Chapter 12

7.7K 251 7
                                    

Hindi siya makatulog. Paulit-ulit na nagrireplay sa isip niya ang pag-uusap nila ni Sana'a.

Napapabuga siya ng hangin kapag naaalala niya ang pinagsasabi niya kanina.

Damn,shit! Pakiramdam niya parang siyang teenager kanina.

Marahas siya napabuga ng hangin. Nakatitig siya sa kisame ng silid niya at tanging liwanag lang ng buwan ang panglaw niya mula sa nakabukas niyang bintana.

Tulog na kaya siya?

Sana kinuha niya ang number nito para mapag-usapan nila ang araw na gusto siya nito mapanuod na magskate board.

Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

Sana hindi siya mapahiya rito.

Kinabukasan,maaga siyang nagtungo sa shop niya para magpractice ng Skate Board.

Hindi man ganun kalawak ang area ng silid na iyun sapat na yun para matuto ang gusto matuto ng skate boarding. Nasa may rooftop matatagpuan ang Skate Boarding Area.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib habang nakaporma na siya sa skate board niya. Nasa dulong bahagi siya ng pabilog na obstacle.

Okay,he can do it. Ayaw niya mapahiya sa dalaga.

Handa na siyang magpatihulog sa obstacle sakay ng skate board ng bigla bumukas ang pintuan ng rooftop na iyun at nawala siya sa pokus kaya ang ending lagapak siya bumagsak pababa.

"Bro!!" mabilis na lumapit sa kanya si Ed.

Napangiwi siya ng tumama ang siko niya.

"Uy,bro! Ayos ka lang?!"pagdaluho nito.

Sapo niya ang siko ng umayos siya sa pagkakaupo.

" Shit! Ang sakit,"daing niya.

Bahagyang may gasgas siya roon. Damn! Dapat siya mag-ingat kung ayaw niya mabalian ng buto.

Sinamaan niya ng tingin si Ed.

"Ikaw ang may kasalanan nito..bakit ba bigla-bigla ka na lang pumapasok?!" paninisi niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Sorry naman! Nakita ko kasi ang kotse mo sa parking Area kaya hinanap kita agad..ngayon ka lang ulit maaga pumasok eh," depensa nito.

Masama pa rin ang tingin niya rito.

"Teka nga,bakit ka ba nandito? Akala ko ba tinatamad ka ng magskate board?" sita nito maya-maya.

He sighed.

"Naisipan ko lang.." pagdadahilan niya.

May pagdududa sa mga mata nito na tinitigan siya.

Tumayo na siya bago pa ito maintriga.

Dinampot niya ang skate board niya.

"Magtatry ulit ako..buksan mo na ang shop sa baba," utos niya rito.

Tumayo na din ito.

"Sige..basta ingat ka," anito saka tumalima na. May pagdududa pa rin sa mukha nito.

Tinanguan niya ito.

Hindi siya susuko. Ayaw niyang mapahiya!

Muli siya tumuntong sa itaas bahagi ng obstacle.

Sa pagkakataon iyun maayos siyang gumulong pababa at pataas sa kabilang dulo.

Napangisi siya.

Siguro naman maiimpress na niya ito.

Huwag ka lang masyadong bibilib sa gagawin mo baka lumagapak ka bigla..mas nakakahiya yun! anang ng self ego niya.

Pero kakayanin niya. Hindi lang naman ang pagpapaimpress ang gusto niya ipakita sa dalaga. Gusto din niya ipakita rito ang hilig niya at makilala siya nito na isa ito sa bahagi ng buhay niya.

Wow..ang lalim na niyan,Jeffrey. Seryoso na ba yan?

Napapailing sa sarili. Kinakausap na rin niya ang sarili.

Saka lamang siya tumigil sa pag-eensanyo ng makaramdam na siya ng pagod. Kahit papaano lumalabas na ulit ang husay niya sa pag-i-skate board. Kunting practice na lang ulit at sigurado siya na mapeperfect niya ang mga tricks.

May ngisi sa mga labi niya na bumaba na siya para tulungan si Ed na siya muna umasikaso sa shop nila. Hindi nabago ang mood niya hanggang di na matiis ng kaibigan na tuksuhin siya na tinatawanan lang niya.

Masaya siya at wala siyang pake kung mukha siyang tanga. Bast masaya siya at...inspired dahil sa malaanghel na doktorang iyun.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon