Chapter 45

6.8K 205 4
                                    

Kahit malamig at malakas ang hangin-panggabi patuloy pa rin siya sa paglangoy sa karagatan. Sobra namiss niya ulit ang maglangoy ng ganitong mga oras. Tahimik at walang tao na aabala sa paglangoy niya na wala ni kahit anong saplot sa katawan.

Ligtas naman na gawin niya iyun dahiL sa dulong bahagi at tagong lugar naman siya naroroon.

"Sana'a!!"

Agad na napalingon siya sa pagtawag sa kanya ni Jeffrey sa may batuhan. Hawak nito ang malaking twalya niya.

"Tama na yan! Umahon ka na!"malakas nitong sabi.

Agad naman siyang lumangoy palapit rito.

Nakita niya ang pagmaang nito ng makita ang kabuoan niya at agad naman ito natauhan at naningkit ang mga mata nito.

"Sa susunod wag kang lalangoy na wala na kahit anong suot sa katawan,naiintindihan mo?" strikto nitong saad.

Napangisi siya sa inakto nito.

"I'm serious," matiim nitong saad

"Sorry,okay..hindi na mauulit,"nangingiti tugon niya.

Agad na binalot nito sa katawan niya ang twalya.

" Careful,"anito habang inaalalayan siya nito humakbang sa mga batuhan sa pampang hanggang sa marating nila ang bahagi na mabuhangin.

"Lagi ba ganito ang ginagawa mo kapag naliligo ka rito?" maya-maya tanong nito habang hapit-hapit siya nito sa beywang.

"Opo.." pagtango niya na kinasulyap nito sa kanya. Nakasimangot ito. Natatawa na hinalikan niya ng mabilis ang bibig nito.

"Promise,hindi ko na uulitin sa susunod.." aniya.

Bumuga ito ng hangin.

"Okay,pangako mo yan," anito.

"Yes po!"

Pinatakan nitong ng halik ang nuo niya.

"Jeff..buhatin mo na lang ako..nangalay ata ako kakalangoy kanina," paglalambing niya rito.

Agad naman ito tumigil sa paglalakad at binuhat siya nito na pa-bridal style. Agad na kumapit siya sa batok nito.

"Thank you," malambing niya saad.

"Anything for you,my angel," tugon nito sa kanya.

Hinalikan niya ang pisngi nito at idinantay ang pisngi sa balikat nito.

Ilang metro pa ang lalakarin ng binata habang buhat-buhat siya bago nila marating ang bahay nila na nasa dulong bahagi rin ng karagatan na malayo siya kinaroroonan ng hotel nila.

"Sleepy?" untag nito sa kanya ng matahimik siya.

Tumango siya ng sunod-sunod. Pakiramdam niya kasi dinuduyan siya kaya bigla siya nakaramdam ng antok.

"Sleep now.." saad nito na huling narinig niya bago siya gupuin ng antok.

Mataman na pinagmamasdan niya ang nahihimbing na kasintahan. Hindi na ito nagising hanggang sa maihiga niya ito sa kama. Nakatulugan na din nito na hindi magbanlaw ng katawan.

May ngiti sa mga labi niya na maingat niyang hinaplos ang pisngi nito.

Binuksan niya ang maliit na drawer sa side table at mula roon nilabas niya ang isang kulay pula na maliit na box.

He open it. Bumungad ang isang diamond ring na isusuot niya sa daliri ng kasintahan.

Nasasabik na siyang isuot iyun sa daliri nito.

Pinatakan niya ng halik ang nuo nito.

"Goodnight,my angel ..sabik na kong maging akin ka habambuhay..ang maging asawa ko at maging ina ng mga anak ko," saad niya at muli hinalikan ang nuo nito bago niya maingat na itinabi muna ang singsing.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon