May kung anong kaba na umuusbong sa dibdib niya hindi niya alam kung bakit niya iyun nararamdaman. Sigurado naman siya na okay na sila ng Papa ni Sana'a. Pero sa mga oras na ito kabado siya. Hindi niya kasama ang kasintahan bigla na lang ito nawala sa tabi niya at hindi niya inaasahan na darating ang mga magulang nito.
Madilim na ang paligid at nakapaghapunan na sila pero wala pa rin ang kasintahan. Nais sana niya magtanong kaso nagbukas ng usapin ang padre pamilya kaya hindi niya maisingit kung nasaan na ang anak nito. Naiwan naman nito ang celpon sa salas kaya hindi niya ito makokontak.
Marahas siya napabuga ng hangin. Kanina pa siya hindi mapakali sa silid na pinagamit sa kanya ni Tita Amelia.
Tatlong katok ang pumukaw sa naliligalig niyang isip. Agad na lumapit siya roon nagbabakasakali na baka ang kasintahan iyun. Ngunit ang Mama ng kasintahan ang nabungaran niya.
May malambing na ngiti sa mga labi.
"Hi,pwede ka bang makausap sandali?"
"Opo,Tita.." aniya at nilakihan ang pagbukas ng pintuan para papasukin ito.
"Alam ko kanina mo pa gusto tanungin kung nasaan si Sana'a," umpisa nito ng makapasok sa kwarto.
Agad na tumango siya. "Yes,Tita,ahm,medyo worried ako..may nangyari po ba at kailangan niyang umalis bigla?"wika niya.
"Wala naman nangyari,ahm,dadalhin kita sa kanya pero may kailangan muna ako sabihin sayo," anito.
Lalo siya kinakabahan sa takbo ng pag-uusap nila ni Tita Amelia pero pinatili niya ang pagiging kalmado.
"Nabanggit niya ba sayo ang tungkol sa ritual?" anito.
Agad siya natigilan.
"Opo..nabanggit na po niya ang tungkol dun," tugon niya at medyo nakakaramdaman siya ng pagkailang.
Alam niya kung anong ritual iyun.
"Okay..ayaw kita ipressure pero..ikaw lamang ang makakapunan ng pangangailangan niya..in heat si Sana'a at ilang gabi ko na siya kinakadena sa kweba,Jeffrey.."
Umawang ang bibig niya sa narinig niyang iyun.
"K-kadena? Bakit kailangan niyo siya ikadena?" maang niyang saad.
"Paraan iyun para matikis niya ang init ng pangangailangan niya para sa mate niya," tugon nito sa kanya.
"A-ang ritual..iyun po ba ang makakaresolba sa kung anuman po pinagdadaanan niya ngayon?"
Tumango ito bilang pagkompirma sa hinuha niyang iyun.
Naikuyom niya ang mga palad.
"P-pahihintulutan niyo po ba ako na isakatuparan ang ritual?"lakas-loob niyang pagtatanong.
Abot-abot ang kaba niya sa kung ano iisipin nito sa tanong niyang iyun. Nirirespeto niya ang anak nito kaya hindi niya alam kung tama ba na sinabi niya iyun sa mismong ina ng kasintahan niya?
What a shame?!
Ngumiti ito pagkaraan sa kanya na agad niyang kinahinga.
"Ikaw ang mate niya..ikaw lamang ang may karapatan sa kanya,Jeffrey.." masuyo nitong saad.
"I'm promise,Tita Amelia..whatever happen paninindigan ko po ang anak niyo..malaki rin po ang respeto ko sa kanya..and I love her so much,Tita Amelia," matapat niyang wika.
Inabot nito ang braso niya at masuyo na hinaplos siya ng malambot at mainit nitong kamay.
"Halika,dadalhin kita sa kanya," anito.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Werewolf#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove