Chapter 33

6.8K 226 0
                                    

"Hi," bungad sa kanya ni Jeff.

Agad na nginitian niya ito ng maaga ito nagpunta sa hospital para sunduin siya.

Inabot siya nito at buong lambing na niyakap nila ang isa't-isa.

"How's your day?" usal nito pagkaraan halikan ang ituktok ng ulo niya.

Nanatili magkayakap sila tiningala niya ito habang nakapulupot sa beywang nito ang mga braso niya.

"Doing good..how about you?" malambing niyang turan.

"Hindi ko namalayan ang buong araw ko dahil excited na naman ako makita ang angel ko," tugon ng kasintahan.

She chuckled. Araw-araw na lang siya nito pinakikilig.

"Baka naman bigla ka na lang magsawa sakin niyan?"aniya sabay taas niya ng kilay rito.

Seryoso ang anyo nito na kinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito at matiim na tinitigan.

" Ako nga dapat magsabi niyan sayo eh,alam mo na..napakaganda mo at maraming lalaking dyan na pwede makalamang sakin,"may pangamba nitong saad.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na mate kita? Katumbas iyun na kahit anong mangyari,tayo at tayo pa rin para sa isa't-isa..ikaw lang ay para sakin at ako para lang sayo,"pag-alis niya sa pinapangambahan nito.

Lumiwanag ang gwapong mukha nito sa sinabi niyang iyun.

"Ahm,pwede ba kong kiligin?"saad nito.

She chuckled. "Kinikilig ka na kaya sakin dati pa noh,"panunudyo niya rito.

Nakita niya ang pamumula nito. Tumatawa na hinagilap niya ang bibig ng binata at agad naman ito tumugon sa halik niya.

Sabik na inangkin nila ang bibig ng bawat isa. Lumalim pa iyun hanggang sa pangapusan sila ng hininga ng magparte ang kanilang mga bibig.

"I love you so much,my angel.." mapungay na mga mata saad nito sa kanya.

"Mahal na mahal din kita,Jeff.."madamdamin niyang tugon rito.

"Halika na ihatid na kita sa bahay bago pa man ako managot kay Tito Dave," anyaya na nito sa kanya.

Nalaman niya na may usapan pala ito at ang papa niya.

Ang sabi ng Papa niya gusto pa nito kilatisin ang kasintahan niya kaya naman may curfew ang pagkikita nila dalawa.

Huminto sila saglit sa isang flower shop at hindi na siya pinababa ng kasintahan na agad naman nakabalik ulit bitbit ang isang bouquet na red roses.

"Wow..may pabulaklak pa," turan niya rito pagkasakay nito ng kotse.

"Of course,para sa angel ko ito,here..roses for you,happy one monthsary!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Meron pala tayo monthsary?" mangha niyang saad.

Nanlaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Oo naman..parte yun sa isang relasyon..para sakin mahalaga na ipagdiwang natin ang araw na naging tayo..you know,gusto ko lagi every month or year gagawin ko ito..ibibili ka ng roses na walang katapusan pa," anito.

Tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya sa sinabi nito.

Mabilis na hinagilap niya ang bibig nito at matunog na hinalikan ito.

"I love you so much!" usal niya.

"I love you more,my Angel," tugon naman nito.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon