Chapter 25

1.8K 71 7
                                    

Badong's POV

"Anong naisipan mo at pumunta ka don magisa? Anong kagaguhan ang pumasok sa utak mo?"

"sorry ate..."

Magsasalita pa sana ako ulit nang tinapik ako ni Paco sa balikat "Bads, pwede kalma ka? Di mo pa nga naririnig yung dahilan ng kapatid mo, g na g kana. Tsaka..." lumapit sya sakin ng konti para bumulong "itago mo ng konti yang sungay mo, nandyan si Camille. Ikaw din, baka di ka pa nanliligaw basted kana" sabi nya dahilan para tumingin ako sa tinutukoy nya.

She just smiled awkwardly.

I sighed and face Jullius again "Fine. Tumingin ka sa mata ko at sabihin mo sakin kung bakit ka pumunta don"

"Gusto ko lang tulungan ka ate. Ayokong magpabigat sayo. Di na ako bata para ikaw lagi ang magprotekta sakin. Gusto din kitang maprotektahan"

"Alam mong ang sundin lang ako ang makakapagprotekta hindi lang sakin kundi sating dalawa diba? Yun lang ang gusto kong gawin mo Jullius. Ang sundin ako" hindi na sya sumagot at muling yumuko. Yeah, i know that gesture. Di nya tanggap yung sinabi ko tho i understand him and proud because of his braveness "But, okay then. Papalagpasin ko yung kasalanan mo ngayon pero ayoko ng maulit to, okay?"

No response?

Hmmm "fine. So anong natuklasan mo sa warehouse" sabi ko na ikinangiti nya ng malapad.


Yeah. Just great. Tss.

Sinundan ko sya ng tingin nung pumunta sya sa tapat ni Camille at may kinuhang papel sa ilalim ng lamesa "have you ever wonder why the structure of that warehouse is so strange?" Sabi nya habang nag i sketch sa papel na kinuha nya.


Strange? "Aba malay ko. Di naman ako architect para intindihin pa yon" sabi ko at umupo sa tabi ni Camille.


"Ate, kahit high school student magtataka kapag nakakita ng ganong klaseng warehouse. Tsk!" naiinis na sabi nya.

Aba loko tong lalakeng to. Anong tingin nya sakin? Bobo? Tss. "Look ate, this is the normal warehouse. Kahit pumunta ka pa sa ibang bansa or magsearch ka, ganyan kalake ang makikita mong warehouse. And compare to this?" pinakita naman nya sakin yung isang papel "Ito yung warehouse na binabantayan nyo"

Unang tingin palang, makikita mo na agad yung pinagkaiba. Masyadong mababa yung warehouse na pinaghihinalaan namin. I remember, inakyat ko yung Bubong non at mabilis lang akong nakaakyat.


Shit! Bat di ko nga ba naisip yon? Yeah Jullian. Bobo ka nga. Just accept it.


"And I remember, i asked ate Paco kung anong napansin nyo nung nagmanman kayo don" sinamaan ko agad ng tingin si Paco. Mga bwiset na to, mga kunsintidor. Pigil ako ng pigil kay Jullius, sila naman tong bigay ng bigay ng info. "She said that more than 20 cars Entered that warehouse but hanggang sa magdilim na, wala paring lumalabas. Right ate Paco?" nagthumbs up naman si Paco Habang nakangiti. Proud na proud sya sa mga sinasabi ng kapatid ko. Gago talaga. "And to think na ang liit liit ng warehouse na yon, paano mo pagkakasyahin ang more than 20 na kotse?"


"So, what you mean to say is may basement yung warehouse na yon?"


"Who knows? But one more thing ate. Dito ako mas nagtaka" Kumuha ulit sya ng papel at tila parang may inaalala hanggang sa nagsulat sya ng paunti unti.


"Tagal naman.." naiinip na sabi ko.

"Wait ate. Medyo mahirap yung symbols e" yeah, symbols nga yung nasusulat nya, pero parang pamilyar sya sakin "nakita ko to sa front door nila. I know baka kung ano lang to, baka trip lang nila or what pero parang familiar kasi sakin tong mga symbols na to" sabi lang nya habang nagsusulat.


Till I Met YouWhere stories live. Discover now