Chapter 26

6.7K 234 5
                                    

Marahan ang pagsimsim niya sa alak na nasa baso niya habang nasa terrace siya ng kwarto niya.

Nakatanaw sa mga bituin at paulit-ulit na inaalala ang mga araw na kasama niya si Sana'a.

Namimiss na niya ang mga ngiti nito..ang pagngisi nito at ang pagiging prangka nito.

Namimiss na rin niya titigan ang mukhang anghel nitong mukha.

Marahas siya bumuga ng hangin. Bigo siya makita si Sana'a kanina ng puntahan niya ito sa bahay ng mga ito.

Ang magulang nito ang nakaharap niya at sinabi na sumama sa isang kaibigan ang dalaga na umakyat sa bundok para sa isang medical mission.

May tensyon na namumuo sa pagitan nila habang magkaharap pero nanatili maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga ito. Marahil ayaw lamang ng mga ito pag-usapan kung anong meron sa kanila ng dalaga.

Sinaid niya ang laman ng alak. Hindi siya makakatulog sa kakaisip sa dalaga kung hindi siya iinom ng alak.

Napagtanto na niyang hindi lamang paghanga at gusto ang nararamdaman niya para sa doktora.

Higit pa roon. Mahal na niya ang dalaga at pakiramdam niya noon pa lang minamahal na niya ito kung paano? Hindi niya alam.

Dinampot niya ang celpon na nasa ibabaw ng pabilog na mesa. Hindi siya nagtangka na tawagan o padalhan ng text message ang dalaga kasi sa tuwing magtatangka siya nabablanko siya hindi niya alam kung ano ba dapat salita na sasabihin niya rito.

Bumungad sa kanya agad ang huling mensahe ng dalaga.

Don't skip your dinner or else tatanggalan kita ng bituka gamit ang matalas kong scapel..😈😉

Sa tuwing binabasa niya yun lagi may ngiti na sumisilay sa mga labi niya.

Mapagbiro ang doktora pero may pagkakataon na tila kaya nga nito gawin ang bagay na yun.

Kaya nito gawin ang isang bagay na alam niyang magagawa nito ng wala pagdadalawang-isip.

Natigilan siya at nabura ang ngiti sa mga labi niya ng maalala ang mga sinabi ng dalaga.

Gusto niya malaman kung ano pa ang kaya gawin nito bukod sa nasaksihan niya noon sa mabilis na pagsagip nito sa batang babae.

Namalayan na lamang niya na tumitipa na siya sa kanyang hawak na celpon.

Please,hayaan mo akong makilala ka kung sino ka talaga..gusto ko malaman kung ano ka at ano pa ang kaya mong gawin..nakikiusap ako gusto na kita makita at makasama muli. I miss you so much,Sana'a..

Pinindot niya ang sent button at napatitig na lamang siya sa aparato. And I love you so much..mga salita na gusto niya idugtong sa mensahe na pinadala niya.

I want to see her.

He will go crazy kapag hindi pa niya ito makita ulit.

Kahit ano pa ang inililihim nito sa kanya. Sige. Tatanggapin niya ito. Makita lamang niya ito at makasama muli. Hindi pa nga siya nito sinasagot oh!

Mauudlot pa ata!

No,no way. Hindi pwede mangyari yun. Nasimulan na nila ng dalaga at umaasa siya na magkakaroon na ng label ang relasyon nila ng dalaga.

Shit.

Ayaw niya ng ganitong pakiramdam!

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon