Chapter 38

1.6K 49 7
                                    

Vinci's POV

Saktong alas sais ng umaga ng dumating yung tatay ni Camille dito sa garden nila boss. Naka-serious mode sya na lalong nagpaka kaba sakin.

Bakit feeling ko, huling araw ko na? Taena. Di pa nga nagiging kami ni Paco eh!

"Susubukan na muna natin yung mga lakas nyo. Dun tayo sa training grounds" sumunod lang kami sakanya.

Tinignan ko yung tatlong kasama ko. Si Brix, as usual lagi naman syang seryoso, kaya tumatanda sya lalo e. Si Juls naman, halatang inaantok pa. Si Alexander, ewan ko. Kanina pa tahimik yan e. Parang ang lalim lalim ng iniisip.

Pagdating namin sa training ground na sinasabi ng tatay ni Camille, halos mapamura ako. Alam nyo yung sa pang sundalo? Taena, may ilalake pa ba tong bahay nila boss?

"Warm up muna boys. May tatawagan lang ako" tumango lang kami sakanya.

"Alam nyo. Gusto ko ng umuwi" rinig kong sabi ni Juls. Pati rin pala sya nakakaramdam ng takot.

"Tara brad. Uwi na tayo. Cheer ko nalang sa text si boss"

"Tss, wag nga kayong parang bakla" sabi naman ni lolo Brix. Tss. Porket di nya na mahal buhay nya.

Wag kayong maingay ah, atin atin lang to. Magisa nalang kasi sa buhay yang si lolo Brix.

Magwawarm up na sana ako nung mapansin kong nawawala si Alexander. Umikot pa ako sa kinakatayuan ko para hanapin sya pero wala.

Asan na yon?

Naglakad ako ng konti dahil may naaninag ako. Di ko lang makita ng maayos dahil may nakaharang nal kahoy mula sa kinakatayuan ko.

Nakita ko si Alexander na nakatayo sa harap ng maliit na bahay. Nakaharap lang sya dun sa malaking salamin na nagsisilbing bintana nung parang bahay.

Ano yun?

Nilapitan ko sya para sana gulatin nang maaninag ko kung sino yung taong nasa loob. Nakatalikod sya samin at may hawak na baril. Kahit wala kaming naririnig, alam kong sunod sunod yung pagputok ng baril nya dahil sa galaw ng braso at balikat nya. Nang maubos yung bala, tinukod nya yung dalawang kamay nya sa lamesang nasa harap nya at yumuko. Nagulat ako nung yumugyog yung balikat nya.

Oo, madalas kong makitang pagod si boss. Pero ito yung unang beses na nakita ko syang umiyak.

"Ito yung nagsilbing playground ni Jullian habang lumalaki sya. Imbes na laruan, baril ang nilalaro nya sa murang edad"

Napapikit nalang ako sa narinig ko. Akala ko ang swerte swerte na ni boss kasi pinanganak syang mayaman, pero hindi rin pala. Mas maswerte parin pala ako sakanya.

"Tara na" sabi nya atsaka tinapik ako sa balikat. Bago ako tumalikod, tumingin muna ako kay boss.

Wag kang mag-alala boss. Nandito lang kami para sayo.





Camille's POV


"Myy... Myy..."

Pagdilat ko ng mata nakita ko si Brianna na ginigising ako.

"Yes baby?" tanong ko sakanya.

"hungwy" nakapout na sabi nya.

Nagtaka ako sa sinabi nya. Teka? Anong oras na ba?

Tinignan ko yung orasan "Hala! 10am na?" asan si Yanyan? Di man lang nya ako ginising. Kainis talaga yun.

"Come baby, let's fix your hair first before we go downstairs"

"Angel?" tawag ko kay angel habang bumababa kami ng hagdan ni baby.

{Hi Camille. Good morning}

Till I Met YouWhere stories live. Discover now