Chapter 4

2.5K 118 0
                                    

@mikchui05 my first voter. Haha.
~~




Camille's POV

Andito kami ngayon sa isang mall, balak ko kasing bilhan ng damit si-- si-- teka! Di ko pa pala alam ang pangalan nya.

Tumingin ako sakanya at as usual poker face parin ang lola mo. Kinalabit ko sya kaya sya napatingin sakin "Ahh, ehh, may nakalimutan ako, di ko pa pala natatanong pangalan mo. By the way, Camille ang name ko. Camille Winter Del Castillo. Ikaw?" nilahad ko pa ang kanang kamay ko pero ang hinayupak inirapan lang ako, arrrghh! Ako ang amo dito ah! San ka nakakita ng driver na iniirapan ang amo nya? Meron! Kame! Psh!

"Badong"

Ha? "anong badong?" naguguluhan ako. Tsaka, teka! Badtip ako sakanya kaya wag nya akong kausapin.

"You're asking for my name, right? So, Badong" tuloy lang kami sa paglalakad habang sinasabi nya yan, sa daan lang din sya nakatingin.

Is she serious? Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Meron syang maiksing buhok, parang boy cut na medyo makapal yung sa bandang bunbunan, so if I'm going to describe her hair in one word, I'll choose the word 'cool' and kulay ash blonde ito. She has white skin, mas maputi pa sakin ang hayop, and her porma black v-neck shirt, black ripped jeans and black converse na high-cut. At ang height teh! Pang hot guy! Hanggang leeg nya lang ako samantalang  5'7 na ang height ko.

Natigil ang pagpapantasya ko sa height nya nung magumpisa syang magreklamo "san ba tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad lakad" Psh! Sunget.

Pero sakto lang din yung tanong nya dahil malapit na din kami "yun oh!" turo ko sa isang shop ng mga damit. Bibili din kasi ako kaya isasabay ko na rin sya. Alam ko namang kailangan nya rin yon sa pang araw araw nya, and this is her right as an employee. Bait ko no? I know.

Pagkapasok namin tinitignan nya lang ako ng nagtatanong look. Di ko na sya hinitay na magsalita pa kaya nagsalita na ako "Kunin mo lahat ng sa tingin mo kakailanganin mo sa araw araw na pagpasok mo" nakangiti kong sabi sakanya pero agad ding nawala.

"no! I don't need that"

"ha? Bakit naman?"

"okay na ako sa ipapasweldo mo" lalabas na sana sya ng shop ng pigilan ko sya.

"kung nahihiya ka, isipin mo nalang na parte din to ng trabaho mo, ang sundin ako. Para sayo din naman to e, para sa sarili mo"

"I don't care about my image Camille" matigas na sabi nya.

Napasapo nalang ako sa noo ko. Bilib din ako sa paninindigan ng taong to. Di sya gahaman, di rin sya abuso. Nakakapagtaka lang dahil base sa lugar na pinagkitaan ko sakanya, sa estado ng buhay nya.

Naitanong ko kasi kanina habang nasa sasakyan kami yung family background nya, pinagtatarabuhan nya at pati monthly expenses nila kaya di ko maintindihan kung san nya hinihugot na hindian ako.
Pero mukang wala na rin akong magawa, ayoko sanang gawin to pero pinililit nya ako.

Huminga muna ako ng malalim at sinenyasan yung dalawang guard na pigilan sya. Oh! Nakalimutan ko bang sabihin sainyo na pagmamay ari ko to, at karamihan dito ay designs ko. Now you know. Hihi!

"woah! Wait, wait. Camille, ano to?" nagpapanic na sabi nya. Hawak sya ng dalawang guard pero sinusubukan nyang makawala. In fairness ang lakas ng lola mo, halatang nahihirapan sakanya yung dalawa kong guard e.

"eh ayaw mong tanggapin yung inaalok ko sayo e. Minsan na nga lang ako maging mabait, tinatanggihan mo pa" yeah! Childish na kung childish pero yun ang gusto ko eh! Bakit ba? Psh.

Till I Met YouWhere stories live. Discover now