Chapter 20

7.1K 248 12
                                    

I'm home..

Sumilay ang ngiti niya pagkaraan niya pindutin ang sent message kay Sana'a. Ilang araw na sila magkatext nito at aminado siya na para siyang highschool na katextmate ang crush niya.

Napangisi siya. Masarap sa pakiramdam na kausap mo palagi ang taong gusto mo.

Yeah,he likes her. Gustong-gusto na niya ang dalaga. Hindi mahirap magustuhan ang doktora. Simple na nga napakahumble pa nito.

"Ma?" tawag niya sa ina ng makapasok siya sa bahay nila.

"Ma?!" muli niya tawag rito.

Hindi naman ito umalis dahil bukas ang ilaw sa salas nila. Kapag ganitong oras nasa salas ito at nanunuod ng balita pero wala doon ang ina.

May kung ano kaba na bumundol sa dibdib niya ng hindi sumasagot ang ina kaya agad na umakyat siya sa pangalawa palapag para katukin ito sa kwarto nito.

"Mom?!" pagkatok niya sa pintuan.

Pinihit niya ang doorknob at bukas naman iyun. Sumilip siya sa loob at ganun na lang ang pagkamulagat niya ng makita ang ina na walang malay sa may sahig.

"Mama!!!"malakas niyang bulalas ng makita ang ina roon.

" Good evening,doktora!"pagbati sa kanya ng mga nurses na nakakasalubong niya.

Night ship siya ngayon at inabala niya ang buong maghapon niya sa pakikipagpalitan niya ng messages kay Jeffrey.

Natutukso na nga siya ng assistant niyang si Nurse Ella dahil panay daw tipa niya sa celpon niya imbes na laptop ang tinitipa na dati iyun naman talaga ang inaabala niya.

Pasakay na siya ng elevator ng bigla siya natigilan. Bigla siya naligalig.

What's wrong? anang ng wolf niya.

Napalingon siya sa entrance ng hospital at mula sa salamin na pintuan nakita niya ang paghinto ng isang pamilyar na kotse.

Nagmamadali bumaba sa kotseng iyun si Jeffrey.

Agad na pinuntahan niya ito ng makita binubuhat nito si Tita Melissa na walang malay.

"Stretcher!" utos niya sa mga nurse na nasa reception area.

Mabilis naman naisunod ang stretcher at natigilan si Jeffrey ng makita siya.

"What happen?"pag-aalala niya tanong.

" Nadatnan ko siya walang malay sa kwarto niya,"namumutla tugon ni Jeffrey. Mababanaag ang pag-aalala at takot para sa ina nito.

Inihiga nito ang ina sa stretcher at agad na pinulsuhan niya ito.

"Mahina ang pulso niya..dalhin natin siya sa ER,"utos niya sa dalawang nurse na nagtutulak ng stretcher.

" A-anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya?"sunod-sunod na tanong ni Jeffrey na bakas ang takot at pag-aalala para sa ina.

Inabot niya ang kamay nito at humawak ito sa kanya ng mahigpit.

"Relax ka lang..ako ng bahala kay Tita Melissa hindi ko siya pababayaan,pangako yan.." pagpapalakas loob niya sa binata.

Hindi ito nakaimik. Lukob ng matinding pag-aalala ang anyo nito para sa ina nito.

"Please,huwag mong pababayaan si Mama..siya na lang ang meron ako," puno ng pagsusumamo nitong saad.

Nginitian niya ito ng puno ng pangako.

"Yes,I will,Jeff..I'll take care of her.." aniya.

Bago niya ito talikuran bigla siya nito hinila at niyakap ng mahigpit. Hindi siya kaagad nakareak at hindi nagtagal gumanti na siya rito ng mahigpit na yakap.

He need her. Ramdam na ramdam niya iyun at gustong-gusto niya iyun.

"Everything's will be alright,okay?"alo niya sa binata.

Unti-unti ito dumistansya sa kanya.

"Thank you,Sana'a, "masuyo nitong sabi.

Matamis na nginitian niya ito at bago pa man niya gawin ang isang bagay na kanina pa niya kinokontrol at tinawag na siya ng isang nurse.

"Doktora,ready na po lahat,"untag ng nurse.

Inabot niya ang isang nakakuyom na palad nito at pinisil niya iyun.

"Magiging okay din,Tita Melissa. Promise yan,"puno ng pangako niyang sabi rito.

Tumango naman ito na mababanaag ang tiwala sa kanya.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon