Chapter 18

7.2K 250 10
                                    

May inis na lumulukob sa kanya habang pinapanuod ang pagilas ng kaibigan niyang si Ed kay Sana'a. Bukas na ang shop ng bumaba na sila ng dalaga.

Hindi niya makakalimutan ang itsura ng kaibigan ng makita sila nito magkasama.

Para ito nakakita ng multo kanina at natutuwa siya dun pero napalitan na ngayon ng inis dahil pabida na ito sa dalaga pagkatapos niya ipakilala ito kay Sana'a.

"Consistent suppliers kami ng mga sports organization..kaya nagpaplano na kami ngayon para sa bagong branch namin ni Jeff," magiliw nito sabi kay Sana'a. Walang tigil sa pagpapagilas nito sa dalaga.

Napasimangot siya. Siya dapat ang nagsasabi niyun hindi ito.

"Uy,bro! Ang daya mo sana sinabihan mo ako para naman dalawa kaming audience mo kaya pala todo practice ka nitong nakaraan araw kasi may private show ka paLa gagawin!" baling sa kanya nito na kunwa'y nagtatampo pa sa kanya.

He sighed. Hindi niya gagawin yun. Para lamang sa mga mata ni Sana'a ang pagpapagilas niyang iyun.

Nakangiti ang dalaga sa kanya. Nginitian niya ito sa kabila ng sama ng mood niya para sa kaibigan.

"Nagugutom ka na ba?" untag niya sa dalaga pagkaraan. Inunahan na niya si Ed baka hindi na naman sya makasingit rito.

Nasapo nito ang sariling tyan.

"Medyo nga..nagutom ako kanina sa ginawa mo," anito sabay tawa nito sa huli.

Bahagya siya tumawa. Nakakahawa talaga kahit pagngiti nito.

Hay,in love ka lang,Jeffrey!tudyo ng isip niya.

"Kung ganun,brunch tayo?"pag-alok na niya rito.

"Gusto ko yan,sige !"tugon nito na may excitement sa boses nito.

Tuluyan ng gumaan ang mood niya ng agad-agad ito pumayag.

"Paano ako?" sabad ni Ed.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan at nginisihan siya nito. Batid na nito ang kung bakit ganun ang inakto niya rito.

"Wala pala magbabantay dito sa shop! Enjoy lang kayo sa date niyo!" anito sabay talikod sa kanila.

"Pagpasensyahan mo na siya maloko lang talaga yun," tukoy niya sa huling sinabi ng kaibigan.

Date? Paano nga kaya kung mag-date sila?

"Ayos lang..ano? Let's go?" untag nito sa kanya.

Agad siya natauhan sa pinag-iisip niya.

"Sure,let's go.." aniya. Bigla siya tuloy napapahiya sa sarili niya.

Natutuwa siya na malaman na hindi maarte sa pagkain ang Doktora. Maraming carinderia na makikita sa labas ng shop nila at sa isang carinderia sila kumain na ito mismo ang may gusto na doon na sila kumain.

"Bakit?" sita nito ng mapansin nito na kanina pa niya ito pinapanuod sa pagsubo nito sa kanin na may adobong baboy.

Naalala niya na pinagluluto ito ng Mama niya ng adobong baboy ngayon alam na niyang paborito nitong ulam.

"Ahm,wala naman nakakatuwa lang isipin na kumakain ka sa ganitong kainan..expect ko kasi sa isang resto tayo kakain," matapat niyang tugon rito.

"Hindi naman ako pinalaki ni Mama na mapili sa pagkain..kahit angat kami sa buhay alam mo bang nag-uulam kami ng tuyo at sardinas?"pagkukwento nito sa kanya.

Napamaang siya sa sinabi nito.

"For real?"maang niyang turan. Hindi niya iyun mapaniwalaan.

Tumawa ito. "Yes,for real.." pagngisi nito sa kanya.

Manghang-mangha napatitig na lang siya sa maganda nitong mukha.

Sa tingin niya mahuhulog na ang kalooban niya rito..for real.

Hulog na hulog na nga,Jeffrey.

Lihim siya napabuntong-hininga. Sana noon pa lang nakilala na niya ang dalaga.

At sana ngayon malamang magkasintahan na sila!

Nagmamadali,Jeffrey?

Tinuon na lamang niya ang atensyon sa pagkain niya.

Masaya siya na makasama ito. Iisipin na lang din niya na first date nila ito.

Damn.

Hindi naman nito alam yun kaya magfifeeling na lang siya.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon