Chapter 2

3.4K 96 0
                                    

“Boss!” Tawag ni Vinci sa paparating na si Badong, pero di sya pinansin nito imbes pinanood lang nito ang mga kalaban na gustong sumapi sakanila na nagpupulot ng mga basura sa kanilang creek. Napanguso nalang si vinci sabay kamot sakanyang ulo dahil sa kasungitang taglay ng kanilang leader.


Ito ang patakaran ni Badong. Malayong malayo sa ibang grupo na sinasaktan muna ang mga gustong sumali para lang masubukan ang lakas at paninindigan ng mga ito imbes ay pinaglilinis lang nila ito ng buong barangay o kung ano ano pang mga gawain na makakatulong sa kanilang barangay. Nakatulong na sila, natulungan nya ba ang mga kamyembro kung paano magpahalaga.


“Ano Boy Putik? Mas magandang exercise yan diba? Di yung puro gulo ang inaatupag nyo” sigaw ni badong sa dating kalaban pero tinignan lang sya nito at bumalik na sa ginagawa.


Lihim namang napatawa si Vinci dahil kahit papaano nakaganti sya sa pangiisnob ng leader, pero agad din syang umayos at sumeryoso ng muka dahil narinig pala sya ng kanyang boss at ngayon nga ay ang sama ng titig nito sakanya.


Di nagustuhan ni Badong ang ginawa sakanya ni Boy putik kaya tinawag nya si vinci, agad namang lumapit ang kasamahan. “pagkatapos nito, ipalinis mo sakanila yung  eskwelahan kung saan pumapasok si mang Domeng, ng makapag day-off naman yung matanda” nilakasan talaga ni Badong ang boses nya para
marinig ito ni Boy Putik. Napangisi naman sya ng mapansing napangiwi ito ng marinig ang sinabi nya. ‘tama yan. Bastos ka e.’


Tila nagustuhan naman ito ni Vinci dahil sa wakas ay makakaganti na rin sya sa mga ito. Di pa rin kasi sya kumbensido na sumali ito sakanila dahil sa totoo lang ay masama ang kutob nya sa mga to “tawagin mo na rin yung iba nating mga kasama, mamaya biglang mag-amok yan mahirap na. papasok pa kasi ako kaya kayo muna ang bahala dyan ni Paco” rinig pa nyang pahabol na utos ni Badong.


“Yes boss! No problemo!” ngiting ngiti namang sumaludo pa si Vinci sakanya pero napanguso din ito ng sinabihan syang parang tanga.


Nagaalala si Badong sa sinabi ni Boy Putik tungkol sa bagong grupo. Alam na nya ang tungkol dito dahil kagabi lang ito ang pinaguusapan nila ng  mga kaalyado nyang grupo galing sa iba’t ibang barangay, pero di nila malaman kung sino sino ang mga ito, pero isa lang ang alam nila, sobrang lakas ng mga ito. Nag-aalala sya hindi para sa sarili nya kundi sa buong barangay, sa mga kasamahan lalong lalo na kay Jullius at Paco. Usap usapan din kasi na walang tinatalo ang mga yon, buong barangay kaya nilang sirain at kapag napagtripan ka nila sisiguraduhin nilang wala ng makakailala sayo pagkatapos. Yun ang kinakatakutan ni Badong, kaya di na sya nagdalawang isip na tanggapin ang dating kalaban kahit na hindi sya sa totoong layunin nito. Isa lang ang iniisip nya. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat galaw nya.


Bumaling naman si Badong kay Paco na seryosong pinapanood lang din ang dating kalaban “Hoy, kayo na bahala dyan, magtatrabaho na ako”


“Edi magtrabaho ka!” sabay irap.


minsan ang sarap kalbuhin netong si Paco, tss’ di nya nalang sinagot ang kaibigan at tumuloy na ng lakad. Naalala nanaman nya yung bagong grupo. Hindi nya idedeny sa sarili na natatakot na sya ngayon palang “sino kaya sila?” bulong nya sa sarili ‘tsk, tsaka na nga muna yon, tatapusin ko muna ang problema sa bahay tsaka na ang barangay’ pero di talaga sya mapakali kaya inisip nanaman ang tungkol sa bagong grupo, hanggang sa makarinig sya ng malakas na pagbusina. Sa gulat ay napaupo sya sa kalsada. Kaharap nya ngayon ang nguso ng sasakyan, konti lang ang pagitan ng muka nya rito.


Agad namang may bumaba sa kotse na babae na sa tingin nya ay ito ang nagdadrive “Oh my god! Okay ka lang ba miss?” punong puno ng pag-alala ang tono ng babae. Lumuhod pa ito para pumantay sakanya. Di alintana ang suot na dress at ang malupa lupang kalsada.


Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon