Chapter 24

1.9K 71 2
                                    

Badong's POV

"Oh shit" daing ko ng maramdaman yung pananakit ng ulo ko pagbangon. Parang mabibiyak.

Teka, ano nga bang nangyare kagabi? Nagmeeting, nagpuyat kakaisip tapos natulog na.

Yun lang? Tas dito lang ako sa sofa nakatulog?

*kru kru*

Pota. Nagugutom na ako. "Kaya naman pala. Alas dose na." Sambit ko ng makita yung relo ko.

Nilibot ko yung paningin ko para maghanap ng tao pero tanging si Vinci lang na natutulog sa sahig yung nakita ko.
Asan yung iba?

"Hoy Vinci, gising. Tanghali na" sabi ko habang sinisipa sya pero dahil sa ayaw nya talagang magising at dala pa ng kakagising ko lang, napalakas yung sipa ko.

"ARAYYY! Tangina naman boss! Yung itlog ko!" halos di nya malaman kung panong pwesto ang gagawin nya dahil sa pamimilipit sa sakit. Habang ako naman, wala lang. Ang oa naman kasi.

"Bangon na dyan, kundi yan yung piprituhin ko. Nagugutom pa naman ako" sabi ko habang nagiinat.

"Naman eh!... Teka? Yak! Kadiri ka boss! Pati itlog ko pinagnanasahan mo"

"Gago" Puro kagaguhan tong vincing to. Makapaghilamos na nga lang.


"anak ng tupa" mahinang sambit ko ng makitang nakaupo si Vinci sa sofa at tinuloy ang naudlot nyang tulog "tss. Pambihira naman oh"

Ano bang ginawa ng mga to kagabi? Di nga sila tumulong samin mag-isip tapos parang sila pa ang puyat na puyat ngayon?
Ay ewan!

"Jullius!" tawag ko sa kapatid ko. Asan ba yung lalakeng yon? Sabi nya di daw sya papasok. "Jul--" napahinto ako sa pagtawag kay Jullius ng makita ko si Camille na nakatingin sakin habang nakataas ang kilay.

Teka?

Bat nandito to?

"Why are you here?" nagtatakang tanong ko habang papalapit sakanya.

"Bakit? Masama bang pumunta dito? Ayaw mokong makita?" masungit na sabi nya.

"I mean, diba may work ka? Di ka ba sinundo ni Paco?"

Sasagot na sana sya pero biglang pumasok si Paco bitbit si Brianna "Opps, I'm here! Sinundo ko sya no" sabi nya. Nilapag nya muna si baby atsaka pumasok sa kwarto.


Muli akong napatingin kay Camille. Yayakapin ko sana sya ng pigilan nya ako "Why?" ang samang tingin nya sakin.

Bakit ba?

"May LBM ka nga" sabi nya na ipinagtaka ko. Anong LBM? "Lasing Buong Magdamag" ha? Teka?

Dahan dahan akong lumingon sa lamesa at nakita ko yung dalawang bote ng alak.
Pota! Nalintikan na.

Muli akong tumingin sakanya. Hinawakan ko pa sya sa muka "Camille, di ako ang uminom nyan. Promise. Maniwala ka sakin. Sila Vinci yan malamang"

"Sinong niloloko mo? Nagsinungaling ka pa na masama pakiramdam mo para di ka lang makapasok ngayon, yun pala maglalasing ka" sabi nya atsaka ako inirapan.

"I promise Camille. Look, di pa ako naliligo or nagpapalit. You can smell me para malaman mo na di talaga ako uminom. C'mon, smell me" di ko na sya hinitay na lumapit sakin, bagkus ako na mismo ang naglapit ng sarili ko sakanya.

Nung nakita kong mukang naamoy nya na ako, lumayo ako atsaka pinagmasdan ang reaksyon nya "Are you sure? Di ka uminom kahit isang baso?"

"Promise! Di ko nga alam na may alak dyan eh" mabilis na sabi ko "bati na tayo, wag ka ng masungit. Please?"

Till I Met YouWhere stories live. Discover now