Chapter 8

8K 272 7
                                    

Buong maghapon siyang naging busy sa hospital. Dalawang pasyente ang inoperahan niya ng araw na iyun pero masaya siya dahil matagumpay naman ang operasyon niya sa mga ito. Nawawala agad ang pagod niya kapag nakikita niyang nasa mabuting kalagayan na ang pasyente niya.

Kahit na hindi naman siya gaano nakakaramdam ng pagod.

"Anak.." bungad ng Mama Amelia niya sa may pintuan niya. Hindi niya namalayan ang ina.

"Mama," agad na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa likod ng desk niya at lumapit sa ina para humalik sa pisngi nito.

Malambing na niyakap siya ng ina pagkaraan.

"I'm so proud of you..kayo ng Kuya Jamiel mo sa pagiging successful niyo sa mga bagay na ginagawa niyo,"malambing na saad ng ina habang yakap-yakap pa rin siya ng ina.

" Thank you,Mama..swerte ko nga po dahil binuhay niyo kami ni Jamiel..galing ni Papa!"pagtawa niya sa sinabi niyang iyun saka siya kumawala sa ina.

Ang mainit na bisig ng ina ang isa sa pinakapaboritong niya sa lahat.

Natawa naman ang ina.

"Ikaw talaga,bata ka!" natatawa saad ng ina.

May ilang katok ang kumuha sa atensyon nilang mag-ina sa pintuan ng opisina niya.

Umuwi na ang assistant niyang si Ella. Baka hindi pa ito nakakaalis at may nakalimutang sabihin sa kanya.

Ang mama na niya ang nagbukas ng pintuan.

"Good evening,Mrs.Dornan.."pagbati ng pamilyar na boses na iyun.

Agad na nasabik siya na makita ang kaibigan.

Agad na napangiti siya ng marinig ang boses ng Tita Melissa niya. Nagkakilala na ang mga ito nitong nakaraan araw ng madatnan sila ng Mama niya na nagkukwentuhan sa may hallway.

"Magandang gabi din,Mrs.Evans.." tugon ng kanyang ina.

Kita niya pa rin hanggang ngayon ang pagkamangha ng ginang para sa kanya Mama. Hindi nga ito makapaniwala na napakaganda daw ng Mama niya at mukha pa din bata. Tuwang-tuwa ito na malaman kung kanino daw siya nagmana.

Pareho daw silang mukhang anghel.

"Hi,Tita Melissa!" paghalik niya sa ginang ng makapasok na ito sa opisina niya.

"Hi,pasensya na naabala ko kayo," anito na may pag-aalala sa anyo nito.

"Ayos lang,Mrs.Evans.." tugon ng Mama niya.

"Nagdinner na po ba kayo,Tita?" agad na pagtatanong niya rito.

Ngumiti ito sa kanya.

"Naku,iyun nga sinadya ko dito..aayain sana kita magdinner," Kiming saad ng ginang.

"May family dinner po kami nina Mama at Papa..sabay na po kayo samin para mameet niyo na rin si Papa.."agad na paanyaya nya sa ginang.

Kuminang sa tuwa ang mga mata ng ginang. Mukhang nagustuhan nito iyun.

"Pero nakakahiya naman,Family dinner yun eh," anito pagkaraan na maisip iyun.

"Walang kaso yun samin,Mrs.Evans..Sumama ka na samin," anang ng Mama niya. Nagagalak na may iba sila makakasama sa family dinner nila.

"Naku..nakakahiya naman kung tatanggihan ko kayo,Mrs.Dornan.."mayamaya pagpayag na ng ginang.

Nagkatawanan sila.

"Amelia na lang..at Melissa na lang ang itatawag ko sayo,masyadong pormal kapag may Misis sa unahan," natatawa saad ng Mama niya.

"Ay gusto ko yan,Amelia," masayang saad ni Melissa.

"Ayan,maganda ng pakinggan..hindi ba may anak kang lalaki? Pwede mo siyang pasunurin satin.."

Napasulyap siya sa Mama niya.

Ay mas exciting nga yan kung nandun si mate.

"Ay Oo nga pala..nakakalimutan ko nga na may anak pala ako kapag nakikita kong ito si Sana'a,eh nawawala sa isip ko yun.." pagbibiro ng ginang.

Nagkatawanan ang mga ito habang siya nakatingin lang sa mga ito.

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng magkita sila ng Jeffrey iyun.

"Kung ganun tatawagan ko siya..mabilis yun pupunta hindi tumatanggi sakin yun eh," anang ni Tita Melissa. Bilib na bilib sa anak.

Makikita natin siya ulit! Tuwang-tuwa saad ng wolf niya.

Napasulyap siya sa ina na tila kanina pa siya nitong tinititigan.

Baka may nahahalata siya sayo..

Nginitian niya ng matamis ang ina.

Alam ni Amelia na may kung ano sa kanyang anak na si Sana'a. Nang banggitin ni Melissa ang anak nito bigla na lamang may kung ano kislap sa mga mata ni Sana'a.

Pamilyar na pamilyar iyun sa kanya dahil iyun din ang kislap sa mga mata niya sa tuwing nakikita niya ang gwapong mukha ng asawa niyang si Dave noong unang magkita sila nito at ng panahon na nasa poder niya ang asawa.

Mukha aasahan na niya na may nagugustuhan na ang kanyang anak na dalaga. Na marahil ay natagpuan na nito ang lalaking itinakda rito.

Kailangan na niya makilala ng mabuti ang lalaking nagbibigay ng kislap sa mga mata ng anak niyang dalaga.

Sigurado din siya sa kapag nalaman iyun ng kabiyak niya at ng mga in-law niya ay tiyak na hindi palalagpasin ng mga ito ang lalaking iibigin ni Sana'a lalo na ang mga pinsan nito na pare-parehong maloloko pa naman.

Lihim na napangiti siya.

Masaya siya para sa kanya anak na dalaga. Hiling lamang niya ay matanggap ito ng lalaki ang tunay na pagkatao ng anak niya.

Hindi iyun magiging madali kay Sana'a dahil naranasan na niya iyun.

Napakswerte lamang niya dahil mahal siya ng kabiyak niya kaya tinanggap siya nito ng buong-buo..at sana gayundin ang lalaki na iibigin ni Sana'a.

Sana ay umiral ang pag-ibig nito para sa anak niya upang matanggap nito ng buong-buo ang pagiging isang lobo nito.

Siya ang labis na masasaktan para sa anak kung sakali man hindi ito matanggap ng lalaki iyun. Ipaparamdam na lamang nila ng kanyang kabiyak at ng kakambal nito na karapat-dapat itong mahalin kahit sino at ano pa man ito.

Puno ng pagmamahal na hinaplos niya ang buhok ng anak habang magiliw na nakikipagkwentuhan ito kay Melissa.

Isang matamis na ngiti naman ang pinukol sa kanya ng anak sa ginawa niyang iyun.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon