Chapter 18

2K 66 2
                                    

Camille's POV


"Ikaw na magdrive tol" sabay hagis nya ng susi kay Paco. Muntik na nga sa muka nya lumanding, buti nalang mabilis sya kaya nasalo nya.






"Gago ka! Paano pag nagkasugat mukha ko?" lumapit sya kay Yanyan at sinapak sya sa braso. At dahil nga nakaakbay sakin si Yanyan rinig na rinig ko yung suntok ni Paco sakanya, at masasabi ko ding napakasakit non. Pero nung tignan ko sa muka si Yanyan parang wala lang sakanya. Tumatawa pa nga sya e. Di man lang ba sya nasaktan?






"Okay lang yan, wala namang magbabago. Panget ka pa rin" sabi nya habang pinapasakay ako sa loob ng van.






"Aba't!" agad kong pinikit yung mata ko nang malapit na sa muka ni Yanyan yung kamao ni Paco. Dumilat lang ako nung narinig kong muling magsalita si Yanyan.






"Oops. Nangangalawang kana ah" Sabi nya ng natatawa. Unti unti nyang binaba yung napigilan nyang kamao ni Paco na tatama dapat sa muka nya.






Ako naman? Parang ewan na gulat na gulat dito. Pano kasi, paano pa napigilan yun ni Yanyan? Sobrang lapit na non e. konting konti nalang.






"Tsk!" sabi nalang ni Paco at umupo na sa driver seat. Naiwan namang tawa ng tawa si Yanyan at Vinci sa labas.






"Ang lakas talaga ng trip mo boss. Meron kaya yon tas inasar mo pa" bulong ni Vinci kay Yanyan






"I know, kaya ko nga sya inaasar e" Hay, mapapairap ka nalang talaga sa mga pinagsasasabi ni Yanyan e "Pero di talaga yon yung dahilan kung bakit mainit ang ulo nya" eh?





Till I Met YouWhere stories live. Discover now