Chapter 34

1.4K 59 4
                                    


Paco's POV


"hmmm.." ang sarap talagang tumambay dito sa garden ng mga Rogers. Bukod sa ang sarap ng simoy ng hangin, marami ka ring makikitang flowers. Naalala ko non, nung buhay pa yung mommy ni Jullian, madalas ko syang tinutulungan sa pagtatanim ng mga bulaklak. Si mommy kasi madalas wala dahil sa business nya, pero, wala akong hinanakit sakanya ah, love ko parin ang mommy dahil pinaparamdam parin naman nya samin na may nanay kami kahit lagi syang busy, she still find a way para magkaroon sya ng time samin.

Namiss kita

Mabilis kong pinilig yung ulo ko. Argh, shit! Kinakalimutan ko na nga eh! Nakakainis naman oh!

Maya maya, may naririnig akong sumisigaw "Hey!" sino yun? "Camille wait!" Una kong nakita si Camille na bahagyang huminto at tumalikod, kasunod nya si Jullian na tila hingal na hingal. Tinignan lang naman sya nito "Can you just hear me—" di na natapos ni Jullian yung sasabihin nya dahil sa palad ni Camille na humarang sa muka nya. Di nag salita si Camile at sumenyas lang na wag syang susunod sakanya.

Problema ng dalawang to? Di parin ba sila okay? Kagabi pa yun ah.

Kitang kita ko yung paghilamos ng kamay ni Jullian sa muka nya at paghinga nya ng malalim. Gusto kong matawa dahil ibig sabihin lang non badtrip na sya.

"Suko kana?" natatawang sabi ko sakanya ng makita nya ako. Iling iling naman syang lumapit sa kinauupuan ko.

"Ang labo nyong mga babae" napataas yung kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Babae ka din kaya"

"Pero di nyo ako katulad mag-isip, tss. I let you explain first before I react" ay sabagay, may point sya.

Yup! Kaya rin siguro maraming nagkakagusto sakanya, bukod sa cool aura nya meron din syang ugali na malayong malayo sa gender nya. Gets nyo ba ako? haha! I know magulo, but let me give you an example. Alam nyo bang sa buong buhay ko na nakasama ko si Jullian, ni hindi ko man lang narinig sa kanya yung tanong na 'may tagos ba ako?' SERYOSO MGA TSONG! As in never. Nung minsan naman na tinanong ko sakanya yon, inipit lang naman nya yung leeg ko sa braso nya. Odiba ang saya? Kaya ako na nagsasabi sainyo, naligaw lang ng katawan yang si Jullian.

"Bat ka nga pala nandito? Ang aga aga nangangapit bahay ka. Makaupo ka pa dyan parang ikaw yung may ari ng bahay" tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa.

Natawa ako sa sinabi nya. Kahit kelan talaga, napaka oa ng taong to "FYI, di ako nangangapit bahay kasi kagabi pa ako nandito. Dito kaya ako natulog" sabi ko atsaka nagbelat.

"Tss, pag ako nabadtrip sayo ipapaban kita dito sa bahay"

Aba? "ikaw, napaka ano mo" naiinis na sabi ko atsaka sinuntok sya sa braso pero natawa lang sya. Alam kong binibiro nya lang ako pero naiinis parin ako. "Namiss ko lang si tita Julia kaya ako nandito, nakakamiss magtanim ng flowers" napatingin ako sa mga bulaklak.

"Maka miss ka, nanay mo?" pang-aasar nanaman nya.

"Isa pa, sasampalin na kita"

"Haha, hindi na. But yeah, me too, I miss her pero hindi yung pagtatanim nya ng mga bulaklak" napatingin ako sakanya, nakangiti lang sya habang pinagmamasdan yung mga bulaklak na tinanim ng mommy nya "dati, naiinis ako sainyo kasi you're having fun while planting flowers. Di ko maintindihan kung ano yung masaya sa pagtatanim cause I find it boring" tumawa sya at saka tumingin sakin "But, thank you." Nagulat ako sa sinabi nya. Bat sya ng nagte-thank you "thank you kasi, tinulungan mo ang mommy gumawa ng memories nya para samin" tumingin sya ulit sa mga bulaklak "those flowers didn't give us a chance to feel sad everytime we miss her"

Till I Met YouOnde histórias criam vida. Descubra agora