Chapter 37

1.3K 43 1
                                    

Jullian’s POV

Isa lang ang masasabi ko sa ginagawa ko ngayon “Damn”

“Hahahaha!” tawa ni Alexander ng marinig nya yung mahinang mura ko
“Ano? Kaya pa tol?” tanong nya pa pero di ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Pagkatapos kong gawin yung misyon ko kanina kay Rodriguez, dito na ako dumeretso sa opisina ko dito sa mansyon para buoin yung mga shred papers.

Sa isang oras, may nabuo na akong dalawa pero wala dun yung gusto kong makita na pangalan. Nakakayamot lang. Idagdag pa tong si Alexander na nakaupo sa harapan ko. Tss. Ang sarap lang ipakain tong papel sakanya e.

“Boss sigurado ka bang tatapusin mo yan lahat? Alauna na ng madaling araw”

“Masanay kana pre. Ganyan talaga yung mga gusto nyang si Jullian. Yung nahihipan sya” napatingin ako kay Alexander. Nakangiti sya pero alam kong may laman yung sinabi nya.

Napatingin din ako kila Brix at Juls. Kita ko sa mga mata nila na nagaalala din sila sakin.

Hay. Kaya hangga’t maaari ayoko ng may taong nasasangkot sa mga gawain ko o nakakaalam sa pagkatao ko e. “Mga tol, last na to. Pagbigyan nyo na ako. After neto, promise sabay sabay nating aayusin yung mga buhay natin. Especially the three of you” tinuro ko isa isa sila Brix, Vinci at Juls “Sobrang laki yung tinulong nyo saming magkapatid kaya pagkatapos neto ako ng bahala sainyo”

“Di naman kami humihingi ng kapalit Bads. Isa pa, di rin naman kami titino kundi dahil sayo. Sayo kami natuto, di lang kami kundi yung buong samahan” napangiti nalang ako sa sinabi nya. Sakanila talagang tatlo, si Brix talaga yung may pagkamatured. Gawa na rin siguro na mas matanda sya samin.

“Oo nga Bado—teka nga Jullian na itatawag ko sayo ah. Ang awkward e” napatango nalang ako “So yun nga, tandaan mo nandito lang kami palagi para sayo” buong loob na sabi ni Juls.

“Talaga ba? Kahit patayan na?” tanong naman ni Vinci sakanya.

Di ko mapigilan na matawa nung nagbago yung ekspresyon nya “Ha? May patayan talaga?”

“Malamang” nangaasar na sagot sakanya ni Vinci.

“Don’t worry Juls, di ko kayo ilalagay sa ganong sitwasyon” seryosong sabi ko.

“Tama na nga yan, ang dadrama nyo. Mabuti pa, balik nalang tayo kila Rodriguez” ngiting aso na sabi ni Alexander.

“TAMA! Punta tayo don” sang ayon ni Juls na binatukan naman agad ni Vinci.

“Ayon, ang galing. Kanina usapang patayan wala kang masagot. Ngayong usapang babae daig mo pa yung sundalo na susugod sa gera”

“Wow! makapagsalita akala mo ang linis nya. Bakit? Di ka rin ba excited na pumunta sa ganon?”

Napatingin kaming lahat kay Vinci at naghintay ng sagot nya, pero umiling lang sya samin.

Hindi?

“Anong hindi?” di makapaniwalang tanong ni Juls “Teka, ako kanina pa nakakahalata e. Umamin ka, kayo na ba ni Paco? bakit parang iba yung dikit nyo kanina?”

Oo nga no? napansin ko din yon kanina. Mukang may di sinasabi sakin tong kupal na to ah.

“Hindi pa kami, okay? Kalma”

“Hindi PA???” sabay na sabi namin ni Juls.
Aba’t? bakit wala akong alam? “Ibig sabihin, umamin kana?” tumango sya at nahihiyang ngumiti “Wow, since when did you find your balls?” natatawa kong tanong.

“Ihh! Aksidente lang yon. Basta! Mahabang kwento” parang tangang sabi nya. Nakakahiyang kasama to. muntanga pag kinikilig.

“Yun naman pala e. Tara na tol, dalin na to kay Rodriguez para mabinyagan” sabi sakin ni Alexander habang nakaakbay kay Vinci.

Till I Met YouWhere stories live. Discover now