Chapter 28

7K 265 20
                                    

Umaasa siya na pupuntahan siya ni Jeffrey kapag naibigay na ni Tita Melissa ang panyo rito.

Umaasa din siya na sana ay natatandaan pa nito ang panyo at kung paano iyun napunta sa kanya.

Paano kung nakalimutan na niya yun?

Marahas siya napabuga ng hangin. Nasa harapan siya ng bahay nila nakaupo doon at naghihintay kung dadating man ito.

Nabasa niya ang pinadala mensahe ng binata sa kanya kagabi. Walang mapaglagyan ang kasiyahan niya ng mabasa ang huling mga salita na sinabi nito sa text messages.

I miss you so much.

Sa tingin niya maganda ng panimula ang panyo para ipakilala niya ang sarili rito.

Sana nga lang may halaga rito ang unang pagkikita nila nito twenty years ago.

"Dinalhan kita ng Rose Tea,ayaw mo ba talaga kumain muna?" pukaw ng ina sa kanya.

Nginitian niya ang ina. "Thank you,Mama..hindi pa naman po ako nagugutom,mamaya na lang po.." tugon niya sa ina.

Masuyo na nginitian siya ng ina at pinatakan ng halik ang ulo niya bago siya nito iwan roon.

Malaking pasasalamat niya na hinahayaan siya ng ina at nauunawaan siya nito.

Dadamputin sana niya ang tasa na nasa harapan niya ng bigla narinig ng matalas niyang pandinig ang isang ingay ng sasakyan. Pamilyar iyun sa kanya.

Si mate!!

Mabilis na tinungo niya ang gate nila at saktong pagbukas niya huminto ang kotse ng lalaki. Nagmamadali bumaba roon ang binata.

"Jeff.." usal niya.

"Ikaw nga..ikaw yun,Sana'a!" usal nito sabay yakap sa kanya ng buong higpit.

Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya.

Dumistansya ito at kinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito.

"Alam ko noong una pa lang naramdaman ko na kilala kita..pamilyar sakin ang naramdaman ko noon at noong nagkita tayo sa hospital.." anito na puno ng katuwaan ang mga mata.

Pinunasan nito ang luhang umalpas sa mga mata niya.

"Ikaw ang guardian angel ko," usal nito.

"N-naalala mo pa ako?"halos mapiyok niyang saad.

Sunod-sunod ito tumango. " Oo..at kailanman hindi ka nawala sa isip ko kahit twenty years ago na yun,"anito.

"B-bakit?"piyok niyang tugon.

Pinagdikit nito ang kanila mga noo.

"Kasi ikaw ang first love ko.." usal nito habang mataman na nakatitig ito sa mga mata niya.

Sinsero ito nang sambitin ang mga iyun.

"M-mahal kita,Sana'a..noon pa lang mahal na kita,"sambit nito na puno ng damdamin.

Napasinghap siya ng lumapat ang bibig nito sa bibig niya.

Naipikit niya ang mga mata at hinayaan ang binata na angkinin ang kanyang bibig.

Mahal siya nito at mahal din niya ito.

Pareho nilang mahal ang isa't-isa.

Kapwang habol nila ang hininga ng maghiwalay ang kanila mga labi.

" I miss you so much,Sana'a.."madamdamin nitong usal. Mababanaag sa gwapo nitong mukha ang pangungulila nito sa kanya.

"Jeff..kailangan mo muna malaman kung ano talaga ako," aniya sa ngarag na boses.

"Sige..sige,handa akong malaman,gusto ko malaman ang lahat-lahat ng tungkol sayo,"mahihimigan ang determinaduhan na malaman nito iyun mula sa kanya.

Muli siya niyakap ng binata.

Hug him tight.

Baka iyun na ang huling yakap niya rito sa oras na makita na nitong ang totoong siya.

Ang pagiging isang lobo niya.

Natatakot siya pero hindi niya matatakbuhan ang responsibilidad na yun sa lalaking itinakda sa kanya.

Isa yun pagsubok sa isang katulad niyang lobo. Isa iyun masakit na bagay na kailangan niyang tanggapin.

Humigpit ang yakap niya sa binata sapat lang para hindi niya ito masaktan.

Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata niya at hindi na napigilan ang pag-alpas ng mainit na likido na tumulo roon sa magkabila niyang pisngi.

Kahit anong mangyari tatanggapin niya kung ano man ang magiging reaksyon nito.

Tanggapin man siya nito o hindi. Hindi siya nag-iisa. Nandyan ang kanyang pamilya.

Lihim na pinuno niya ng lakas ang kanyang loob.

Kung hindi man para sa kanya ang lalaking nasa mga bisig niya. Nagpapasalamat pa rin siya na sa maikling oras ay nakasama niya ito at naramdaman niya ang damdamin nito para sa kanya.

Malalagpasan din niya ito. Walang imposible sa mundong ito.

At ang posibleng iyun..ay nasa matanggap siya ni Jeffrey.

Mahal na mahal niya ito.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon