Chapter 9

7.7K 279 1
                                    

Agad siyang natigilan sa paglapit sa pintuan ng kanilang bahay ng makitang patay ang ilaw sa loob sa may salas nila.

Hindi iyun ugali ng Mama niya na iwan na nakapatay ang ilaw sa gabi hanggat hindi pa siya nakakauwi at siya na ang nagpapatay niyun.

Napukaw siya ng pag-ring ng celpon niya na nasa loob ng bulsa niya at agad na sinagot niya iyun. Tumatawag ang Mama niya.

"Mom,nasaan kayo? nandito na ako sa bahay," agad na bungad niya sa ina. May mahihimigan na pag-aalala na sa boses niya.

"Nandito ako sa isang resto..Ititext ko sayo ang address sumunod ka na hihintayin ka namin.."mabilis nitong tugon sa kanya.

Namin?

Nangunot ang noo niya ng patayin agad nito ang tawag at nagvibrate ang phone niya dahil sa isang messages na pinadala ng ina.

Agad na binasa niya ang text mula sa mama niya. Address iyun ng restaurant na kinaroroonan ng ina. Agad na bumalik siya sa sasakyan.

Kilala ang restaurant na tinext ng ina. Madali niya makikita yun.

Wala lang siya ideya kung sino kasama nito o sino namin?

"What's wrong?" pag-link ng Mama Amelia niya sa kanyang isip.

Napuna nito na hindi siya kumikibo. Hindi naman siya nababahala na makilala na ng magulang niya ang mate niya.

Nabilisan lang siya sa pangyayari. Hindi pa sila ganun nagkakalapit ng binata pero heto makakaharap na ito ng mga magulang niya.

"Wala naman po,Mama.."sagot niya sa ina. Bumaling siya rito na may ngiti sa labi.

Tumugon na lang din ito ng ngiti sa kanya. Pero mababanaag sa maganda nitong mukha na may bumabagabag sa kanya.

" Grabe hindi ako makapaniwala na pwede palang talaga gamitin sa pagluluto ang bulaklak! Nakakamangha!"untag ni Tita Melissa.

"Labis ikatutuwa ng kapatid ko si Gabbie na marinig ang papuri mong iyan,Melissa.." anang ng Mama Amelia niya.

Agad siya natigilan sa pagsimsim sa Rose Wine niya ng makita niya si Jeffrey.

Malakas na gumalagabog ang dibdib niya at alam niyang naririnig iyun ng kanyang ina.

Agad na nagtama ang mga mata nila. Awtomatiko na napangiti siya rito nakita niya na bahagya itong natigilan.

"Jeffrey!" untag ng Mama nito ng makita ang anak. Saka lamang napukaw ito sa pagtawag rito ng ina saka nagpatuloy sa paglapit sa kanila.

"Ito nga pala ang unico hijo kong si Jeffrey,anak..parents siya ni Doktora Sana'a..Si Dra.Amelia ang mama niya at si Mr.Dave Dornan ang papa naman niya," pagpapakilala ng ginang sa parents niya sa anak nito.

Magiliw na nakipagkamay ang Mama Amelia niya sa lalaki at nakita niyang natigilan ang ina niya at bumukas ang pagkagulat sa maamo nitong mukha.

Alam na ni Mama..

Agad na bumaling sa kanya ang ina. Isang alanganin na ngiti ang tinugon niya rito.

Agad na napalitan ng matamis na ngiti ang pagkabigla ng ina ng muli ito humarap sa lalaki.

"Kinagagalak kita makilala,hijo.."masuyong saad ng ina kay Jeffrey.

Nakita naman niya ang pagkamangha sa mukha ng lalaki habang nakatitig sa mama niya.

Ganun na ganun ang mukha nito noon nagkita sila twenty years ago at nitong nakaraang linggo.

She sighed. Ganun din kaya ang magiging itsura niya kapag nakita nito ang tunay niyang katauhan?

"Same here,Mrs.Dornan.." usal nito pagkaraan.

"G-good evening,Sir,"baling naman nito sa Papa niya na pormal na pormal lang nakatitig rito.

Well,likas na sa ama niya ang pagiging intimidating. Mukha itong suplado at mukhang hindi makakausap pero sila lang nakakaalam na kung gaano ito mapagmahal at maalalahanin. Sobrang protective sa kanila lalo na sa mga Titas niya.

Napaarko ang isa niyang kilay ng mahimigan niya ang kaba sa boses nito ng kanya Papa naman ang harapin nito. Hindi iyun nakaligtas sa pandinig niya.

Why not? Grabe ang pagiging intimidating ng Papa niya. Naghuhumiyaw sa aura nito ang napakalakas na personalidad at kapangyarihan nito bilang isang mahusay at nakakatakot na negosyante.

Tumango lang ang Papa niya pero inabot naman nito ang pakikipagkamay ng binata rito.

Lihim siya napailing. Wala pang ideya ang Papa niya na ang kaharap nitong lalaki ay ang lalaking itinakda sa kanya.

"Mabuti pa,kumain na tayo.." anang ng Mama niya pagkaraan ng introduction sa pagitan ng magulang niya at sa bagong dating na lalaki.

Napasulyap sa kanya si Jeffrey at isang mabilis na ngiti ang pinukol niya rito at bahagya pa itong napamaang.

Kung hindi pa ito hinila ng Mama nito hindi agad ito uupo sa katabing upuan ng ina nito.

Napasulyap siya sa kanyang Mama Amelia. May ngiti sa mga labi nito sabay sulyap kay Jeffrey na abala na sa pakikipag-usap sa Mama nito kung ano ang gusto nitong kainin.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon