Chapter 23

7.1K 232 8
                                    

Tahimik lang siya na pinakikiramdaman si Sana'a. Pagkaraan ng nangyari kanina sa labas ng shop niya wala na naging imik ang dalaga.

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng mga ito.

"Sigurado ka bang walang masakit sayo?" untag niya pagkaraan niya patayin ang makina ng kotse.

"Wala naman," mahina nitong saad.

"Nag-alala ako kanina ..akala ko..akala ko nasaktan ka kanina,"aniya habang nakaharap dito.

Isang matipid na ngiti ang pinukol nito sa kanya. Umangat ang isang kamay nito at sinapo ang kaliwang pisngi niya. Naipikit niya ang mga mata ng dumapo ang mainit nitong palad sa balat niya.

"Salamat sa pag-aalala,Jeff..pero okay ako hindi ako nasaktan," usal nito .

Nagmulat siya ng mga mata at hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. Pinagsalikop niya ang kanila mga daliri. Hindi makatingin ang mga mata nito sa kanya.

Sobrang pag-alala at may takot siya naramdaman kanina ng makita niya kung paano nito niligtas ang batang babae kanina.

Isa iyun...hindi kapani-paniwalang pangyayari na nasaksihan niya sa buong buhay niya.

"Huwag..huwag mo na kong pag-aalalahanin pa,okay?"maya-maya saad niya. Pilit na hinuhuli niya ang maiilap nitong mga mata.

Sa kaloob-looban niya gusto niya itanong rito kung paano nito iyun nagawa ng ganun kabilis.

Pero nag-aalala siya na baka masamain nito ang pagtatanong niyang iyun.

Baka hindi nito gustuhin na usisain niya ang ginawa nitong iyun.

Pero,mananahimik na lang ba siya? Isang napakalaking katanungan sa kanya ang nasaksihan niya sa ginawa nito.

"Hindi mo ba tatanungin kung paano ko nagawa yun?"maya-maya usal nito.

Agad siya natigilan sa sinabi nito. Pakiramdam niya nabasa nito ang nasa isip niya. Ang gumugulo na ngayon sa isip niya.

Tumitig siya sa malaanghel nitong mukha. Mababanaag sa mukha nito ang..pangamba?

"Gusto ko tanungin ang bagay na yun pero..ayaw kong panghimasukan ang bagay na yun. Kung..may dapat akong malaman tungkol sayo. Maghihintay ako na sabihin mo yun sakin,Sana'a,"masuyo niyang sabi na kinatingin nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Hinaplos niya muli ang pisngi nito. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita niyang pangamba sa malaanghel nitong mukha.

" Marapat lamang na may malaman kang mga bagay na tungkol sakin,Jeff..kung talagang gusto mo ako dapat lang na kilalanin mo ako ng mabuti.."saad nito pagkaraan ng ilang sandali.

Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng dalaga. Gustong-gusto niya malaman ang nasaksihan niyang iyun.

"Ask me,Jeff.." udyok nito sa kanya.

Mataman niya tinitigan ang mga mata nito na kakulay din ng mga mata niya.

He heave a deep sighed.

"How did you do that? Paano mo narating ang kinaroroonan ng bata ng ganun kabilis? Kung ako..kung ako ang gagawa niyun malamang..malamang hindi ko na maabutan ang bata," naguguluhan niyang sabi rito.

Natigilan siya ng makita nakatitig lang sa kanya ang dalaga. Shit,sana hindi na lang siya nagtanong.

"I'm sorry..hindi na dapat pa ako nagtanong," pagbaba niya ng paningin sa magkasalikop nilang mga daliri.

"May mga bagay ako nagagawa na hindi kaya gawin ng tulad niyong mga tao," anito na kinaangat niya ng paningin muli rito.

"Gaya na lang nangyari kanina.." dagdag nito sabay iwas ng mga mata nito sa kanya.

"Isang bagay na kaya mong gawin tulad nun.." maang niyang saad.

Umiling ito. "Isa lang yun sa mga bagay na kaya kong gawin," paglilinaw nito.

Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi nito.

Isa lang yun? Ang ibig sabihin may iba pa itong kayang gawin maliban sa pagiging ala-flash sa bilis na pagkilos nito?!

"Hindi ako pangkaraniwang tao lamang,Jeff..marami ako kayang gawin maliban sa nakita mo kanina," mahina nitong usal.

Walang lumabas na salita sa nakaawang niyang mga labi.

"Gusto ko malaman mo muna kung sino ako bago mo ako magustuhan ng lubusan,Jeff.."ang huLing salita mula rito na lalo nagpaligalig sa kanya.

Napasinghap siya ng lumapat ang mainit nitong bibig sa nakaawang niyang mga labi bago pa man siya makareak mabilis na ito bumaba ng sasakyan niya. Tila huminto sa pagtibok ang puso niya habang magkalapat ang kanila mga labi.

Hindi dahil sa mga sinabi nito kundi dahil sa halik nito sa mga labi niya.

Damn. Mas nagreak pa siya sa halik nito kaysa sa sinabi nito.

Napakurap-kurap siya ng ilang beses saka nagsink in sa utak niya ang sinabi ng dalaga.

Isang konklusyon lang ang nabuo sa isip niya.

May nililihim ang dalaga sa tunay nitong pagkatao.

Kung sinabi nito na hindi lamang iyun ang kaya nitong gawin. Ano pa ang kaya nitong gawin?

Hindi ito karaniwan tao tulad niya?

Is she alien?

Is she what?

Gulong-gulong ang isip niya na pinausad na niya ang sasakyan.

Shit.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon