Chapter 47

7K 227 4
                                    

Matyaga na hinintay niya ang kasintahan..na fiancee na niyang si Sana'a. His soon-to-be wife.

Kasulukuyan nasa isang boutique sila kung saan ito magpapatahi ng wedding gown at ng soon-to-be mother-in law niya na si Tita Amelia. Ang mama naman niya ay umuwi muna sa probinsiya nila para personal na mag-inbita ng kamag-anak nila.

Ang kanila mga ina ang nagplano ng bonggang kasal kaya hinayaan na lamang nila ni Sana'a ang mga ina nila ang magpasya. Ang importante sa kanila ay maikasal sila dalawa. Magarbo man o hindi.

Bigla siya napangisi ng maalala ang pagpopropose niya sa kasintahan habang nanginginig ang mga daliri niya. Kapag naalala niya iyun bigla siya nahihiya sa sarili niya.

Maya-maya pa sabay na lumabas ng opisina ang mga ito kung saan kinuhanan ang mga ito ng sukat.

Agad na tumayo siya sa kinauupuan sofa sa waiting area ng boutique at agad na inakbayan niya ang dalaga na matamis na nakangiti sa kanya.

"Nainip ka ba?"malambing nitong saad habang masuyo nito hinahaplos ang pisngi niya.

"Nope..excited nga ang nararamdaman ko eh,"nakangiting tugon niya rito.

Mabilis na pinatakan nito ng halik ang bibig niya at pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa paglalambing iyun ng kasintahan.

"Halika na kayo,kanina pa ko tinatawagan ng Papa niyo,"pag-aya na ng Mama ni Sana'a.

Sabay-sabay sila lumabas ng boutique at hindi pa man sila nakakarating sa parking area ay bigla tinawag siya ng dalawang lalaki.

Ang mga kaibigan niya.

"Uy,dudes!! Kamusta?! Long time no see!" pagbati at paglapit ng mga ito.

"Kayo pala,uhm,ayos lang ako ganun pa din ako..cool lang," nakangisi niyang saad.

Napatingin ito kay Sana'a na akbay-akbay niya. Agad na nakita niya ang paghanga ng dalawang lalaki para sa fiancée niya.

Hinapit niya ng mahigpit ang dalaga.

"Faincee ko nga pala,mga dudes," bored niyang saad.

Bumukas ang pagkasurpresa ng mga ito sa mukha ng dalawang kaibigan.

"Seryoso?" gulat ng isa.

"Kung ganun,sa kanya mo na lang kami ipakilala?"untag ng isa niyang kaibigan na nakatingin sa Mama ni Sana'a na nasa tabi ng kotse habang abala sa phone nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Agad na iniharang niya ang sarili ng tangkain nito lapitan ang ina ng kasintahan na abala pa din sa pagtipa sa phone nito.

" Don't,dudes..she's my fiancee's mother,so,back off.."saad niya sa mga ito.

Sabay na napanganga ang dalawa sa sinabi niyang iyun.

"Weh? Hindi nga?!" gulat ng huli.

"Yes,She's my mother," sabad ni Sana'a.

Maang pa rin na napabaling ang dalawa rito. Matamis na nginitian ng dalaga ang mga kaibigan niya at agad na hinapit niya sa beywang ang dalaga.

"Sige,mga dudes,mauna na kami sa inyo," aniya sa mga ito.

"Uy,dudes! Seryoso yun?!"sigaw ng isa na hindi na niya pinansin.

Napailing na lang siya na tila hindi naniniwala ang mga ito sa kanya. Na may fiancee na siya at ina ng kasintahan niya ang nakursanadahan ng mga ito.

" Sorry..maloko talaga mga yun,nakakahiya kay Tita.."nakangiwi saad niya pagkasakay niya ng kotse. Sumulyap siya sa backseat. Abala na sa pakikipag-usap sa celpon nito.

"Ganun talaga..maganda kami eh," nakangisi saad ni Sana'a.

"Sang-ayon ako dun," aniya.

Mabilis na naglapat ang mga bibig nila at pagkaraan pinausad na niya ang kotse.

Kailangan na niya bilisan ihatid ang dalawang anghel sa bahay ng mga ito bago pa siya malagot sa Padre de pamilya ng mga ito.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon