Chapter 11

2.2K 87 5
                                    

Camille's POV

*tok tot tok*


"Come in"


"Ma'am ito na po yung mga files na pinakuha nyo" nilapag ni Chyna yung mga folders sa lamesa ko. Para naman akong nastress sa dami nito.


"Is that all?" at talagang may gana pa akong itanong yun ah. Haha.


"Yes ma'am" sabi nya na ikinahinga ko ng maluwag. Mabuti naman. Matapos lang to at makakapag 'Hello vacation!' na ako.


"Thank you. You may go now" sabi ko sakanga. Pero di nakaligtas sa mata ko yung malagkit na tingin nya kay Yanyan. Automatic na tumaas ang kilay ko dahil don "Ahm, Chyna..." tawag ko ulit sakanya "next time before you enter here, itawag mo muna sakin ah. Ayoko nang basta basta nalang pumapasok dito sa opisina ko. Get that?"


"Ahh... Yes ma'am" nabubulol na sabi nya at nagmadaling lumabas. Psh! Ayoko talaga sa lahat yung tinatalo ako e.


Kinuha ko yung remote control para sa mga blinds. Ngayon ako nagsisisi kung bakit pina glasswall ko tong opisina ko. Psh!


Tumingin ako kay Yanyan nung marinig ko yung mahinang tawa nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Wag nya akong umpisahan, nababadtrip ako ah.


"Woah! Ang sungit mo ata ngayon ah. Meron ka ba?" sabi nya habang lumalapit sakin. Tinukod nya yung dalawang kamay nya sa lamesa ko at nakangisi nya akong tinignan.


"Wala" pambabalewala ko. Pero ang totoo, yung puso ko gusto ng lumabas dahil sa itsura nya ngayon. Bakit ba habang tumatagal parang pa hot ng pa hot sya sa paningin ko. Bwiset.


Dalawang linggo na ang nakakalipas nung dumalaw kami sa kanila. Medyo magaling na ang ang sugat nya tapos si Brianna naman, ganon parin pero atleast nagrerespond na sya at nakikipaglaro na samin. Tuwang tuwa nga si mommy tsaka si daddy e.


"Hey" pinisil nya ako sa pisngi ko pero di naman madiin "Wag mo kasing masyadong pagurin yung sarili mo kakatrabaho. Gusto mo bang tumanda ng maaga?" inirapan ko sya.


"Nakakabwiset kasi e, dito pa sa loob ng opisina ko lumalandi" wala sa katinuang sagot ko.


Nagtaka naman sya sa sinabi ko tapos sumilip sya sa likod nya. Pagkatingin nya sakin ulit, ang laki na ng ngiti nya. Lumabas nanaman tuloy yung dimple nya. Ugh!


Alam ko yung ngiting yon. Alam ko yung iniisip nya. Pero wala na akong pake. Isipin na nya yung gusto nyang isipin. Nabibwiset ako.


"Do you want to eat?" natigilan ako sa tanong nya. Di ko iniexpect yon. Akala ko aasarin nya ako. Para namang yelo yung inis ko na biglang natunaw dahil sa narinig kong pagkain.


Tumango ako dahilan para matawa sya. Di ko na yon pinansin dahil nakaramdam na rin ako ng gutom "Anong gusto mo?" nakangiti parin sya.


Hmm... Ano nga ba? Ahh! Alam ko na "gusto kong mcdo. Fries, spaghetti, float, chicken fillet with rice, tas chicken burger. Yun lang" bigla akong napahawak sa tyan ko. Di na ako makapaghintay makain lahat yon.


Naiiling na tinignan ako ni Yanyan habang sinusulat sa papel yung mga gusto ko "bantayan mo muna si Brianna, bibili muna ako. Sure ka bang yun lang?"


"Oo, yun lang. But dito ka nalang" nagtataka naman nya akong tinignan.
"Paano ako makakabili kung dito lang ako?"


"Edi ipadeliver mo. Psh! Basta wag kang lalabas" mamaya harutin ka pa ng sekretarya ko sa labas e.


Till I Met YouWhere stories live. Discover now