Chapter 35

6.6K 229 4
                                    

Makailang buga na siya ng hininga habang nakatitig sa celpon niya na nasa ibabaw ng desk niya. Magkakalahating oras ng hindi nagrireply si Jeff.

Hindi siya sanay na matagal ito magreply kahit busy ito laging segundo lang ang agwat may tugon na ito pero ibang ngayon araw.

Baka naman nalowbat lang siya o di kaya sobrang busy siya ngayon? Anang ng inner wolf niya.

Lowbat huh?

Dinampot niya ang celpon at dinial ang contact ng binata. Nagri-ring yun pero hindi sinasagot nito.

Bigla siya nakaramdam ng inis. Dapat ba siyang makaramdam nun? Tiwala ang matibay na pundasyon sa isang relasyon kaya dapat meron siya niyun para sa binata.

Ayaw niya pag-isipan ng hindi maganda ang kasintahan. Siguro nga busy lamang ito at dapat masanay na rin siya na hindi sa lahat ng oras ay nasa kanya ang atensyon nito.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Puntahan kaya natin siya? Udyok ni inner wolf.

Tama,isusurprise visit niya ito. Mabilis na sinilid niya ang celpon sa bag niya at hinubad ang white doctor's robe.

Hindi pa man siya nakakarating sa pintuan niya ng bigla may sumulpot na dalawang bulto roon.

"Jeff?!" bulalas niya ng makita ang anyo nitong nasasaktan.

Agad na iniupo ng pinsan niyang si Gian na may kakayahan na magteleport ang kasintahan sa sofa niya.

"What happen?" agad niya paglapit sa mga ito.

"Mild accident lang," tugon ni Gian.

Agad na naningkit ang mga mata niya ng makita namamaga ang kanang paa ng kasintahan. Nakaramdam agad siya ng pag-aalala ng makitang nakangiwi ang tahimik lang na kasintahan.

"Ano nangyari? Bakit siya naaksidente? Saka may kinalaman ka ba dito?"pagdududa niya ng lingunin ang pinsan.

Nanlaki ang bughaw mga mata nito.

"Si Dwayne ang pasimuno ng nangyari,siya ang sisihin mo..late na kong dumating kanina," depensa nitong sabi.

Naguguluhan napasulyap siya kay Jeff.

"Anong ginawa nila sayo? Pinangtulong-tulongan ka ba nila?" matiim niyang saad.

Bumukas ang pagkabahala sa mukha nito sa anyo niya ngayon. Madilim at handa ng ipaghiganti sya.

"Aksidente lang ito..ahm,pinakita ko sa kanila kung paano magskate board kaso nga lang..sumablay ng kaunti,"anito.

Inabot nito ang kamay niya at kahit papaano nakalma ang kalooban niya.

" I'm okay..ahm,sprain lang naman ito,"malambing nitong saad.

Marahas siyang bumuga ng hangin.

"Okay..let me heal you," aniya.

Lumuhod siya sa harapan nito at napaigik ito ng hawakan niya ang kanan paa nito at ipinatong niya sa isang hita niya.

"It's alright,saglit lang ito.." masuyo niyang saad rito.

Nakangiwi na tumango ito. Ipinatong niya ang mga palad sa namamaga nitong paa.

"It's warm.." usal nito maya-maya.

Masuyo niyang nginitian ang binata.

"Wow..wala nang masakit," maang at mangha nitong turan na iniikot-ikot pa ang paa nito.

Bigla bumukas ang pintuan at sunod-sunod na nagsipasukan ang mga pinsan niya kasunod ang kambal niya. Agad na sumama ang mukha niya na hinarap niya ang mga ito.

Humalukipkip siya sa mga ito.

"Kamusta? Nagamot mo na siya?" si Jamiel.

Isa-isa niya tiningnan ang mga ito.

"Dahil sa inyo kaya siya nasaktan..hindi niyo ba naisip na mga lobo kayo at tao siya?" mariin niyang saad sa mga ito.

Naramdaman niya ang pagtayo ng kasintahan sa likuran niya.

"Sana'a..it's alright,ahm,aksidente lang yun," may pagkabahala sa tono nitong saad sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Tatawagan ko ang mga asawa niyo at sasabihin ko sa kanila ang ginawa niyo sa mate ko," matiim niyang saad.

Sabay-sabay na nagsilakihan ang mga mata ng mga ito.

"Wait,ahm,a-ano naman sasabihin mo?" si Dwayne.

Nginisihan niya ito. "Ikaw daw ang pasimuno ng lahat na ito kaya ang sasabihin ko lang naman kay Devie ay huwag kang tabihan sa loob ng tatlong araw," aniya.

Nanlaki ang mga mata nito. "No way!"

Nagsitawanan ang iba niyang pinsan.

"Ganun din kayo pati na ikaw Jamiel..lagot ka kay Papa,"ismid niya sa kambal niya.

Napamaang na lang ang mga ito sa kanya.

" Leave us alone now.."utos niya sa mga ito.

Walang nagawa ang mga ito at nagsisisihan habang palabas ng opisina niya.

"Gusto ko ng magkaanak baka naman wag mo na kong idamay sa kalokohan nila,hindi ako kasama sa usapan nila nalate ako ng dating kanina kung nasaan silang lahat,"si Gian na tanging naiwan roon.

"Ahm,Oo nga naman.." si Jeff.

"Tsk,pasalamat ka bagong kasal ka,sige na.." aniya.

Ngumiti ito. "Thank you," anito at bigla na lang nawala ng parang bula.

Napangiti siya ng yakapin siya ni Jeff.

"Nakakatakot pala ang Angel ko," anito.

She chuckled. Yumakap siya sa leeg nito.

"Bagay lang sa kanila yun.." aniya.

Nakangiti ang mga labi nila na hinalikan nila ang isa't-isa.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon