Chapter 36

6.8K 232 7
                                    

Manghang nilibot ni Jeff ang mga mata sa buong paligid habang nakatayo siya sa balkonahe ng bahay ng pamilyang Stonex. Kahit sa panaginip niya hindi niya makikita ang ganitong kagandang lugar.

Napangiti siya ng yumakap ang nobya mula sa likuran niya.

"Dito isinilang si Mama at ng mga Titas ko," anito.

Pumihit siya paharap dito at niyakap ito.

"Pakiramdam ko nga nasa ibang dimensyon ako ng mundo," aniya.

"Totoo naman yun,"anito na kinalaki ng mga mata niya.

" Oh?"

"Napapalibutan ng mahika ni Lola ang buong Sagradong-gubat ito ay para ikubli ang lugar na ito mula sa mga tao.."

Hinila siya ng nobya hanggang sa marating nila ang salas.

Pinakatitigan niya ang malaking larawan na nakasabit roon.

"Sila ang ama at ina nina Mama at ng mga Tita ko," anito.

"Pareho silang lobo?" aniya habang nakatitig sa mag-asawang Stonex.

"Si Lolo lang,si Lola white witch siya," tugon ni Sana'a.

"Kaya pala nakakapanggamot ka,"pagsulyap niya rito.

" Ang mga kakayahan namin na namana namin sa aming mga ina ay dahil kina Lolo at Lola..Hindi lang kami mga lobo may mga powers pa kami,"nakangisi nitong turan sa huLing sinabi.

He chuckled. Niyakap niya ito.

Dito siya dinala ng kasintahan para sa 2nd monthsary nila nito.

Mabilis na pinatakan ng halik nito ang nuo niya.

"Come on,dadalhin kita sa may talon," anyaya nito.

"Talon? Gusto ko nga makakita ng talon,"bigla naexcite niyang turan.

"Okay,let's go..wait," anito na tila may naisip.

"Magsishift ako sa anyong lobo ko para mas mabilis natin mararating ang talon," anito.

Hindi siya nakapagsalita ng bigla na lamang ito nagpalit sa anyong lobo nito.

Napakurap-kurap siya. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita niya ang kasintahan sa tunay nitong anyo.

Tinaas niya ang isang braso at inabot ang mukha ng lobo. Namamangha tinitigan niya ang malalaking mga mata nito.

"Napakaganda mo," mangha saad niya.

Dumapa ang lobo. Gumalaw ang ulo nito at agad na nahulaan niya ang sinisenyas nito.

"S-sasakay ako sa likuran mo?" maang niyang saad.

Tumango ito. Wow,naiintindihan siya ng kasintahan.

"Pero baka mabigatan ka sakin?"pagkabahala niya.

Muli sumenyas ang ulo nito na tila ang sagot nito sa sinabi niya ay balewala lang rito ang bigat niya at sumakay na lamang siya.

"Ahm,okay.."

Nang makasakay siya sa likuran nito may kaunti kaba siya nararamdaman. Hindi siya nangangamba na baka mahulog siya ang iniisip niya baka masaktan ito dahil sa kanya. Sakyan ba naman niya ito sa likuran nito.

Pero lobo naman siya..matitibay at malalakas ang mga lobo..anang ng isip niya.

Napahawak siya sa balahibo nito ng simulan na nito maglakad ng maglakad hanggang sa tumakbo na ito. Kinabahan siya nang una pero nang sumunod na pangyayari napuno ng excitement ang pagkatao niya.

"This is so amazing!!" tuwang-tuwa bulalas niya sa ere.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon