Chapter 16

2K 70 2
                                    

Badong's POV

"Wuhooooooo! Pano ba yan ate natalo kita!" tuwang tuwang sabi nya.

"nakatsamba ka lang eh"

"De walaaa! Pag natalo ka, talo ka. Walang tsamba tsamba. Papalusot ka pa eh" Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Nakalimutan ko, binata na nga pala tong kapatid ko. Hindi na mauuto.


Nagkarerahan kasi kami gamit ang jetski ng ninong ni Camille.

Ang totoo, wala talaga ako sa mood. Bumabawi lang din muna ako sa kapatid ko. Hanggang ngayon kasi di parin ako pinapatulog ng grupo na yon. Di ako matahimik hangga't di ko sila nakikilala. Pakiramdam ko, nasa panganib yung buhay ng mga kasama ko hangga't nabubuhay pa ang mga gagong yon.

Akala din ni Camille na buong araw lang akong natutulog pero ang di nya alam, nagbabantay ako sa gabi. Di lang din naman ako mapapakali kung sasabay lang din ako sakanila ng tulog kaya mas pinipili kong gising nalang ako para magbantay sakanila.

"Huy ate!" gulat akong napatingin sakanya. Pagkatingin ko sakanya unti unti syang ngumiti "Iniisip mo ba sya?" Anong pinagsasasabi neto? "Wag kang mag-alala ate, boto ako sakanya kaya sana sya nalang mahalin mo" kinindatan pa ako.

Huh?

"Anong pinagsasasabi mo?"


"Si ate Camille. Kanina ka pa nakatitig sakanya eh. Akala ko nga nakatulala ka lang pero si ate Camille lang pala tinitignan mo"

Di ko alam pero nung pagkatingin ko sa harap ko, totoong kay Camille ako nakatingin. Nasa labas sila ng bahay at nagiihaw. Masaya sya habang nakikipagusap kay Paco.

Ang ganda talaga nya lalo na kapag nakangiti.

"Uyyyyy, si ate..." kantyaw ng magaling kong kapatid.


"tara na nga. Para kang bakla" sabi ko at nauna na.


"seryoso ate!" sigaw nya sa likod ko kaya napahinto ako "gusto ko sya para sayo. Alam kong mamahalin ka nya ng totoo"
Napangiti nalang ako sa sinabi nya at nagsimula ng ulit lumakad.

Kung alam mo lang Julius. Wag kang mag-alala, kumikilos na ang ate.






Camille's POV

"And last! Lobster with Garlic Butter. Specialty ko yan kaya sana magustuhan nyo" Alam kong simple lang naman talaga to pero bakit ba? Basta special to wag nga kayo! Hahaha!


Pagkalapag ko ng niluto ko, sya namang sunggab dito ni Vince "Yown! Mr. Krabs come to papi!" Mr. Crabs? 

"Mr. Crabs?" tanong ko pagkaupo.

"Nubayan Camille. Di mo kilala si Mr. Krabs? Yung amo ni Spongebob. Kawawa ka naman, wala siguro kayong T.V."
Aba't! Di ko lang kilala yon wala na agad kaming T.V? Kung ipakain ko kaya sakanya lahat ng T.V namin. Psh! Tsaka di naman yun yung tinatanong ko eh!

"Wag kang tanga Vinci, si Larry yan. Kelan pa naging lobster si Mr. Krabs? Kabobohan mo din e" Mahinahong pagkakasabi ni Yanyan. Oo! Mahinahon lang yan kasi kung hindi baka may batok na si Vinci dahil sa mga pinagsasasabi nya. Lagi namang beastmode yang si Yanyan.

Seriously? Anong pinaguusapan nila? OP talaga ako e.


"Ay? Lobster ba yan? Akala ko alimasag na matangkad lang eh" kamot ulo nyang sabi. Pareho namang nagtawanan si Paco tsaka si Julius.


"HAHAHAHAHA! ANO YAN KUYA NAG GROWEE? TANGKAD SAGAD?"


"KAHIT KELAN KA TALAGA YANG KATANGAHAN MO KAKAIBA. NAKAKATAWANG NAKAKABADTRIP. HAHAHAHA!"

Till I Met YouWhere stories live. Discover now