Chapter 27

1.6K 58 3
                                    

Badong's POV

'oks na. Nahatid na namin sya' Agad kong tinago yung telepono ko pagkabasa ko sa text ni Paco. Pero bago yon, nagtext lang ako ng mga huling paalala.


'wag mong aalisin yung mata mo sa tatlo, okay? Tandaan mo. Tatlo yang binabantayan mo. Lalong lalo na sa abnormal kong kapatid. Kung pwede lang, itali mo ng mabuti ng hindi makasunod dito'


'whatever'



"Ano bads? Anong una nating gagawin?" tanong sakin ni Brix. Nagkibit balikat lang ako.


Sa totoo lang, wala akong maisip na paraan kung paano ko papasukin yung bwiset na warehouse na yon. Para tuloy akong gago neto. Tinipon ko tong tatlong to wala man lang ka plano plano.


"gago ka ba?"


"Yeah. But can you just give me a minute? Mahirap magisip tol, okay? Buti sana kung yung tinutunganga nyo dyan e nagiisip din kayo e no?" inang to. Nabobobo na nga ako, minamadali pa ako.


"Yaaaan. Mamadali ka ah" rinig kong kantyaw ni Vinci pero di ko nalang pinansin.


Pota. Kung nandito lang sana si Angel di sana ako maghihirap ng ganito. Tsk. Bat ba kasi di ako nagdala ng kahit isang gadget bago Lumayas?


"Kalma brad. Ang hot mo ata ngayon. Meron ka ba?" isa pa tong gagong to.


"gusto mo na bang mawala na sa mundo Juls?" sabi ko dahilan para itaas nya ang dalawang kamay nya.


Natunugan kong magsasalita ulit si Vinci kaya pinigilan ko na "wag mo ng subukan magsalita kung ayaw mong ipakain ko yung napkin ko sayo"


Biglang nanlaki yung mata nya tsaka tinakpan yung bibig sabay tago sa likod ni Juls "Eew, meron nga"


"mga gago! Kakatapos ko lang pero baka biglang bumalik dahil sainyo. Tsk!"
Umagang umaga, naiistress ako.


Pero maalala ko lang. Bat kaya nandito si daddy? Kelan pa sya umuwi dito? Di kaya... May kinalaman sya sa nangyayare dito ngayon? Pero... Imposible. Malabong paginteresan nya to. Katiting lang to kumpara sa mga nahahawakan nya.


Alam ng lahat na more on technology, weapons, jets and airplanes lang ang business ng daddy pero di nila alam na may anumalya rin itong ginagawa. Bat ko alam? Kasi 13 years old palang ako nung umpisahan ni daddy ituro sakin lahat ng business nya. At kasama nga don yung illegal nyang ginagawa. May tinayong organisasyon si daddy kung saan tinitrain nya yung mga taong gustong sumali para maging assasin. Yun nga lang, bago ka sumali make sure na klaro sayo yung dalawang golden rule. Una, pag nagsalita ka, patay lahat ng ninuno mo. Including you. At pangalawa, ang pinakaayaw ko na 'No mercy'. Lumaki ako ng palaging may pasa sa katawan dahil kahit ako ay hindi nakaligtas sa training na yan. Tanong. Bakit ako at hindi si Jullius? Simple lang. Kasi ako ang panganay. Ipinaglaban ko sa daddy ko na wag ipapaalam kay Jullius yung ganong gawain nya. Ayokong maranasan ng kapatid ko yung hirap na dinanas ko don. Tama na yung ako lang ang nakakaranas ng, sa umaga nasa school ako, at sa gabi nasa training grounds ako. Tuwing may sparing, madalas ako ang napapalabas at nakatayo lang buong gabi. Walang pagkain at tubig. Malas mo pa pag umulan. Magaling naman daw ako. Sa totoo lang, isa ako sa magaling makipaglaban at madaling matuto. Pero may isa akong hindi magawa kaya ako napapasama. Ang pangalawang golden rule. 'no mercy'. Kaya ayun, lumayas kami ng kapatid ko. Magkaron ka ba naman ng gagong tatay e.


Madalas na client ng daddy sa business na yon, artista, mga pulitiko sa iba't ibang bansa. Minsan para sa proteksyon pero madalas pag may gusto silang ipapatay.


Till I Met YouWhere stories live. Discover now