Chapter 9

2.3K 82 0
                                    

Badong's POV

"Oh? Himala. Ang aga ata nating gumising ngayon ah?" Tinignan ko lang sya saglit tapos sa piniprito kong itlog "Kamusta sugat mo?" sabi nya at lumapit sakin.



"Okay na doc. Pinalitan ko na rin ng gasa" sabi ko at pinatay ko na rin yung kalan.



"Nga pala, wag na wag mong babanggitin kay Jullius ang nangyare kagabi ha" Seryosong sabi ko.



"Okay" napairap lang sya at umupo na sa lamesa "Pero teka, papasok ka pa ba? Kailangan mong magpahinga muna"



Nilapag ko muna yung thermos at tasa sa harap nya bago magsalita. "Ano ka ba? Chicken lang to. Malayo sa bituka. Kaya ko namang pumasok e"



"Psh! Siguraduhin mo lang ha" nakangiting tumango lang ako at kinuha ko na yung bag ko para umalis. Sya naman ay nagsimula ng kumain.



Ang totoo ayoko munang magpalagi sa bahay ngayon. Mahirap na at baka namukaan ako ng mga lalake kagabi. Di ko pa naman sila napuruhan. Atsaka si Jullius, ayokong malaman nya yung nangyare sakin kagabi. Tama ng amin amin nalang yon.



"Oh Badong! Mukang maaga ata tayo ngayon ah" bati sakin nung guard sa mansion nila Camille.



"Ahh, ganon ba? Osige manong babalik nalang ako mamaya" sabi ko ng nakangisi, natawa naman sya sakin at binuksan na ang gate.



"Yanyan!" liliko na sana ako papuntang garden at dun sana balak hintayin ulit si Camille ng may tumawag sa pangalan ko. Si tita "San ka pupunta? Dito mo na sa loob hintayin si Camille" napakamot naman ako ng batok at sumunod na sa kanya.



"Buti naman at maaga kang dumating. Akala ko nakalimutang sabihin sayo ni Camille e" sabi nya pagkaupo namin sa living room ng mansion nila.



"Po?" naguguluhang tanong ko. Anong sinabi? Wala namang sinabi si Camille e.



"Wala ba syang nasabi sayo? E bat ang aga mo dito? Anyway, forget it" winaksi waksi nya pa yung kamay nya at umupo ng maayos. Tinawag nya muna si tito Ivan bago magsalita. Nang makalapit ang asawa ay pareho silang tumingin sakin ng nakangiti "Kaya ka namin pinapapunta dito ng maaga kasi gusto ka sana naming makausap" nakatingin lang ako kay tita "Yanyan, di namin alam kung bakit ganon nalang sayo si baby Brianna. Kung bakit mabilis mo din syang napapakalma at kung bakit mas may amor sya sayo kesa sa amin na kamag-anak nya" naguguluhan parin ako sa mga sinasabi nila kaya di ko na napigilang magtanong.



"Ahh, tita pwede po bang pakideretso nalang po ako?" naiinip na ako e. Di ko magets agad kung anong gusto nya talagang sabihin. Natawa naman si tito sakin at parang may binulong pa pero di ko naman narinig. Tatanungin ko sana sya pero nagsalita na ulit si tita.



"Kung pwede sana Yanyan na tulungan mo kami na ibalik si baby Brianna sa dati. Yung normal na bata. Yung tumatawa, yung naglalaro" lumapit sya sakin at lumuhod. Hinawakan na rin nya yung kamay ko "please?"



Nabigla ako sa ginawa ni tita kaya napaluhod na din ako para pinantayan sya "Tita di nyo na po kailangang gawin to. Papayag naman po ako. Isa pa, naaawa din ako sa bata" inalalayan ko syang tumayo at pagkatayo namin ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.



"Maraming salamat Yanyan! Hulog ka ng langit sa pamilya ko. Pangako, kapag ikaw naman ang humiling samin, sisiguraduhin naming di ka namin hihindian" tumingin na din sya sakin ng may ngiti sa labi. Halata ang saya nya dahil umabot ito hanggang mata.



Bigla namang natawa si tito at lumapit na din samin "Hon, baka naman kapag humiling satin si Yanyan magulat ka sa hihilingin nya at baka di mo maibigay" nagkatinginan sila sa mata at parang naguusap. Weird.



Till I Met YouWhere stories live. Discover now