Chapter 4

8.4K 286 8
                                    

Pagkalabas niya ng Coffeeshop napahinto siya sa paghakbang at napalingon siya sa loob niyun. Weird. Isang babae na may mahabang buhok na nakatalikod sa kanya ang nakita niya na nakatayo sa may counter at sa tingin niya doktor ito dahil sa suot nito. Naipilig niya ang ulo.

Wala naman siya nakalimutan sa loob hawak naman niya ang celpon niya at sakto lang ang ibinayad niya kaya wala naman siya nakaligtaan.

Napabuga siya ng hangin at nagmamadali ng bumalik sa loob ng ospital baka bigla magising ang Tita Miriam niya na wala pa siya roon.

Bago siyang umuwi pinuntahan muna niya ang pasyente niyang si Mrs.Smith para i-check ang vital signs nito. Kinasanayan na niya iyun bago siya mag-out ay kailangan personal niyang matignan ang pasyente niya.

Saktong alas sais syang pumasok sa kwarto ni Mrs.Smith.

"Good morning,Ma'am," agad na bati niya sa ginang na kapatid ng pasyente niya pagkapasok na pagkapasok niya.

"Good morning,Doktora.." magiliw nito tugon agad sa kanya.

Agad na natuon ang mga mata niya sa natutulog na lalaki sa pahabang sofa nakatalikod ito sa kanya.

"Anak ko,siya humalili sakin kagabi magbantay sa Tita Miriam niya,kakarating ko lang.." anang ni Mrs.Evans.

"Ganun po ba,mabuti naman po at maasahan niyo siya," saad niya at napatingin sa isang cup na nakapatong sa center table.

"Naku,maaasahan talaga sa ganitong sitwasyon si Jeffrey,pangalan niya.." magiliw na tugon nito sabay sulyap sa natutulog na anak na kinabaling niya sa ginang.

Nakita niya na puno ng pagmamahal ang mga mata ng ginang para sa anak habang nakatitig rito.

Tapos na niya icheck ang pasyente niya. Sinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng doctor's robe niya pagkaraan ng ilang sandali. Hinarap niya ang ginang na nakamasid lang sa kanya habang ginagawa niya at miminsan nagtatanong ito tungkol sa status ng pasyente.

Gusto pa niya talaga makausap ito.

"Maswerte ang nobya niya kung ganun,"komento niya pagkaraan na magkwento ang ginang tungkol sa pagiging mabait na anak nito lalo na pagdating sa pagpili ng magiging kasintahan nito.

Kung family-oriented ito malamang maswerte nga ang magiging nobya nito dahil may pagpapahalaga ito sa pamilya.

Iyun din ang gusto niya sa isang lalaki.

Paano kung yung mate mo hindi family-oriented? Anang ng wolf niya.

Well,sana nga lang.

" Ako ang maswerte kasi ako pa rin ang babae niya hanggang ngayon,"bahagyang pagtawa ng ginang na pumukaw sa kanya.

Namangha siya sa sinabi nito at napasulyap siya sa nakatalikod pa rin na lalaki. Mabilis ang tibok ng puso niya.

Pero bakit ganun?

Ngayon lang niya binigyan ng pansin ang bunabagabag sa kanya.

Kagabi pa niya nararamdaman yun?

Sa lalaki na nakatalikod din gaya kagabi gaya ng nakatalikod din na natutulog na lalaki.

Weird!

"Talaga po? Maswerte nga po kayo sa kanya," nakangiti niyang saad pagkaraan hamigin ang sarili sa pagtataka niyang iyun.

"Sobra..mula ng mamatay ang Daddy niya hindi niya ko nakalimutan asikasuhin kaya hinahayaan ko siya mang-Chicks minsan pero syempre alam naman niya kung saan dapat siya umiwas at pinahahalagahan niya mga paalala ko sa kanya, "saad ng ginang na puno ng paghanga sa anak sa pagiging mabuti nitong anak rito.

Bahagya din sya tumawa at namamangha din.

"I'm sure pipili din siya ng babae na kasingganda niyo at kasingbait niyo,Ma'am"komento niya pagkatapos.

Tumawa ito.

"Well,wala pa nga siya pinapakilala sakin girlfriend,Ewan ko ba baka ayaw lang niya ako madissappoint kaya hindi siya naggi-girlfriend at ayaw ko naman gawin niya iyun..baka meron naman hindi pa lang siguro oras para ipakilala sakin," masuyo nitong saad. May tiwala sa anak.

"Ganun lamang niya kayo kamahal,Mrs.Evans.." masuyo niya sabi sa ginang.

Kumislap sa katuwaan ang kulay brown na mga mata ng ginang sa kanya.

"Gustong-gusto talaga kita,Doktora ..sana hindi lang tayo dito magkita at magkausap,"magiliw nitong saad sa kanya.

"Pwede po tayo maging magkaibigan,Mrs.Evans,kayo po ang kauna-unahang magiging close friend ko," nakangiti niya saad.

Kumislap ang tuwa sa mga mata nito sa sinabi niya.

"Talaga? Naku,ikaw naman ang kauna-unahang magiging close friend ko na sobrang bata!" tuwang-tuwa nitong saad.

Mapanabay na natawa sila ng ginang.

Hay,bakit ba gustong-gusto din niya ang ginang?

Hindi ba nga. Malalaman mo kaagad ang isang tao kung mabuti ba ito o hindi sa unang salita na lalabas sa bibig nito?

Sa wolf instinct niya agad-agad din naman niya nagustuhan ang dating ng aura nito kaya hindi na siya magtataka kung magiging malapit sila sa isa't-isa ng ginang.

Bukod sa Mama niya ito pa lamang ang kauna-unahang magiging malapit sa kanya.

Aaminin niya na hindi siya friendly sa lahat pero kung kinakailangan naman na makisama siya buong puso naman niya pinapakita iyun sa mga ito gaya ng gusto mangyari ng kanilang ama na minulat sila na maging pantay at patas sa lahat.

Nagkakwentuhan pa sila ni Mrs.Evans at naputol lamang iyun ng tawagan na siya ng kanyang ina. Hinahanap na siya nito dahil hindi siya kaagad nakauwi ng bahay.

Labis lamang siya nalibang sa pag-uusap nila ng ginang.

"Pasensya na at napahaba ang usapan natin,dapat nakapagpahinga ka na,hinahanap ka na tuloy sa inyo,"pagpapaumanhin ng ginang sa kanya ng marinig nito ang pag-uusap nila ng kanyang ina.

"Okay lang po,Mrs.Evans..nalibang rin po ako sa mga kwento niyo lalo na po yung love story niyo,nakakatuwa po,"nakangiti niyang tugon rito.

Tumawa ang ginang. "Oo nga. Marami pa nga ako ikukwento sayo pero ituloy na lang natin kapag may oras ka na ulit,salamat sa pakikinig at natutuwa ako na may nakakwentuhan ako bukod sa anak ko na nananawa na daw sa paulit-ulit na kwento ko,"anito sabay tawa ng mahina.

Mahinhin na tawa ang kumawala sa mga labi niya at mabilis na sumulyap sa natutulog pa rin na anak nito.

Hindi man lang kumilos gayun kanina pa siya roon. Hindi man lang nagbago ng pwesto.

Curious siya sa mukha ni guy huh..

Nakagat niya ang gilid ng labi niya at nagpaalam na sa ginang.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon