Chapter 41

1.3K 43 4
                                    

Vinci's POV

"Uhmm, mom dad, mga kuya si Vinci nga po pala, boyfriend ko." 

Putangina. Para akong sumasabak sa gera na walang dalang armas. At oo, tama kayo ng narinig. KAMI NA.  

Asan ba si boss? Tangina non e, di man lang ako sinamahan. 

"Iho" sinalubong ako ng yakap ng nanay ni Paco "Finally, nakilala na rin kita. By the way, my name is Pia. Tita Pia nalang" sabi nya ng nakangiti.

O...kay? 1 down. 4 nalang.

"This is my husband, Paolo" pagpapakilala nya sa asawa nya.

"Nice meeting you. Tito paolo nalang din" tangina men! Parang siniswerte ata ako ngayon. Mukang tama nga yung sinasabi ni boss, mabait ang pamilya ni Paco.

"And..." napatingin ako kay Paco "My brothers" isa isa silang lumapit. Di ko napigilang lumunok habang nakatingin sa mga mata nila "The eldest, kuya Pax, sunod si kuya Paul and kuya Pat"

Nyemas na yan. Mukang sa mga kapatid pa nya ako mahihirapan ah. Seryosong seryoso, lalo na yung panganay, tangina! lakas manakot.

"Umiinom ka ba?" tanong nung kuya Pax ni Paco. Sakanilang tatlo, sya yung parang ayaw kong makasama. Kumbaga yung level ng aura nya ngayon, level ng galit ni boss na sagad na.

"Leave him bro. Kakakilala palang natin sakanya lalasingin mo agad" sabi naman nung Paul. Hmm, muka namang mabait kaso parang tahimik lang sa totoong buhay.

"Wag ka ngang feeling tanders tol, kaya ka nagmumukang lolo masyado eh. Matanda na yung baby sis natin, she can handle her own life now" ayos tong Pat na to ah. Mukang magkakasundo kami. Haha!

"Tinanong ko lang kung umiinom ang dami nyo ng sinabi. Inapi ko ba? Parang gago. Tss" sabi nung Pax atsaka inambahan yung dalawa nyang kapatid.

See? Palalahanan nyo nga ako na wag maglalalapit dun sa kuya Pax ni Paco. Tama na ako kay boss.

"Boys, enough of that!" sermon ni tita Pia sa tatlo. Muli syang bumaling sakin atsaka ngumiti "pasensya kana iho ah, wag mo ng pansinin yang mga yan. Tara, dun tayo sa dining to have a lunch" tumango nalang ako atsaka sila sinundan. Napatingin ako sa tatlong kuya ni Paco dahil di sila sumunod samin, bagkus ay palabas sila.

Naramdaman ko naman na pinisil ni Paco yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya "Okay ka lang?"

"Ha? Ahh, oo. Okay lang ako" nginitian ko sya para di sya magaalala kahit na alam ko namang ramdam nya yung kaba ko.

Katulad ng bahay nila boss, maganda at malaki din yung bahay nila Paco. Di hamak nga lang na mas malaki yung kila boss dahil may training grounds pa yon sa likod.

Pagkarating namin sa dining area nila, nagulat ako nung makita ko si boss. Anong ginagawa neto dito? May hawak syang mangkok na may lamang cereal ata.

"What are you doing here Jullian?" mataray na tanong ng mahal ko.

"Can't you see? I'm looking for a milk. Tss" napailing nalang ako sa kasigaan netong boss ko. Ibang klase, walang pinipiling lugar.

Mukang wala din syang mahanap na gatas dahil halos halughugin nya yung ref nila Paco.

"Aba't? Sira ulo ka ah! Alam mo bang nasa pamamahay kita?" Yan sige, awayin mo nga. Haha.

"Patricia!" saway sakanya ng nanay nya "Go on Jullian, maghanap ka lang dyan" sabi nya kay boss habang nakangiti atsaka sya bumaling sakin "C'mon iho, have a sit" Sumunod nalang ako sa sinabi nya.

"Anyway, ano nga palang pinagkakaabalahan mo ngayon? May business ka ba?" 

Napalunok ako sa tanong ng tatay nya. Parang tumigil yung mundo ko. Ito na ba yung magiging rason para di kami magkatuluyan?

Till I Met YouWhere stories live. Discover now