Chapter 12

2.2K 77 2
                                    

Badong's POV

Napatayo ako nang marinig yung pagbagsak ng plato. Umupo sya para pulutin yung nabasag pero agad ko syang pinigilan. Hiniwakan ko sya sa kamay tsaka tinignan sya sa mata "Go, talk to her. Ako ng bahala dito" tinanguan nya ako sabay lapit kay Brianna. Pinakinggan ko sila habang pinupulot yung mga basag.



"Baby, what did you say? Please, say it again" medyo mahahalata mo yung panginginig ng boses ni Camille. Marahil sa gulat. Kahit rin naman ako nagulat.
Idagdag mo pang sakin sya nakatingin nung nagsalita sya ng daddy. Diba? Sinong di magugulat don? Tss.



Tumingin ako sakanila dahil wala na akong narinig pagkatapos magtanong ni Camille. Nakatingin lang si Camille kay Brianna habang si Brianna naman nakatingin lang sakin. Bigla ulit syang nagsalita at sinabi nanaman ang word na "daddy..." habang nakaturo sakin.



*cough*



Takte! Kahit wala akong kinakain para akong nabulunan.



Hinarap ni Camille si baby sakanya "baby, she's not your daddy. She's your tita Yanyan" at dahil sa sinabi ni Camille na yon, ayun! Bumirit nanaman si Brianna.



Binalot ko muna sa papel yung nabasag na pinggan pagkatapos nilagay ko sa trash can. Inaalo na ni Camille si baby nung lumapit ako sakanila pero di nya man lang mapatahan.



Lumuhod ako at hinarap ang umiiyak na si Brianna "Hey, princess" panimula ko habang pinupunasan yung luha nya. Tumigil naman sya at tanging paghikbi nalang nya ang maririnig mo "I can't be your dad, BUT..." hinabol ko talaga agad yung pagsabi ng but dahil mahirap na at baka magRegine nanaman tong batang to "I can be your mom too." nakangiting sabi ko.



Matalinong bata si Brianna para sa edad nya. Naalala ko sakanya yung sarili ko dahil dati may kwento sakin si mom na isang araw pinagalitan daw ako ni dad dahil sobrang kulitan ko kaya nabasag yung isang mamahaling vase. After ko daw mapagalitan non, parang bigla daw akong nagmatured. Tho, naglalaro parin ako bilang bata pero sa edad na 2years old parang alam ko na daw agad non ang limitasyon ko. Kaya alam ko na maiintindihan din lahat ni Brianna yung sasabihin ko.



Nakatingin lang sya sakin sabay tinuro si Camille "Mommy"



"Yes baby. She's your mommy and I'm your mom. Magkaiba parin naman yun, right?" please. Please. Sumakay kana, please lang. Kasi gustuhin ko man na magkaron ng talong at itlog para matawag mo na daddy hindi pwede.



"mom..." napangiti na ako nang bigkasin nya yun kaya tumayo na ako. Di rin nakatakas sa paningin ko yung small smile nya bago yumakap kay Camille.



"Ohmyghad! Did you see that?" tuwang tuwa na sabi ni Camille habang karga si Brianna. Nakangiting tinanguan ko lang sya. Kitang kita yung kasiyahan ni Camille sa mga mata nya dahil sa progress na ipinapakita ni Brianna. Para talaga syang totoong ina ni Brianna. Ang sarap lang nilang panoorin.



"Ehem" tawag pansin ko kay Camille habang unti unti syang nilapitan.


Napatingin din sya agad sakin "pano ba yan, kailangan ko ng magsipag sa trabaho para sa anak natin" nakangising sabi ko sakanya. Pero ang bilis ng kamay nya kaya di ko naiwasan yung palo nya sa balikat ko. Ang bigat talaga ng kamay ng babaeng to. Literal na bakal na kamay e.



"Alam mo, tama nga yung kwento sakin ni Paco. Malandi ka ngang tunay" natatawang sabi nya.



"Well, I'll take that as a compliment babe" sabi ko tsaka sya kinindatan.



"oh please. Malala kana Yanyan" sabi lang nya at tinalikuran na ako.



Natatawa ko nalang silang pinagmasdan. Akalain mong sa araw na to nagkaron ako ng instant na anak. Haha.









Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon