Special Chapter

10K 317 26
                                    

Tila isang hangin ang bilis ng pag-usad ng skateboard sakay ang isang onse añoz na si Jeffrey habang tinatahak ang palusong na kalsada. May ngiti ito sa mga labi na nasisiyahan sa kanyang pagsakay sa skateboard.

Ramdam na ramdam niya ang excitement..ang thrill at ang kaligayahan habang tumatama sa kanya ang malakas na hangin.

Ito ang bagay na kailanman na hindi niya ipagpapalit na kahit sa ano pang bagay sa mundong ito kahit na iba man siya sa karaniwan mga tao. Ito lamang ang nagpaparamdam sa kanya na isa siyang tao sa kabila na pagiging isa niyang lobo.

"Jeffrey!"

Swabe na kinontrol niya ang pagsulong ng skateboard at walang anuman na umapak siya sa kalsada at pagkaraan dinampot niya ang paborito niyang skateboard na niregalo pa ng Daddy niya.

"Tama na yan,hinahanap ka na ng Daddy mo," anang ng kanyang Mommy.

"Dumating na si Daddy?"naeexcite niyang saad.

"Yes,honey..let's go home.."

"Mommy.."

"Hmm?" tugon ng mommy niya habang nakaakbay sa kanya ito.

"Thank you po at binuhay niyo ako ni Daddy..dahil sa inyo nakakaramdam ako ng excitement at saya..ang sarap po mabuhay.." matapat niyang saad rito.

Malambing na hinaplos nito ang pisngi niya.

"Alam mo bang sinabi ko noong na gusto ko magkaroon ng anak ng isang katulad ni Jeffrey..ng daddy mo..at binigay ka Niya sakin,anak..kahit iba tayo sa mga tao pareho naman tayo ng nararamdaman tulad nila lalo na kapag natagpuan mo na ang mate mo," masuyong saad ng mommy niya.

"Mate..yung po babae na pakakasalan ko po,di ba?" aniya.

"Yes,honey..isang babae maswerte na nakatakda sayo tulad ng maswerte ako na itinakda ako sa Daddy mo," malambing na tugon nito sa kanya.

Niyakap niya ang mommy niya.

"Aba,mukhang nakalimutan na ata ako ng unico hijo at ng asawa ko ah?"

"Daddy!" agad na sinugod niya ito ng yakap.

Aminin man niya o hindi. Daddy's boy siya. Hindi lang Daddy ang turing niya rito isa din matalik na kaibigan..barkada.

"Kamusta ang junior ko?!" paggulo nito sa buhok niya na naman niya buhok ng mommy niya. Makapal at natural na kulay brown na ang kulay niyun.

"Okay naman po,Daddy..namiss po kita,tatlong araw din po tayo hindi nakapagjamming magskateboard.." aniya.

Nagsquat ang daddy niya para magpantay ang mukha nila.

"Well,umalis ako dahil gusto kong ibigay sayo ang isang surpresa.." nakangiti saad nito sa kanya.

"Talaga po? Gaya ng ano?"

May kinuha itong papel sa likuran nito.

"Read it," anito.

Agad na kinuha ng mommy niya ang skateboard na kipkip niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung ano nakasulat dun.

"Payag na po kayong sumali ako sa tournament?!" nanlalaki ang mga mata niyang saad.

"Yes,pinarealize kasi ng mommy mo sakin na itong bagay na kinahihiligan mo ang nagpapasaya sayo gaya ng kung paano din ako nagpapasaya ng pag-iiskateboard ko..kaya,Ta-da! Pinarehistro na kita para sa tryout nila next month,ready for that?" anito.

Napuno siya ng excitement. Sa wakas pinayagan na siya ng daddy niya na ipursue ang hilig niya sa kabila na pagtutol nito.

"Yes,Daddy! Thank you po! Mahal na mahal ko po kayo ni Mommy!"

"We love you,too,son.." tugon ng daddy niya.

Narinig niyang nagpalitan ng I love you ang parents niya habang may ngiti sa mga labi na yakap-yakap siya ng mga ito.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED) 🎉
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon