Chapter 33

1.4K 56 0
                                    

Jullian's POV

"Boss, ganito pala sa bar? Ngayon lang ako nakapasok sa ganito. Ang daming chicks!" pasigaw na sabi nya. Mukang nageenjoy nga sya dahil medyo marami na rin syang naiinom.

"Last na yang alak mo gago. We're not here to enjoy, nandito tayo para magtrabaho. Umayos ka dyan"

~Badong, papasok na sya~

"Copy that" sagot ko kay Brix na nasa labas. Tulad ni Camille, binigyan ko sila ng chip para sa communication namin. Sya yung pinabantay ko sa labas para maging look out.

Nga pala, ang maganda sa chip na to, long range sya. Meaning, kahit nasa malayo yung makakausap ko, pwedeng pwede parin. I just need Angel to do the connect part.


Bakit kami nandito? Well, based kasi sa research ni Angel, dito daw naglalagi si Serrano. After kasi nung huling kita nya sa mall, dun na sya biglang nawala. At dahil naman sa paghahanap ni Angel tru cctv around the world, napagalaman namin na dito sya tumatambay gabi gabi.


Dito palang, nakakapagtaka na. Ang mamahal ng mga inumin dito, paano makakapasok tong gagong to dito, unless, may humahawak sakanya.

"Boss ayun sya" Tinuro nya yung dance floor. Nandito kasi kami sa 2nd floor kaya kitang kita namin lahat ng tao na nasa labas.

Tanginang to, kakadating lang wild na agad?

"Ang panget nya sumayaw boss. Sayaw manyak" komento ni Vinci.

"Keep your eye on him. Susubukan kong lumapit kailangan natin syang malagyan ng tracking device"


"Aye aye boss!"


Kumuha ako ng isang baso ng alak at normal na bumaba. Mahirap na at baka may kasama tong si Serrano na hindi namin alam. Kailangan normal lang ang galawan.


"Hi!" may babaeng sumalubong sakin, nakasuot sya ng dress na halos hubad na "Mag isa lang kasi ako, do you mind if I join you?" mapanuksong sabi nya.

~Paktay! Boss, tukso. Haha!~ gago amputa, nagulat ako.

~May record ba dito sa gadget na to? Masumbong nga kay Camille~ gatong din ni Brix.

Hmmmm...

"Actually, pauwi na ako e"

"Sounds good!  pwede naman akong sumama sayo, right?" fuck, Those hands. Wag lang talagang aabot sa baba. Tangina.

Alam din naman nyang babae ako diba? Iba rin talaga pag natamaan ka ng kati.

~Woaaaah! Smooth boss. Haha! Kitang kita ko mula dito, medyo malikot ang kamay nyan boss~


Focus Jullian. Camille lang, okay? Camille.

"Sure" binigyan ko sya ng matamis na ngiti na may iba ding kahulugan. Syempre alam nyo na yon. "But before that, nandito din kasi yung kaibigan ko, sabay kasi kaming pumunta dito kaya kailangan sabay din kaming uuwi"


Bahagya syang natawa "Ano ba yang kaibigan mo? Baby? For sure naman kaya na nyang umuwi magisa diba. Kaya tara na" tama, ganyan nga.


"Yeah I know, but sige, ganito nalang. I want you to prank him" Tinignan ko yung katawan nya atsaka nag lip bite. I know that kind of gesture can kill her ovaries.

At tama nga ako, bahagya syang napahawag sa dibdib nya and she squeeze it "Fuck, tell me anong kailangan kong gawin?" mabagal na sabi nya, or should I say pa ungol na sabi nya.

Till I Met YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum