang pamilya ng kasintahan,ang mga pinsan at ang mga tita at tito nito at ang kaibigan niyang si Ed. Naisipan niyang sabihin sa mga ito ang plano niya kaya agad na nagsipuntahan ang lahat.

Ganun din ang Mama niya na sobrang saya na sabihin niya ang gagawin niya.

Nasa hardin silang lahat at doon sila nagbarbecue party. Tamang-tama para sa celebration na magaganap.

Walang kamalay-malay ang kasintahan sa plano niyang iyun.

"Jeffrey,come here now!" tawag sa kanya ng Mama niya. Hudyat para isagawa na ang pagpopropose niya.

"Goodluck!" nakangising sabi sa kanya ni Dwayne.

Kinakabahan na tumango siya rito. Tinanguan naman siya ng iba pang pinsan ng kasintahan.

Humugot muna siya ng hangin bago siya tuluyan lumapit sa kinaroroonan ng kasintahan katabi ang magulang nito at sa kabila naman ang mama niya.

Agad na nginitian siya ni Sana'a at kinakabahan na ngumiti din sya rito at natigilan nito na tila may napansin ito sa kanya.

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha at agad na lumapit sa kanya.

"Maputla ka? Anong masakit sayo?" puno ng pag-aalala nitong sabi habang kinakapa ang noo niya.

"I-i'm fine..ahm,may..may gusto sana ako sabihin sayo," kabado niyang saad.

Lalo nag-aalala ang dalaga sa kanya. Shit!

Wala na siya sinaya na oras pa. Lumuhod siya sa harapan nito at napasinghap ito sa ginawa niya.

Nanginginig na ang mga daliri niya na dinukot niya ang maliit na box sa bulsa ng suot niyang jacket.

Tumingala siya sa dalaga na bahagyang nakaawang ang mga labi. Masasalamin ang gulat sa mga mata nito.

Kabado na nginitian niya ito. Tumikhim muna siya. Gusto niya masabi ng maayos ang sasabihin niya.

"Sana'a,my angel..my guardian angel..and my first love.." simula niya na kinakabahan pa rin. Muli siya tumikhim.

"Nang una kita makita noon,twenty years ago..nabihag mo na ang puso ko hanggang sa lumipas ang mga tao hinding-hindi ko nakalimutan ang malaanghel mong mukha..umasa ako na makikita kitang muli hanggang nga sa pagtagpuin muli tayo ng tadhana..napakasaya ko na magkita tayong muli..niligawan kita at naging kasintahan ko din. Walang sasaya pa sakin na makasama ka araw-araw..at gusto ko pang makasama ka hanggang sa huling hininga ko.." litanya niya.

Humugot muna siya ng hangin bago siya nagpatuloy muli.

Matiim na sinalubong niya ang mga mata ng dalaga na may namumuo ng luha.

"Sana'a,my angel..please,w-will you marry me?" halos mautal niyang saad.

Lumuluha na tumango agad ang dalaga at labis iyun kinatuwa ng puso niya.

"Y-yes,papakasal ako sayo,Jeffrey,"umiiyak nitong saad.

Malakas na pumalakpak ang mga mahal nila sa buhay.

"Thank you and I love you,"usal niya pagkaraan niyang isuot ang singsing sa daliri ng dalaga sa nanginginig na mga kamay niya.

May luha sa mga mata nito na hinalikan siya nito ng mariin at mahigpit niya ito niyakap.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon