Chapter 1

7.6K 111 1
                                    

          Sa isang bayan kung saan taguan ng mga adik, kung saan walang maayos na kalsada, kung saan palaging magingay dahil sa mga tambay na maaga palang lasing na, kung saan pati panty at brief ay ninanakaw para ibenta ng tatlo sampu, at kung saan talamak din ang mga grupo na walang ginawa kundi manggulo.


          “BOSS! Bat dito ka nanaman naliligo sa labas? Tignan mo, busog na busog nanaman ang mga mata ng mga tambay dito sayo oh!” tinignan nya yung nagsalita sunod naman ang mga taong tinutukoy neto. Walang ano ano’y binuhos nya ang isang balde ng tubig sa mga taong ginawang palabas sa telebisyon ang paliligo nya.

          “Badong naman! Parang nanonood lang eh!” reklamo ng isa sa mga nanonood tambay. Basang basa sila dahil sa ginawa ng babae.

          “Ahhh, nanonood lang ba?” sabay sabay namang tumango ang mga tambay ngunit agad din silang nagtakbuhan nung akmang balde naman ang ibabato sakanila “OH? AKALA KO BA NANONOOD PA KAYO?!”  sigaw ni Badong sa mga tambay na akala mo’y hinahanabol ng malaking aso sa bilis tumakbo. Napangisi naman sya habang pinapanood ang mga ito. Mababait naman ang mga tao dito, sadyang may mga pagkamanyak lang. tsk. Napailing nalang sya sa kanyang naisip at saka lumingon sa taong nangistorbo ng pagligo nya “pag-igib moko ng tubig, naubos e” at ibinigay ang balde kay vinci.

          “Boss naman! Istorbo e, kumakain pa ako ng almusal e.” reklamo ni vinci pero kinuha narin nya ang balde sa kanyang boss.

          “kung di moko inistorbo, di ka rin maiistorbo” palusot ng babae habang pinipiga ang suot na damit na pinangliligo.

          “Syempre boss, concern lang ako sainyo. Babae ka tas sinisilipan ka nila” pangangatwiran ni vinci pero huli na ng malaman nya na mali ang nasabi nya dahil nagkaron lang ito lalo ng rason para mautusan sya“Concern ka? Pag igib moko dali. Concern ka pala.”

          ‘kitams? Hays. Bat ko pa kasi nasabi sabing concern ako e kayang kaya naman nyang patumbahin ang mga yon kung gugustuhin nya’ isip isip nya. Wala na syang nagawa kaya pumunta nalang sya sa malapit na posonegro upang mag igib.

          Sinundan naman sya  ng tingin ni Badong ‘ang gagu lang din netong si vinci e, paano ako masisilipan dito e nakatshirt ako ng itim at isa pa malaki ito at hanggang tuhod pa’

          “Bads!” tawag sa kanya ng isa pang nyang kasamahan, si paco.  Hingal na hingal itong lumapit sa kanya, itinaas nya ang kanyang kamay na sinasabing ‘sandali napagod ako’ ng maayos na ang sarili ay muli itong nagsalita “parating si boy putik kasama yung ibang alagad nya. Mukang naghahamon pa ata ng panibagong away” pero imbes na mataranta, tinignan lang sya nito mula ulo hanggang paa.

          “sana nag panty ka nalang” pagbabalewala nya sa masamang balita ng kasamahan at masama lang nya itong tinignan.

          Parang di naman makapaniwala si Paco sa kanyang narinig, eto na nga’t mabubugbog na sila damit parin nya ang naiisip neto? Magsasalita na sana sya ng dumating na ang kanilang kalaban.

          “Badong.” Tawag pansin sakanila ng kalaban. Si Boy Putik.

          “Oh? Long time no see panget. Namiss kita. Kamusta ang pagmamahal na binigay ko sainyo kahapon?” tukoy nito sa mga pasa na nasa muka ni Boy putik pero imbes na sagutin, tinignan lang sya nito at lumapit pero agad ding napahinto ng harangin sya ng kamay ni Vinci. Nakabalik na pala ito sa pag iigib ng tubig “Hep! Sapak muna bago makalapit kay boss” pero gaya ng kay badong ay tinignan lang din sya nito.

           “Di ako pumunta dito para makipagaway” paninimula ni Boy Putik kaya binitawan narin sya ni Vinci “nandito kami para sumali na rin sa grupo mo. Narinig mo na rin siguro na may bagong grupo at usap usapan din na sobrang lakas nito. Kung kayo nga e di namin natalo, pano pa kaya sila?” sumilip si badong sa likod nito at napansin nyang kakaunti nalang sila, malamang ay nakuha na ang mga ito ng bagong grupo. Ganoon kasi ang patakaran sa mundo na kinakagalawan nila, kapag sumuko ka sa kalaban ibig sabihin hawak ka na nila sa leeg.
Tinignan nya ang dating kalaban sa mata upang suriin kung nagsasabi ito ng totoo ngunit magaling ito magtago ng nararamdaman. Walang kang makikitang anumang bakas ng emosyon sa muka nito. Pero…

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon