Chapter 3

2.6K 95 25
                                    

          "We're here" pagpapaalam ni badong sa kasama nang marating nila ang isang coffee shop "alis na rin ako."



          Pero bago pa sya makalabas ng sasakyan, isang kamay ang pumigil sakanya. "wag ka munang umalis. Kakausapin ko lang yung kameeting ko tapos may io-offer ako sayo" nakangiting sabi ng babae. Napataas naman ng kilay si Badong pero agad din syang tumango.
Napangiti ang babae dahil don "yes! Tara na sa loob" masayang sabi nya.



          Sabay silang lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng coffee shop. "dito ka muna, kakausapin ko lang si Mr. Lim. After nito, tsaka natin paguusapan yung offer ko, okay?" tumango lang si Badong. "order ka nalang din muna ha. Ako na magbabayad mamaya" sabi pa nung babae bago umupo sa katabing lamesa. Sakto namang dumating na din ang kausap nito.
Di nya alam sa sarili kung bakit nandito pa sya. Kung tutuusing pwede na syang umalis at iwan yung babae pero ewan nya ba sa sarili nya. Parang may sinasabi sakanya na itong babae ang swerte nya ngayon.



          "Ma'am ano daw po ang order nyo?" nagtaka sya sa tanong ng waiter. 'daw'? Napatingin sya dun sa babae sa kabilang table, nakangiting nakatingin rin ito sakanya pero agad ding bumaling sa kinakausap.



          "kape nalang" baling naman nya sa waiter. Naalala nyang wala parin pala syang almusal. Ang aga kasing mambwisit ng mga kasamahan nya.



          Palinga linga lang si Badong sa loob ng coffee shop. Gustong gusto nya ang katahimikan sa loob, ang tanging maririnig mo lang ay yung mahinang pagtugtog ng mga RnB songs. Naalala nya yung buhay nya dati. Tahimik lang, walang problema pero ramdam mong may kulang. Malayong malayo sa ngayon na buhay nya. Magulo, puro problema pero masaya. Di sya nagsisisi kasi kahit ganon man ang nararanasan nya dito naman sya nakaramdam ng totoong saya, atsaka dito lang nya naramdaman na buo sya. Ngayon nya lang naramdaman ang silbi nya. Kahit na alam nyang mali, pero dito gusto ng puso nya.



          Muli syang napatingin sa babaeng kasama nya kanina. Mukang tapos na silang mag-usap dahil nakatayo na sila pareho at nagkamayan na.




Camille's POV


"hi!" nakangiti kong bati sakanya sabay upo sa tabing upuan nya. Kakatapos ko lanv kausapin yung ka-meeting ko. Mabuti nalang at madali lang kausapin si Mr. Lim at napapayag ko agad sya sa offer ko, pero syempre dahil din yun sa utak ko. Duh! Charot! Haha. Pero ewan ko ba dito sa kasama ko ngayon. Honestly ang weird nya. Kanina pa sa tango at iling lang ang sagot nya sakin. Di naman sya pipi kasi nagsalita sya kanina. Sunget, psh! Pero dahil gusto ko nga sya, kailangan ko syang ligawan-- ehem, I mean gusto ko yung pagdrive nya at dahil masungit sya pipilitin ko syang mapa-payag. Ewan ko ba. Ayaw ko naman talaga ng driver e, matagal na akong inaalok ni daddy ng driver pero ayaw ko. Gusto ko ako lang. Pero nung nakita ko tong taong to, ewan, biglang nagbago ying isip ko. Siguro dahil na rin ang galing nyang magdrive at alam nya ang mga pasikot sikot dito which is kailangan ko talaga.



*snap*



"huh?" tumingin ako sakanya "ahh, oo nga pala. Balak ko kasing bigyan ka ng trabaho" nakatingin lang sya sakin na parang sinasabi na ituloy ko lang "Gusto kitang maging driver ko" lalong sumeryoso yung muka nya sa sinabi ko.



Uhm... Offensive ba pagkakasabi ko?



"then?" rinig kong tanong nya.



Then? Wait? Pumapayag na ba sya?
Woah!!! Pero wait, wala pang kasiguraduhan "Ahm, ibig sabihin lagi kitang kasama kahit sa office"



"so, bodyguard din ako?"



Natigilan ako sa tanong nya. Oo nga no? Magmumukang bodyguard ko din sya kung ganon. E basta! " di naman sa ganon. Pero kasi, di naman ako ganong amo na porket driver kita e laging sa sasakyan lang kita nakadikit"



"kasi? Iniisip mo na baka nakawin ko yung kotse mo kaya dapat lagi akong nakadikit sayo? Sorry miss, pero wag mo nalang akong bigyan ng trabaho kung wala ka namang tiwala sakin"



Napanganga naman ako sa sinabi nya. Seriously? "no! Di naman ganon yung iniisip ko kaya dapat lagi kang nakadikit sakin. Di lang kasi ako sanay na may driver, tapos parang di pa nalalayo ang edad natin, kaya gusto ko di ka magmukang driver ko lang, parang friends! Tama, friends. Tropa tropa chill chill lang. Plus magaling ka magdrive at halos kabisado mo lahat ng daan sa maynila, diba? Kaya ikaw ang gusto ko. Pero yun nga, di ko naman maatim na hinihintay mo lang ako sa kotse, kaya kita pinadidikit sakin kung san man ako magpunta" please! Please! Pumayag kana...



Nabawasan yung pagkaseryoso ng muka nya "magkano naman ang sweldo ko?" napangiti na ako ng malapad sa tanong nya. Pumayag na sya, yes! Pero di ako agad nakasagot dahil dumating yung order nyang kape. Nagpasalamat sya dun sa waiter bago sya tumingin ulit sakin "Go, continue"



"okay na ba sayo yung 10k a month?" deretsong pagkakasabi ko




Badong's POV


"Go, continue" sabi ko sakanya pagkatapos ko magpasalamat sa naghatid ng kape ko, kinuha ko yon para inumin nung magsalita sya.



"okay na ba sayo yung 10k a month?" walang isip isip na pagkakasabi nya.
10k a month? Nagbibiro ba tong babaeng to? Muntik ko pang mabuga tong kape ko. Tss.



"Uhm, kulang pa ba? Pwede pa naman nating dagdagan" inosenteng tanong nya.
Dadagdagan pa? Kunsabagay, mayaman to kaya barya lang sakanila ang 10k. Tsk! Di ko maintindihan kung bakit nagugulat pa ako sa ganon.



"okay na ako sa 10k" di naman ako gahaman, okay na ako sa sakto lang "Actually, kahit 5k lang okay na ako" pahabol ko pa.



Nagulat nalang ako nung sumigaw sya at yumakap sakin "No! 10k ang matatanggap mo. Waahhh! Im so happy! Promise yan ah, wala ng bawian"



"okay na, okay na" papakalma ko sakanya. Hinawakan ko na din sya sa balikat para mailayo sya sakin. Nakakaasiwa e. Knowing na di lang kami ang tao dito sa loob.



"Ay! Hehe" nagpeace sign pa sya "sorry"



Napairap nalang ako at saka kinuha yung kape. Sya naman ay ngiting ngiti lang nakatitig sakin "kelan pala ako maguumpisa?" bago ko pa mainom ulit yung kape ko, hinila na nya ako palabas.



"ngayon na!" punong puno ng enerhiya na pagkakasabi nya.








Naman! Di ko pa nababawasan yung kape ko, tsk!

Till I Met YouWhere stories live. Discover now