Chapter 35

1.4K 48 1
                                    

Camille's POV

"Ano pre? Ikaw naman kasi nagrereklamo ka pa e, yan tuloy nadale ka" natatawang sabi ni Vinci kay Juls. Ngayong tanghali kasi nya pupuntahan yung sinasabi ni Yanyan na posibleng isa sa hide out ng kalaban, at base sa mukha ni Juls ngayon, kinakabahan sya na hindi mo maintindihan. Idagdag pa na inaasar sya ni Vinci at Brix.

"Okay lang yan bro, ganda naman ng porma mo e" sabi ni Brix sabay tawa ng malakas. Pati ako natawa na din, pano naman kasi, yung pinasuot kasi ni Yanyan sakanya pang guard, yung umiikot sa loob ng subdivision para mag check. (A/N: No offense meant po sa mga guard, saludo po ako sakanila, wala po akong masamang intensyon) Sabi kasi ni Yanyan, sa loob ng isang exclusive subdivision tumigil yung tracking device na kinabit nila kay Serrano, kaya pinag disguise nya si Juls bilang isang guard para walang maghinala sakanya. Buti nalang nga daw at kilala ng daddy ni Yanyan yung may ari nung subdivision at pinagbigay alam nya yung binabalak nila Yanyan, pero di nila pinaalam yung totoong dahilan, baka daw kasi magkagulo pa. ewan ko lang kung anong pinalabas nila.

"Mga taena nyo ah, pag talaga ako namatay don, mumultuhin ko kayong dalawa" naiinis na sabi ni Juls pero tinawanan lang sya ng dalawang nyang kaibigan "Asan na ba si Bads? Nang matapos na to"

Saktong pagkasabi nya, may pumarada na itim na motorbike sa harap namin. Nandito kasi kami sa tapat ng pintuan nila Yanyan nakatayo. Bumaba sya at lumapit samin "Exited Juls?" nakangising sabi ni Yanyan. Kelan kaya papanget tong si Yanyan sa paningin ko? Psh! "Eto nga pala yung gagamitin mong pang ronda" turo nya sa motor na sinakyan nya.

"WOW! Ayos yan tol oh, akalain mo yun may motor ka pa, swerte mo tol!" react ni Vinci. Nilapitan nya pa yung motor atsaka ininspeksyon

"Swerte? Gusto mo ikaw nalang. Tara palit tayo damit, swerte pala ako eh" sarcastic na sabi naman ni Juls

Napahito si Vinci sa paghimas sa motor at muling tumabi kay Paco "Okay na ako tol, mahal ko pa buhay ko. Hehe"

Inirapan lang naman sya ni Juls atsaka tumingin kay Yanyan "Bads, ako ba talaga gagawa neto? Diba, ikaw naman talaga yung nagmamatyag tapos back up lang kami? Bads, ayoko pang mamamatay" nagmamakaawang sabi ni Juls

"Baliw ka ba? Bat ka naman mamamatay, roronda ka lang naman. Wag ka kasing magpaniwala sa dalawang ugok nay an" turo nya kila Vinci at Brix na ngayon pinagtatawanan yung kadramahan ni Juls "wag kang mag-alala, may nakastand by na assassin si dad kaya di ka mapapahamak, atsaka kung ako gagawa nyan, sino magaassist sakin? Ako magassist sayo bro, wag kang mag-alala, wag kang parang bakla. Oh, eto yung salamin" sinuot nya yung eyeglass sa mata ni Juls "Para Makita din naming yung makikita mo don, merong maliit na camera yan sa gilid tsaka maliit na monitor, ibig-sabihin maaaring may magflash na picture dyan once na may makuha syang muka ng tao, but don't worry, ikaw lang makakakita non kahit transparent sya. Tulad ngayon, may nagflash na mukha ko diba?" tumango lang si Juls ng dalawang beses, mukang katulad namin, naaamaze din sya sa pinagsasasabi ni Yanyan "Okay na tayo sa chip mo, nagtest na tayo kanina, right? Reminder lang Juls, ingat ka lang sa pagbuka ng bibig mo kapag magbibigay ka ng info samin, baka kasi may makakita sayo at paghinalaan ka. Simplehan mo lang, okay?" nagbigay pa ng few reminder si Yanyan kay Juls bago nya ito pinaalis.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila Yanyan, sumalubong samin si Brianna na tawa ng tawa, dumeretso sya kay Yanyan at nagpabuhat "It seems like you're having fun here, young lady?"

"yash, I am!" bulol naman na sagot ni Brianna at saka yumakap kay Yanyan, mukang inaantok na sya, ganyan kasi sya kapag inaantok na, magpapabuhat tapos yayakap, but usually, kay Yanyan lang sya ganyan.

Oo nga pala, Brianna is improving, nagiging normal na bata na sya unike dati na halos pag ngiti ay di magawa, but seeing her now? Nakakatuwa lang kasi nakikipagusap na sya samin ni Yanyan. Misan nga, mapapangiti ka nalang kapag naririnig mo yung hagikgik nya kasi nilalaro sya ni Yanyan. Pero minsan, di parin nya maiwasan na maalala yung mga magulang nya. Andon yung nagigising sya sa gabi kasi siguro napapanaginipan nya yung aksidente. Sabi naman ng doctor, di daw agad agad mawawala yon lalo na't nasaksihan nya lahat yung nangyare sa parents nya. But still, Yanyan and I are happy kasi kahit papaano, nagsasalita na sya at tumatawa.

Till I Met YouWhere stories live. Discover now