Chapter 5

2.8K 98 7
                                    

Camille's POV


*Kriiiiing*




Pinatay ko na ang alarm clock bago pa sya magwala at baka lumipad sya ng wala sa oras. hays, bat pa ako nag set ng alarm, e di naman ako nakatulog. Psh! Bat kasi nauso pang ngumiti tsaka tumawa? Psh! Makapag ayos na nga.



Mabilis lang akong naligo, pinatuyo ko muna ang buhok ko bago lumabas ng banyo. Pagkalabas ay deretso naman ako sa closet  ko para maghanap ng isusuot. Lalabas na sana ako dahil balak kong sa opisina nalang mag aayos ng sarili pero ng mahagip ko ang sarili sa salamin at... at... mapapamura ka, pakshet malutong! Ghad! Ang lalim ng eyebags ko? Syeteng kalabaw naman oh!



Padabog akong pumunta sa cabinet kung saan nakalagay lahat ng mga abubot ko sa katawan, nang makuha ko na ang pakay ko ay agad kong sinuot yon. Nagpahid na rin ako ng lipstick na kulay pula para naman angat parin ang ganda. Choss! Huhu, ang lalim talaga ng eyebags ko.
Pagkalabas ng kwarto ay nasalubong ko si Iska, isa sa mga katulong namin “Ma'am! May sore eyes kayo?” Napangiwi naman ako sa tanong nya. Si iska talaga, lahat nalang pinapansin.



“sira! Wala akong sore eyes, malalim na eyebags meron. Psh!” Yan tuloy, naiinis nanaman ako, si iska kasi pinaalala pa, kinakalimutan ko na nga e.



Napasimangot ako ng marinig ko syang tumatawa. Huhu! I hate you. “hahaha! Sorry na ma'am, e kasi naman kayo na ata yung kilala ko na pinakamaalaga sa muka, tipong tigyawat aayaw sa muka nyo pero ngayon, may eyebags kayo? Ngayon lang yan ma'am ah, what's happening to you?” Tama sya, napakavain ko pagdating sa muka kaya kagulat gulat talaga na may eyebags ako, atsaka ansabe ng english nya ah, haha! “ay nga pala ma'am kaya ako napunta dito e may naghihintay sayo dun sa baba, driver mo daw. Nandun po sya sa may garden, dun nalang daw po nya kayo hihintayin” napatigil naman ako sa paglalakad. tumingin ako sa relo at napag alamang 7 na ng umaga. Tumuloy ulit ako sa paglalakad ng maramadaman kong may sumusunod sakin.



“may sasabihin ka pa ba?” Oh bakit? Ako na ang mataray na amo. E kasi naman sya e, ang aga mangasar.



“wow ang taray! sama lang ako sayo ma'am, ang ganda kasi nung bisita mo e,  ang astigin pa ng porma” Kinikilig pa sya habang sinasabi yon.



nagulat naman ako sa sinabi nya “myghad iska, babae yun! Nasisiraan kana ba ng utak?”



“Eh ma'am kasi naman e, yung aura nya kasi iba. E basta ma'am! Kanina nga e, parang malalaglag yung panty ko habang kausap sya. Ma'am totoo bang driver mo sya?” di nya alam kung matatawa ba sya o maaasar sa Pinagsasabi ng lukaret nyang katulong slash kaibigan.



“Ay ewan ko sayo iska, mabuti pa dalhan mo nalang kami ng makakain sa garden. Dun nalang din ako magbebreakfast” utos ko sakanya pagkababa namin ng hagdan. Palabas na sana ako ng marinig ko nanaman ang boses nya.



“Yieee, nako si ma'am bet mo din si ateng pogi no?” Agad namang naginit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nya.



“what the hell? Mananahimik ka oh ipapakain ko sayo tong heels ko?” inis na sabi ko pero tumawa lang ng malakas ang gaga. Pati pagtawa e halatang inaasar parin ako. Psh! Nakakainis! Makalabas na nga dahil magtutuos pa kami ng taong dahilan kung bakit may malalim na eyebags ako.



Dumeretso ako ng garden ng may bahid parin ng inis sa muka pero agad ding nawala nang makita ko sya. Nakasuot ito ng itim na parang sando na may design na sad face pero yung mata non naka x, di ko alam yung tawag sa ganong sando pero yun yung mga tipong sinusuot ng mga rakista, yung parang tshirt na pinutulan mo lang ng manggas, ganern! Tapos as usual itim na pantalon at converse. At tulad ko, e nakashades din sya. Langya, kaya naman pala kilig na kilig si iska dahil sa itsura nito ngayon e.

Till I Met YouWhere stories live. Discover now