Chapter 7

2.3K 100 0
                                    

Camille's POV

Kakatapos lang ng pangalawang meeting ko at ngayon nga ay papunta na kami ng airport para sunduin sila mom.

Tumingin ako kay yanyan na ngayon nga ay nagmamaneho. Hanggang ngayon ay nag-aalala parin ako sakanya. Kung titignan mo kasi yung mata nya parang pagod na pagod yon. Di kaya nag-aakyat bahay talaga to?

"Ang gwapo ko ba?" rinig kong sabi nya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Di ka rin assumera ano?

Narinig ko namang tumawa sya kaya sinuntok ko sya sa braso. "Kapal mo ah! Iniisip ko lang kanina yung tanong ko sayo"

"alin don? Kung may girlfriend ako? Wala pa nga. Pwede mo namang sabihin kung gusto mong mag-apply e. Pagbibigyan kita" di parin naalis yung mapaglarong ngiti nya sa mga labi.

"Alam mo? Nakakabwisit yang kahanginan mo sa katawan. Psh!" napahalukipkip ako at tumingin sa bintanang nasa gilid ko.

Naalala ko tuloy yung isang tanong ko sakanya. Di na ako nagulat sa sagot nya dahil obvious naman e. Di nga lang din agad mahahalata kasi kahit boyish sya kumilos at manapit, angat parin ang ganda nya. Sa totoo lang, akala ko maawkwardan ako kapag malaman ko yung totoong siya, pero hindi e. Parang magugulat pa nga ako pag sinagot nya ako ng hindi kanina.

Tuloy parin ang tawa nya "sino nga ulit yung susunduin natin sa airport?" Tanong nya.

"Sila mom and dad atsaka yung baby na pinsan ko" sagot ko ng di tumitingin sakanya. Kapika e.

"Baby?" muling tanong nya.

"yeah, mga 2 years old sabi ni mommy" May lungkot sa boses na pagkakasabi ko. Naalala ko nanaman si tita, kapatid ni mommy.

"Huh? Buti sumama? Kadalasan yung mga batang ganon ang edad di humihiwalay sa nanay ah. How come?" ang daldal ata nya ngayon?

"It's my auntie's daughter. Actually my mom and dad went there because of that child. Naaksidente kasi yung sasakyan na sinasakyan nila tita atsaka nung asawa nya. Luckily, nakaligtas si baby Brianna. Sabi ni mommy, nakita daw si baby Brianna na yakap yakap nila tita and tito, habang sila tita duguan na at wala ng buhay. Si mommy nalang ang natitirang kamag-anak ni tita Maureen dahil dalawa lang naman silang magkapatid. Patay na rin sila lolo at lola. Samantalang yung asawa naman ni tita di namin alam kung may kamag-anak or what dahil wala namang nababanggit si tita samin. Kaya ayun, kami nalang ang kumuha kay baby brianna"

"I'm sorry for your lost" Tumingin ako sa kanya at nakita ko yung senseridad sa mga mata nya. Ngumiti lang ako ng tipid at tumingin ulit sa daan. 

Sa totoo lang, nalulungkot ako sa pagkawala ni tita Maureen. Naalala ko pang sya ang nagbabantay sakin non tuwing aalis sila mom and dad for business trip kaya kahit papano ay naging malapit na rin sya sakin. At isa pa, sobrang bata pa ng anak nya.

"Sabi ni mommy may hinala rin ang mga pulis na sinadya yon. Na hindi daw aksidente ang lahat" patuloy ko.

Unti-unti akong nakaramdam ng galit dahil don. Pero agad ding nawala dahil sa kamay na humawak ngayon sa kamay ko, di ko namalayan na nakakuyom na pala ang kamay ko. Tumingin ako sakanya pero di sya nakatingin sakin. Tuloy lang sya sa pagmamaneho. Napangiti nalang ako dahil sa ginawa nya. Kahit di sya nakatingin, ramdam kong nagaalala sya sakin. Binuka nya yung kamay ko atsaka nya muling hinawakan, which I find it sweet. 

Pagkarating namin sa airport, agad naming nakita sila mommy na may bitbit na batang babae. "mom!" salubong ko sakanila "kamusta na don?" Tanong ko pagkatapos ko syang yakapin.

Till I Met YouWhere stories live. Discover now