Chapter 42 (FINALE)

2.4K 52 24
                                    

Camille's POV

Nandito na ako sa airport, naghihintay ng sundo. Pero sya, wala paring paramdam. Sya pa talaga galit ah, talaga lang ah. Psh!

Maya-maya pa ay may pumaradang kotse sa harapan ko. Alam kong kotse nya yan kaya nagkunyare akong walang nakita.

"Ma'am Camille!" nagulat ako nung si Vinci yung lumabas mula sa kotse. Di ko sya pinansin at nag-abang pa ng ibang taong lalabas "Uhmm, si boss ba hinahanap mo? Busy kasi sya sa kumpanya" Sabi nya habang kiukuha yung maleta ko atsaka niagay ito compartment.

"Ganon ba?" Wala akong pake kung halata yung disappointment sa boses ko. Sobrang nakakasama sya ng loob.

Pumasok nalang agad ako sa kotse, pumwesto nalang ako sa likod dahil anytime babagsak tong luha ko at ayaw kong makita ni Vinci yon.

Ako pa ba may kasalanan? Kasalanan ko bang naoffend ako sa way ng pagpopropose nya? Para naman kasing wala lang sakanya yung pagtatanong eh. Sakto pa na nagkaroon ako ng biglaang meeting kaya ginrab ko yung pagkakataon na yon para mag-inarte. Di ko naman alm na aabot sa ganito.

Nakakainis naman! Pinahid ko yung luhang tumulo sa pisngi ko.

Asan ba sya? Bat di sya yung sumundo sakin? Nagtatampo lang naman ako, gusto ko lang na suyuin nya ako tas magagalit din sya? Psh!  

Tinignan ko yung relo na binigay nya sakin at kinalikot yon. Tinignan ko yung location nya kung asan sya at sinasabi netong nasa park sya. 

Park? Anong ginagawa nya sa park? "Vinci, sabi mo nasa office si Yanyan?" 

Tumingin sya sa salamin para tignan ako "Oo nga po ma'am" napataas ako ng kilay sa sagot nya. may di siya sinasabi sakin "Eh ma'am, yun ang utos nya sakin. ako daw ang sumundo sayo kasi busy daw sya"

Nanggigigil na talaga ako "Angel, wake up"

{Hi Camille! Anong problem?}

"Pakilocate naman si Yanyan, please"

{Aye aye!} Wala pang ilang minuto ay lumabas yung picture sa monitor yung lugar kung asan si Yanyan. 

"Dyan tayo pupunta Vinci, pakisundan yan" Sabi ko at walang sabi sabi, minaneobra nya yung sasakyan.

I am trusting you Yanyan, please, wag mo naman ako biguin.

Pagdating namin sa lugar na itinuro ni Angel, dali dali akong bumaba. Di ko na pinansin yung tawag ni Vinci, dahil gusto kong makita si Yanyan. 

Wala akong makitang tao, tanging mga ilaw lang din galing sa poste yung naging gabay ko sa paglalakad dahil gabi na din.

Binuksan ko ulit yung relo ko at nakita kong 50m away nalang ako sakanya, kaya naman sinundan ko lang yon hanggang sa maging 0m na. Tinignan ko yung paligid ko pero wala namang Yanyan akong nakita. Ni anino nya wala. 

Ngunit nabigla ako nung may nakita akong  bouquet ng sunflower pagkayuko ko. Agad kong kinuha yon. May napansin akong card na may nakasulat na 'Hi love!' kasunod ng patibok ng puso ko yung pagbukas ng malaking dancing fountain sa harap ko.

[Now playing: Till I Met you by Kyla]

I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing

And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game

Naguguluhan ako. Wala akong alam sa nangyayare pero parang gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko dahil sa mga nakikita ko ngayon. Alam kong isang tao lang ang gagawa sakin ng ganito. tumingin ako sa langit nang mapansin kong umiilaw ito ng iba't ibang kulay. Yung mga kulay na yon ay nagform na pangalan ko, sunod naman ay ang salitang 'My love' 

Till I Met YouWhere stories live. Discover now