Chapter 19

1.9K 61 2
                                    

Badong's POV



"Hep!" pigil sakin ni Paco sa paginom ng kape "Wala kang pasok?" Tinignan ko naman sya ng 'Obvious ba?' look atsaka tinanggal yung kamay nya sa braso ko. Epal e, painom na ako e.





Bigla naman syang pumalakpak habang tumatalon "Yehey! Ikaw muna toka sa tanghalian ah. Maliligo lang ako" muntanga





"Kahit wag na, wala namang mangyayare Paco" seryoso kong sabi pero agad din akong napatayo at iniwas sakin yung tasa, dahil binato lang naman nya sakin yung tuwalya nya. Taena talaga netong babaeng to, pikon.




"Tse!" sabi nya lang at nagwalk out na. Tss. Mga babae talaga.

Sayang yung kape, natapon. Tsk!

Iling iling kong dinampot yung tuwalyang binato sakin ni Paco kanina at sinampay dun sa doorknob sa labas ng banyo "Hoy babae, pasok pasok ka dyan di mo kinukuha yung tuwalya mo. Tapos lalabas ka nanaman ng hubo't hubad"

"Ang kapal ng mukha mo Yanyan! Never pa akong lumabas ng nakahubad" sigaw naman nya.

Natatawa akong lumayo at kinuha yung kape ko. Kahit kelan talaga mapagpatol tong babaeng to.

Painom na sana ako ulit ng kape ng may kumatok naman sa pinto.

Ugh! Kelan ba kami makakapagmoment ng kape ko? Tss. Pagkabukas ko ng pintuan, it's Brix. Remember him? Yung leader ng isang gang sa kabilang kanto.

"Badong, may balita na ba?" deretsahang tanong nya.

"Pre, aware ka naman siguro sa kaaway natin. Hindi basta basta yon, kaya hindi madaling makahanap ng impormasyon. Pero wag kang mag-alala, kumikilos naman yung mga bata ko" pagpapaliwanag ko sakanya. Inaya ko sya sa loob ng bahay at ipinakita sakanya yung kagabi ko pang tinatrabaho.

Idinikit ko pansamantala sa dingding yung manila paper at binulugan ng malaki yung mga mga lugar na nalusob na ng mga kaaway "Kung mapapansin mo, hindi tabi tabi yung mga barangay na nilulusob nila, that's why it's hard for us to find the pattern that will help us to prepare." Nakahawak lang sya sa baba nya habang nakikinig sa paliwanag ko. Taena, para akong nagpepresent ng presentation sa harap ng CEO ah.

"So anong kailangan nating gawin ngayon?"

"Kailangan nating malaman yung pagkakapare pareho ng mga barangay na yan. Kahit mga maliliit na detalye wala tayong palalampasin. Naniniwala akong makakakuha na tayo ng impormasyon pag napag-aralan natin yan"

"Sige Badong, asahan mo na makikipagtulungan din kami" Aba?

"Gago! Dapat lang. hindi madali to no" natawa naman sya sa sinabi ko atsaka sumaludo. Nang makaalis sya, muli akong tumingin sa papel na nakapaskil sa dingding.

Tinignan ko isa isa yung mga nakabilog na lugar. Isa palang ang nakikita kong pagkakapareho nila, yun ay ang pare parehong iskwater ang mga lugar na iyon.

Itong lugar na kinakatayuan namin ay isang malaking malaking skwater area. Ito ang pinakamalaking skwater area sa maynila. Bawat kanto, or should I say 'street' may nangangalagang grupo at isa nga ang grupo ko don. Bakit may ganito? Syempre, di mo maiiwasan na sa ganitong uri ng lugar ang masasamang tao at trabaho namin ay angpangalagaan yung nasasakupan namin. Bakit may mga grupong magkakaaway? Let's say na may mga leader na gago. Katulad ni Boy Putik. Remember him? Nagkaron kami ng alitan dahil isa sa mga nasasakupan nya ay nanggulo sa teritoryo ko, syempre ang ginawa ko sa taong yon, ginulo ko din buhay nya. Pinatikim ko sakanya yung sakit na hindi na nya papangarapin pang maranasan ulit. Pero ang gago, nagsumbong din sa leader nyang gago, kaya ayon ginulo ko din buhay ng grupo nya.

Till I Met YouWhere stories live. Discover now