Chapter 10

2.3K 78 0
                                    

Camille's POV

"Dyan nalang" sabi ni Yanyan pagkatapat namin sa isang bahay. Pagkatigil ko, dali dali syang bumaba para kunin naman si Brianna sa backseat. May nakalagay don na baby chair para sakanya. Bawal kasi kung nasa harap din sya, baka mahuli kami.


Ako na yung nagdrive dahil sa kalagayan nya. Ayaw pa nga sana nyang pumayag kasi sya daw ang driver ko kaya dapat sya daw ang madrive, ang kulit lang. Pero dahil mas makulit ang amo nya, amo nya parin ang nasunod. Galing no?


Bumaba na rin ako nung makuha nya si Brianna sa likod "Bantayan nyo yan ah" Turo nya sa sasakyan ko. Tumango naman yung dalawang lalake na nakaupo sa tapat ng bahay nila. Wow! Boss?


Pagkatapat namin sa pintuan bubuksan na sana nya yon ng may magbukas na "Boss! Ang aga ata natin ah? Sino yan?" tukoy nya kay Brianna. Ako naman, nandito sa gilid kaya di pa ako napapansin.


"Syota ba kita? Makapagtanong ka parang babae kita ah" nilagpasan lang nya yung lalake at nagtuloy na sa loob habang ako naiwan sa labas. Psh!


Isasarado na sana nung lalake yung pinto nung mapansin nya ako "Uy! Hi miss, ako ba hanap mo?" Sabi nya sabay kindat. Actually, may itsura sya pero di ko sya type kaya nevermind.


Bigla namang sumilip si Yanyan at tinabig yung lalake "Tabi. Allergic sa panget yan" Sabi nya sabay hila sakin.


"Ang bait mo talaga sakin boss. Grabe. Nakakaiyak"


Pinagmasdan ko yung kabuuan ng bahay. Di sya malaki, di mo rin masasabing maliit. Sakto lang kumbaga. Tsaka, infairness ah. Malinis sya.


"Asan si Paco?" tanong nya dun sa lalake habang tinitignan yung laman ng kaldero. Kami naman ni Brianna nandito lang sa sofa nakaupo.


"Namalengke lang boss. Magluluto daw sya ng adobo e. Pakain boss ah" ngiting ngiting sabi nya kay yanyan.


"Wala namang bago Vinci" ahhh, yun pala pangalan nya.


Grabe to si Yanyan, ang bad makipagusap. Ang sungit sungit.


"Oh, Vinci iready mo na to..." biglang pasok ng isang babae. Wow ang ganda nya "Oh bads? Ang aga mo ah" sabi nya ng makita si Yanyan tapos napatingin din sya samin. Tumaas yung isang kilay nya at tumingin ulit kay Yanyan "The who? Girlfriend mo?" saktong umiinom si Yanyan ng tubig kaya nabuga nya yon.


"Boss ko yan. Si Camille. Tss"


"Ahhh..." lumapit naman sya sakin at nilahad ang kamay "Paco" nakangiti na sya ngayon, kaya ngumiti na rin ako.


"Camille" Sabi ko pagkatanggap ko sa kamay nya.


"naks! Bestfriend meets girlfriend" sabay kaming tatlo na napatingin kay Vinci. Sabay ding binato nung dalawa si Vinci sa ulo.



"Aray! Napakasadista nyo talaga!"
Tumingin sakin si Paco "Pasensya kana ha, kulang kasi sa buwan yan e" natawa nalang ako at tumingin naman kay Yanyan. Kumakamot lang sya sa batok nya na parang hiyang hiya. Hahaha! Cute. "Wow ang cute naman netong batang to" napatingin ako kay Paco nung lapitan nya si Brianna. Medyo natigilan pa sya nung makita yung kubuuang itsura ni Brianna. Yeah, i feel you girl. Ang taray ng eyes no? Hahaha!


"May lahi kasi yung dad nya" paliwanag ko sakanya.


"astig! Parang kay..." tumingin naman sya kay Yanyan pero pinandilatan naman sya ng mata. Natawa nalang si Paco. Okay? Anong meron?


"BOSS! ANG DAMING DUGO SA DAMIT MO! ANO YAN? TAGOS?" Nagulat kami sa sigaw ni Vinci. Tumayo na rin si Paco para lapitan yung dalawa, pero binatukan na muna nya si Vinci.


Till I Met YouWhere stories live. Discover now