Chapter 14

2.2K 79 0
                                    

Camille's POV

"Here..." pagkaabot nya sakin ng barbecue, umupo na rin sya sa tabi ko. Tinakpan nya pa ng manipis na tela yung legs ko bago tumingin sa harap at panoorin si baby na gumagawa ng sand castle.



"Thank you" nakangiting pasasalamat ko sakanya. Pansin ko pasweet ng pasweet tong si Yanyan habang tumatagal kaya tuloy ako pahulog na din ng pahulog. Hayy.



"Camille..."



"Hmm?" pareho naming  pinapanood si baby na namomroblema kung paano nya bubuuin yung sand castle nya. Di ko mapigilan na matawa dahil yung itsura nya ngayon badtrip na badtrip na.



"May nanliligaw ba sayo ngayon? Or, may boyfriend kana?" tanong nya na ikinalingon ko. Di ko alam kung dapat ba akong matawa o magulat sa tanong nya.



"Okay ka lang? Palagi tayong magkasama may nakita ka bang boyfriend ko?" tumingin na rin sya sakin. Hindi sya nakangiti pero makikita mo sa mata nya na nagustuhan nya yung sagot ko.



"E manliligaw?"



"Wala rin" Teka? Ito na ba yung matagal kong iniintay? Sasagutin nya na ba ngayon yung mga tanong ko sa sarili ko? "Bakit mo natanong?" Ayusin mo yung sagot mo Yanyan. Uupakan talaga kita.



"wala lang. Natanong ko lang" sabi nya sabay tingin ulit sa harapan



What? Wala lang? Natanong lang nya? Ano yun! Nakakabwiset naman tong taong to. Bahala nga sya.



Tatayo na sana ako kasi nakakabwiset sya pero agad nya ring nahawakan yung kamay ko. Hinawakan nya ako sa pisngi at...





At...








Hinalikan nya ako...



Pero ngayon, sa lips na.




Tumagal din ng ilang minuto yung halik nya bago nya ito tapusin, pagkatapos ay tiningnan nya ako sa mga mata. Gusto kong kiligin dahil don pero yung mata nya parang may mali. Parang malungkot.



"Pwede bang wag kang magpapaligaw sa iba?" Kunot noo akong tumingin sakanya.
Sobrang naguguluhan na talaga ako sa taong to, sing gulo ng buhok nya "Pwede bang, akin ka nalang?"



The efff? Totoo ba to? "Joke ba to Yanyan? Sinasabi ko sayo, kapag ito joke time lang ipapakain kita sa mga pating dyan sa dagat!" nanggigigil na sabi ko.



"I'm damn serious Camille. I don't know where or when did it start pero habang tumatagal ikaw at ikaw nalang yung laman ng isip ko. Na hindi ako mapakali tuwing nalalaman ko na galit ka sakin. Na gusto kong magpakamatay tuwing nakikita kitang umiiyak. Na ikaw palagi yung bumubuo ng araw ko. Na sayo ko lang nararamdaman yung tunay na saya. Na hindi ko kayang hindi kita nakikita. Yes, aaminin ko na hindi pa ako sigurado kung nasaang level na yung nararamdaman ko para sayo pero, but what I only know is we'll get there, where I can finally say those three words to you"



Me? NGANGA. Pwedeng taympers? Di ko alam yung irereact ko. Ano ba? What the fuck Camille, pwede ba gumising ka? Ayusin mo utak mo!



"Kung irereject mo lang ako, please, wag ka nalang magsalita. Kalimutan mo nalang yung sinabi ko. Kunyare wala kang narinig. Matapang ako pero dahil sayo nagiging duwag ako."



Ehhh? Hindi naman sa irereject kita. Ginulat mo kaya ako! Psh "Yanyan..."



"Yeah, it's okay Camille" sabi nya at uniwas ang tingin sakin "Don't worry, kaya ko to" pahabol nya atsaka tumayo. Para naman akong nataranta nung nagumpisa na syang maglakad.



Till I Met YouWhere stories live. Discover now