Chapter 31

1.6K 57 8
                                    

Jullian's pov


"Hoy Vinci"
"..."
"Hoy!"
"..."


Enang to? Anong problema neto?


Tatlong araw ng nakakalipas nung pumunta kami sa bahay, bale tatlong araw na rin akong hindi kinakausap netong lalakeng to.


Kinuha ko yung tsinelas ko atsaka binato sa kanya. Ayun! Sapul sa ulo nya.


"Aray! Boss naman eh!"


"Tara nga dito gago ka" lumapit naman sya agad habang hinihimas yung ulo nya.

Sa taas, okay? Yung taas. Iklaro natin yan.

"Anong problema mo brad? Bat di ka namamansin?"

"E kasi..." di sya makatingin sakin ng deretso "ibang iba kana ngayon e. Kayo nila Paco. Di nyo man lang sinabi sakin na mayaman kayo. Edi sana, alam ko kung saan ako lulugar sainyo diba"


Tumaas yung kilay ko dahil sa sinabi nya "Oh ano naman?"

"Ayun nga boss, sana sinabi nyo sakin kasi nakakahiya sainyo"

"Alam mo pre, kung ayaw namin sayo una palang, pinalayas na kita matagal na" deretsong sabi ko.

"Grabe ka naman boss. Pinalayas talaga?"


"Oo. Sa katakawan mo ba naman e. Tapos dinamay mo pa si Paco. Kaya halos wala na kaming makain na magkapatid e" sabi ko na ikinatahimik nya. Tumingin ako sakanya ng mapansing wala na syang balak sumagot "Oh? Bat ka natahimik?"


"Yun talaga yung pinobroblema ko boss e. Si Paco. Di na kami bagay ngayon"


"Oh bakit? Dati ba bagay kayo?" natawa ako ng tignan nya ako ng masama "Alam mo pre, di naman kami yung mga tao na nakikita mo sa mga teleserye e. Di kami ganong tao. Kung tutuusin, kapag nakilala mo yung mga magulang ni Paco, baka di mo maisip na mayaman sila kasi alam nila kung pano makibagay. Ingat ka na nga lang sa mga kuya nya"


"Wow boss, di naman halatang tinatakot moko no?"

"Hindi naman. Pero wag kang mag-alala. Medyo cute ka naman kaya pasado ka don" sabi ko atsaka tinapik sya sa balikat.

"Ayos. Cute na nga lang tas medyo pa. Pansin ko lang boss, medyo madamot ka magbigay ng puri no?" natawa nalang ako sa sinabi nya "Gwapo naman ako boss ah, basta magayos lang ako"


"Wag na brad. Mahihirapan ka lang"

"Ay grabe sya oh" haha! Totoo naman sinasabi nya, gwapo naman talaga sya. Pero syempre mas gwapo nga lang ako "Nga pala boss, bat ikaw lang nandito sa bahay?"

"Si Jullius kasi pinaiwan ko na sa bahay, si Paco naman di ko na rin muna pinapunta dito. Sabi ko dun muna sila sakanila" sagot ko habang inaayos yung hapunan ko, o naming dalawa rather.

"E si Camille?"

"Tatlong araw na rin syang di pumapasok. Sabi kasi ni tito wag na muna daw. Pero yung mga paper works nya sa office pinapadala nalang sa bahay nila"


"So, bawal ka ding dumalaw boss?" napatingin ako sa sinabi nya.


"Pwede, syempre. Di lang ako pumupunta kasi nga nakikiramdam ako dito sa lugar natin" Mukang naintindihan naman nya yung sinabi ko "Sige na pre, kumain kana dito. Alam ko namang yun talaga ang pinunta mo dito e, magbibigay lang ako kila aling Bebang" natawa lang sya sa sinabi ko at nagsimula ng sumandok.


Till I Met YouWhere stories live. Discover now