Chapter 15

2.1K 80 0
                                    

Camille's POV

"Di ka pa ba bababa?" tanong ko sa damuhong tanghali na, nakalublob parin si kama.



"Maya maya"



Bagong kaalaman para kay Yanyan. Ang hot po ng bedroom voice nya syet! Boses babae parin pero iba, ewan ko ba! Ang lakas talaga ng dating nya sakin. Pero hindi! Naiinis ako sakanya. Tatlong araw na kami dito pero yan lang ginagawa nya. Ang matulog. Psh!




Lumapit na ako sakanya para yugyugin sya sa braso "Yanyan naman! Lagi ka nalang natutulog dito eh. Ayaw mo bang magenjoy kasama kami?" naghintay ako ng ilang segundo para sa sagot nya pero wala "Yanyan!" sabi ko sabay palo ng mahina sa braso nya.




Nabigla ako nung bigla nya akong hatakin, dahilan ng paghiga ko sa tabi nya. Niyakap nya ako ng mahigpit at siniksik nya sa leeg ko yung muka nya "Ahmm... Yanyan, nandyan lang sila sa labas. Baka makita nila tayo" nahihiyang sabi ko. Di ko rin alam ang gagawin ko dahil first time lang na may yumakap sakin ng ganito.



"I don't care"



"Anong I don't care? Kung di ka nahihiya sa kanila, pwes ako oo"



Bumangon sya ng konti at seryoso akong tinignan sa mata "So, ikinakahiya moko?"



"No!" mabilis na sagot ko "Nahihiya ako para sa sarili ko. Nahihiya ako kasi baka kung ano yung isipin at sabihin nila satin. Baka..." huminto ako saglit at yumuko " Baka hindi nila ako magustuhan para sayo"




Ilang segundo ang lumipas bago sya tumayo, kaya napabangon na rin ako. Nakatalikod sya sakin nang tignan ko sya. Sinara nya yung pinto atsaka nilock. Nagtaka ako nung ngiting ngiti syang lumapit sakin, akala ko kasi nagalit sya. Tumaas yung kilay ko pero kinurot nya lang ako sa ilong. Hobby nya yan.



"They like you. Trust me" sabi nya sabay kindat pero inirapan ko lang sya.



"Edi wow" sagot ko na ikinatawa nya "E pano kung hindi?"



"Nah. They have to" tignan mo tong taong to, akala mo naman hawak nya yung desisyon ng mga kaibigan nya.



"E pano nga pag hindi parin? Ayos kasi ng sagot" i know. Makulit ako.



"Edi bibigwasan- ARAAAAY!" di nya na natuloy yung pagbabanta nya kasi kinurot ko lang naman sya sa tagiliran. I know. Sadista here!



Para naman akong naguilty nung makita ko yung muka nya na namimilipit sa sakit. "Psh! Ikaw naman kasi e, bakit ba ang siga siga mo?" dakdak ko sakanya tsaka ko sya hinawakan sa parte na kinurot ko "Pwede ba, bawas bawasan mo yung pagiging rude? Psh" pagtuloy ko.




"Ang sakit sakit naman Camille e" daing nya na ikinatawa ko. Ang cute cute nya kasing mabwiset eh. Actually ang dami kong nadiscover kay Yanyan simula nung magbakasyon kami, lalo na nung dito rin sa kwarto namin ni baby sya natulog. Ooops! Nasa gitna namin syempre si baby. Request kasi ni baby na tabi sila ng mom nya, pero ako ata yung mas masaya nung pumayag si Yanyan. Hahaha! Yay! Ang kati ko nanaman. Knis.




"Isa! Anong sabi ko babae?"



"Tsk. Oo na. Okay na ba? Pwede na ba akong matulog ulit?" what?



"Yanyan, buong hapon ka na ngang nakalublob dito sa kama kahapon ehhh!" sabi ko pero ang magaling, humiga lang ulit at nagtalukbong pa ng kumot.


Hahatakin ko na sana yung kumot nang lumabas yung kamay nya at pumulupot sa bewang ko.



Para naman akong yelong gustong matunaw. Shit! This simple gestures of her makes me fall more. Haaaay. Gusto ko mang humiga nalang din at magpayakap nalang sakanya buong araw pero hindi pwede. Baka hanapin nila kaming dalawa "Ayaw mo bang magenjoy sa labas?"


Till I Met YouWhere stories live. Discover now