Chapter 8:

9.2K 450 83
                                    


Chapter 8:

----

Hindi ko napigilan ang mapanganga sa nakikita. On my way, may mangilan ngilan akong nakikitang Freaks. Hindi gaano kadami at kaya kong iwasan gamit ang kotse. But now? God! They are too much!

Pinaharurot ko ang sasakyan para mabilis silang lagpasan.

Shit!

No choice na ako kaya binangga ko na yung isang Freak. Napapa iling na pinagana ko yung windshield. Nalagyan kasi ito ng dugo. Tsk ! Buti nalang nag kotse ako. Kung yung motorbike ang gamit ko baka kung ano ng nangyari. Hindi ko sila pwedeng banggain ng deretso. Baka mamaya may kaangkas na pala ako hahaha!

Okay. Stop laughing self.

Napansin kong wala ng tao kahit isa. i mean, yung hindi pa freaks. Nakalungkot mang isipin, pero hindi na sila tao. They are now monsters.

Napakunot noo ako ng mapansing nay kakaiba. Medyo malayo pa iyon pero sigurado akong tao sila. Tinapakan ko ang accelerator para makarating agad sa kanila. They are running while those freaks are chasing them. Good thing, mabagal talaga sila.  Lumiko sila sa eskinita kaya hindi ko na sila makita.

Tsk! What should i do?

Inis na inihinto ko ang sasakyan at nilock ang kotse gamit ang remote. Tinakbo ko yung dereksyon na tinakbuhan nila.

shit Alex! Dapat nag fo-focus ka sa mission mo, at yun ay hanapin ang bwiset mong best friend!

" G-Go, Billy.. run " napa lingon ako sa dereksyong pinag mulan ng boses. Tumakbo ako ng mabilis para puntahan sila.

But.. i'm late.

What i saw broke my heart.

Nakita kong tumakbo ang batang lalaki palayo sa babae na sa tingin ko ay Ina nito.

I bit my lips in frustration. I'm late.. Too late!

Without second thought, i turned my back.

Not because i don't want to help. I need to save that boy. At least that boy.

Lumiko ako sa isa pang eskinita. Hindi ko kabisado ang daan pero ano bang choice ang meron ako. Muntik pa ako mapasigaw ng sa pag liko ko ay mukha ng freak ang nakita ko. Nakaka suka!!

Thanks to my instinct, sapatos ko kaagad ang naisungalngal ko sa mukha nya. Buti nalang Nike Air ang sapatos ko! 

Sa lakas ng sipa ko tumilapon ito. Napa ngiwi ako ng makita ang suot nito. jeez! i just kicked a cop. A cop! Nakita kong dahan dahan itong bumabangon.

Gusto ko pa sanang makipag laro manong. kaso may kailangan pa akong hanapin. So? bye!

Napa simangot ako ng makitang may nakaharang na namang zombie sa dadaanan ko.

Tsk!

Bumwelo ako at tumalon sa isa sa mga basurahan papunta dito. Saktong sakto ang landing ng isang paa ko sa ulo nito.

Woooo!

Napa ngisi ako ng mapa upo ito ng ginawa kong patungan ang ulo nya at lagpasan ito.

Good thing about zombies? ... Mga bobo!

Mas binilisan ko ang takbo. Bwiset! Saan ba nag suot ang batang iyon?

" Arggghgggg "

oops? Di ako yan!

Sinundan ko ang nakaka diring tunog na iyon. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko.

" Shit! " napa mura ako ng makitang dahan dahang lumalapit ang tatlong halimaw sa batang lalaki. Naka siksik ito sa gilid at umiiyak.

Willford Boarding SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon