Chapter 6

2.4K 102 0
                                    

Badong's POV

          "Ahmm badong..." Ano nanaman? Bat ba walang magawa ang mga tao ngayon at iniistorbo nila ang tulog ko? Tsk. Una si Paco, binato pa ako ng sandok kanina para lang magising ako, pangalawa si Camille, ang kulit. Pangatlo itong babaeng to-- teka asan si Camille? Mabilis akong napabangon ng makita kong wala sya don sa lamesa nya.



          "Where's Camille?" tanong ko sa babaeng gumising sakin. Inayos ko yung damit ko pagkatapos kinuha ko yung susi ng kotse sa table. Nagtaka ako nung wala parin akong naririnig na sagot kaya tumingin na ako sakanya pero nakatingin lang sya sakin "Miss, si camille. Where is she?"



          "Ay! Si ma'am pala. Si ma'am. Oo si ma'am" Napakunot ako ng noo dahil sa reaksyon nya kaya hinawakan ko sya sa balikat at pinilit pakalmahin. "ehh, si ma'am pinapagising ka nya sakin kasi aalis na daw kayo. May meeting pa kasi sya ng 11:30. Nandon na sya sa lobby, dun nalang daw nya kayo hihintayin"  nauutal utal nyang sagot sakin.



           "Bakit di nalang sya ang gumising sakin?" Iling iling akong tumingin sa relo ko. 10:30 na tas 11:30 pa ang meeting nya. Seriously? Kelan sya magtitiwala sa pagdadrive ko? Laging may isang oras na pagitan ah.



          "anyway, what's your name?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa phone ko. Magtetext sana ako kay Camille kaso di ko pa pala nahihingi yon.



"Chyna, secretary ni ma'am Camille" Napatingin ulit ako sakanya nung magsalita sya. Ako lang ba o iba talaga yung ngiti nya?



"Ahh, okay. Chyna do you mind kung mahingi ko yung personal number ng amo mo?"



"sure" kinuha nya yung phone nya at binigay sakin. Pagkakopya ko e agad ko ding binigay sakanya yung phone pero di nya yon kinuha "How about mine? Ayaw mong kunin?" nang-aakit na tanong nya.



Tinignan ko lang sya at umiling sabay alis. Narinig ko pang tinawag nya ako pero di na ako lumingon. Mahirap na, at baka matukso nanaman.


Hay nako miss. Kung ako lang yung dating ako, may kinalalagyan ka panigurado.



Mabilis akong nakapunta sa parking lot para kunin yung kotse ni Camille. Pagkarating ko naman sa entrance, bumaba ako ng kotse para pagbuksan sya ng pinto ng sasakyan. Di nakatakas sa mata ko yung pag-irap nya sakin bago sya sumakay. Anong problema ng babaeng to?



"san lakad natin?" tanong ko sakanya pagkasakay ko.



"Sa may makati" tumaas yung kilay ko sa tono ng sagot nya, pero binalewala ko nalang at pinaandar na yung sasakyan.



Habang nasa daan, panay ang tingin ko sakanya. Naninibago ako sakanya dahil kadalasan madaldal to sa byahe e. Galit kaya sya sakin? Pero dahil san naman? Wala naman akong maalala na ginawa sakanyang mali ah.



"Camille" tawag ko sakanya pero nakatingin lang sa labas ng bintana. "Camille, may problema ba?"



"wala." tulad kanina ay ganon parin yung tono ng boses nya. Cold.



Sakto naman na nandito na kami sa tapat ng resto kung san sila maguusap ng ka meeting nya kaya hinawakan ko agad yung kamay nya bago sya makaalis. "tell me. What's wrong?"



Tumingin lang sya sakin tapos maya maya may tumulo ng luha sa mga mata nya. Shit! Bat sya umiiyak? May nasabi ba ako? Parang tinatanong ko lang sya kung anong problema ah "ikaw kasi e!" sabi nya tas pinalo pa ako sa balikat. Medyo masakit, halata mo ang galit nya.



Till I Met YouWhere stories live. Discover now