Chapter 39

1.2K 41 1
                                    

Camille's POV

"Hmm..." bakit parang ang sakit ng katawan ko? Sinubukan kong imulat yung mata ko pero madilim padin yung nakikita ko. Dun ko lang din naramdaman na nakatali yung mga kamay ko.

"Oops, our bait is finally awake" tinanggal nya yung takip ko sa mata. Noong una ay di ko sya maaninag dahil nanlalabo yung mga paningin ko pero ngayon, kitang kita ko na yung mukha nya. Nakangiti sya pero may  galit sa mga mata nya "Nice to see you Camille" sabi nya atsaka kumindat. Unti unti kong nararamdaman yung takot, ngunit di ako makagalaw dahil sa posisyon ko ngayon.

"sino ka? Bat moko kilala? Asan ako?" sunod sunod na tanong ko.

"Sino ako?" tumawa sya ng malakas "Why? Di ba ako pinakilala sayo ng girlfriend mo?"

"Babae ka nya?" agad na sabi ko dahilan para mapahinto sya.

"Are you serious? Hell no! Di kami talo ni Rogers" masama yung mga tingin nya sakin habang namumula yung buo nyang muka "I'm Lee. Di mo pa ba naririnig yung pangalan ko sakanya?" pagkasabi nya non, biglang lumaki yung mga mata ko. Bumalik yung angas nya dahil sa reaksyon ko "I guess, I'm correct." nakangising sabi nya.

Nilapitan nya ako sa kinakaupuan ko. Pinatong nya yung dalawang kamay nya sa mga tuhod nya at muling tumingin sakin. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko "Kahit kailan, hindi pumalya sa pagpili ng babae si Jullian. Ang ganda mo, at isa pa.." tinignan nya yung bandang dibdib ko "Mukang masarap ka din" ngiting demonyo na sabi nya. Natatakot na ako, pero hinawakan nya ako sa mukha "Shh, don't cry my lady, di naman kita sasaktan e. Maglalaro lang tayo"

"Anong gagawin mo?" nanginginig na sabi ko ng simulan nyang amuyin yung leeg ko "lumayo ka sakin hayop ka!" 

"Chill my lady..." natatawa syang lumayo sakin atsaka kinuha yung baso ng alak atsaka uminom "di ka naman masasaktan, baka nga masarapan ka pa" sabi nya sabay kindat. Ramdam na ramdam ko yung tibok ng puso ko dahil sa takot. gusto ko ng umiyak pero may tiwala ako kay Yanyan. alam kong ililigtas nya ako dito.

Muli syang lumapit atsaka hinawakan ako sa pisngi. Napapikit nalang ako nung muling lumapit yung muka nya sa mukha ko.

Yanyan, asan kana ba?

~Ringggggg~

"DAMN IT!" 

parehas kaming nagulat sa malakas na tunog ng phone nya "Istorbo... Hello?!" pagalit na sinagot nya yung tawag pero agad  din nyang binawi "Sorry boss, akala ko kasi kung sino... Yes boss, I'm currently doing my business with her... Don't worry boss, alam ko yung ginagawa ko, di nila tayo matatatrack" 

track? wait. 

kinapa ko yung relong binigay sakin ni Yanyan kanina pero wala na akong makapa. don't tell me...

"Ito ba yung hinahanap mo?" napatingin ako sakanya. Wala na pala yung kausap nya. lalo akong nanghina nang makita yung relong hawak nya "Anong akala sakin ng girlfriend mo, tanga? sa dami ba naman ng gadgets nila na ipapasuot sayo, yung masyadong obvious pa? are you sure that Jullian really loves you? kasi parang hindi" sabi nya sabay tawa "anyway, maiwan muna kita. i'll make sure na pagbalik ko, katabi mo na dyan si Rogers"

Naiyak nalang ako paglabas nya. di ko iniexpect na mangyayare sakin to. 

[Camille...]

Yanyan? Napatigil ako sa pagiyak. Si Yanyan ba yon? Asan sya? Bat ko sya naririnig?

Wait? Yung earpiece! 

[Hey Camille, don't talk okay? Just let me know that you can hear me. Just make a sound]

Sound? Tumingin ako sa paligid ko. Hmm, Ano ba?

Ahh!

*ubo ubo*

Till I Met YouWhere stories live. Discover now