Chapter 30

1.7K 67 2
                                    

Camille's POV

"Paco, totoo ba to? Dito talaga sa subdivision na to nakatira sila Badong? At ano kamo? Jullian ang totoong pangalan nya?" di makapaniwalang tanong ni Juls.



Actually, kanina pa sya tanong ng tanong at kanina narin rinding rindi sakanya si Paco.




"Isa pang tanong Juls, sasapakin na kita"



Nagtawanan naman sila Alexander at Jullius na nasa harap. Gamit nga pala namin yung kotse ni Alexander dahil di kami kasya kung nasa kotse ko kami. Bale tinawag ko nalang sa driver namin na kunin yung kotse ko sa bar ni Alexander.



"Hina highblood mo si Patricia Courtney bro e"



"Shut up Alex"



Kakapasok lang namin sa subdivision kung saan nakatira "daw" sila Yanyan, and I can say na tunay na Rogers nga sya dahil kung titignan mo yung mga bahay dito, akala mo mga dugong maharlika ang mga nakatira.



Kinakabahan ako. Bat sya nandito? Akala ko ba galit sya sa daddy nya? Anong nangyare?



"Paco did you call her" tanong ni Alexander.



"Yeah" simpleng sagot lang nya.



"Ahh, yeah. Ayun na si gago oh" right after he said that, hinanap ko agad yung tinutukoy nya. She's dashing because of her grey hair, plus natatamaan pa sya ng sinag nga araw. She's simply wearing a white shirt and a knee length black short while her hands are inside of her pockets.
Bumusina si Alexander to call Yanyan's attention, agad naman syang napatingin samin. Tinigil nya yung sasakyan sa harap ni Yanyan and he put down his window "Hoy gago! Pinagalala mo kami" bungad sakanya ni Alexander.



"Yeah, i know. Im sorry. Si daddy kasi" pagkasabi nya non, pinasok nya yung ulo nya at parang may hinahanap. Agad na nagtama yung tingin naming dalawa "There you are" nakangiting sabi nya.



Hmp! Sapakin ko kaya sya? Pangiti ngiti pa sya akala naman nya bati kami. Muli syang tumingin kay Alexander at hinampas sa dibdib



"Aray ko! Ang gago mo talaga" daing ni alex habang hinihimas nya yung dibdib nya.




"iparada mo na to sa loob, nakahanda na yung mga pagkain. Kumain na kayo. And you" Baling nya sakin "Bumaba ka muna" sabi nya pero inirapan ko lang sya "Wait, what was that for?" nagtatakang sabi nya pero di ko sya pinansin. Nagtawanan naman silang lahat.



"Wala ka pala pre eh. Taob ka pala e" pangaasar ni Alexander.



"tsk!" umingot sya sa sasakyan at huminto sa harap ng pinto ko. Binuksan nya yon at di ko inaasahan yung ginawa nya. Binuhat lang naman nya ako pababa. "Alis na" sabi nya ng pagkasara nya ng pinto.



Pinalo ko sya sa braso. Hanggang ngayon gulat parin ako sa ginawa nya "Baliw ka talaga. Paano kung nagulog ako?!"



"Paano ka mahuhulog, buhat nga kita?" sabi nya atsaka hinawakan ako sa kamay. Natigilan ako sa sinabi nya, double meaning ba yon?



Naglakad na kami papasok ng mansyon nila-- hmm, or a castle rather. Grabe ang lake. Pagpasok mo ng gate, puro topiary plant ang makikita mo. Ang ganda grabe. Iba't ibang design ng hayop yung makikita mo pero mas namangha ako dun sa isang topiary na pinakamalaki.




"Why?" sabi nya ng bigla akong huminto. Nang tignan nya kung ano yung tinitignan ko  "Ahh, that's tigress"




Tigress? "Bat may name? Ibig sabihin, may pangalan lahat ng topiary dito?"



Till I Met YouWhere stories live. Discover now