Chapter 15:

9.4K 454 75
                                    

( Alex's POV)

" is everyone ready? " sabi ko habang tinatali ang mahaba kong buhok. Pagkatapos ay sinuot ko ang salamin ko at napangisi.

Kinuha ko ang dalawang pares ng baril na may silencer at isinuksok ito sa magkabilang bewang ko. Habang nasa kaliwang legs ko naman ang isang dagger. Ginalaw galaw ko ang paa ko. Napatango ako ng komportable pa rin ang mga ito kahit may nakatagong kutsilyo.

This is so cool !!

Para akong human weapon hahaha! Pati sa kili kili ko may nakasuksok. Joke.

Anyways, napatigil ako sa pag ngisi ng makitang lahat sila naka tingin sa akin.  Ano na namang problema nila?

" Bes. "

Napatingin ako kay Lyka at napataas ang dalawa kong kilay. Gaya ko ay mayroon din itong hawak na baril. Ang kaibahan lang ay triple ng baril ko ang haba nito. Ginawa din nitong sash yung mga bala letse! Mukha syang sangganong kagagaling lang ng bundok. Nakapatong sa balikat nito ang baril habang ngumunguya ng bubble gum. Tsk! Akala mo cool!

" Oh bakit? Kinaganda mo na yan? " mataray na sabi ko.

Naka army uniform ang gaga! Take note, from head to toe! Naka camo pants ito, army polo na tinanggalan ng mangas, at boots.

May army cap pa! San nya nakuha yan?

Tsk! Anong trip nya?

" bakit? Ingit ka? "

" mukha kang tanga sa suot mo. Sinong maiingit sayo? " natatawang sabi ko.

Seryoso. Mukha talaga syang tanga.

" nagsalita ang mukhang Ninja'ng nakalimutan kung anong araw sa gabi? "

Napamaang ako at napatingin sa suot ko.

" hoy! Hindi pang ninja to. Trip ko lang mag all black, paki mo ba? "

" eh trip ko ding mag all green bakit ba? " 

Tsk!

" Ate Alex! " nawala yung pagkasimangot ko at ngumiti kay billy

" yes Billy? "

" di ko po tatangalin tong nasa kamay ko? " inosenteng tanong nito. Nakahawak pa ang kanang kamay sa batok na para bang nahihiya. Hays. Ang cute talaga ng batang to, nang gigigil ako!

" Huwag muna. Sasabihin ko nalang kung kelan mo tatangalin okay? "

" okay " naka ngiting sagot nito. Ni hindi nito kinwestyon kung bakit. Napakabait na bata

I actually gave that wristband to him yesterday. Mukha itong simpleng dekorasyon sa kamay pero behind that, masasabi kong hindi ito ordinaryo. That wristband weighs 500g. I am training him as early as possible.

Napangisi ako ng makitang nakasukbit ang maliit na pistol sa bewang nya. May gun holder ito at ang astig tingnan sa kanya. Inubos nya ang buong araw kahapon para matutong bumaril. Sa una ay nahirapan sya lalo na may pabigat sa kamay nya. The target is not too far. He can now shoot 15 ft target. Impressively, may 20-20 Vision sya at hindi nahirapang umasinta. Nahirapan sya dahil sa pabigat sa kamay. Mabilis syang nangangalay nung una kaya kahit malapit lang nag target ay hindi pa rin nya matamaan ng maayos.

In just one day, he perfected using pistol with 15ft maximum distance. I know it is crazy but i cannot do anything about it. Alam kong may talent si billy nung una pa lang. Mabilis itong tumakbo at hindi mabilis mapagod. Kung sabagay Soccer Ace Player pala ito sa school nya kaya ganun. Pero kahit na! Imposible pa din.

" we're ready "

Napatango ako ng makitang ayos na din si Aimie at Kirsten. Hindi katulad nung una. Mas relax sila ngayon at hindi mo makikitaan ng kaba. Konting konti nalang masasanay din sila sa mga Freaks or zombies.

Willford Boarding SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon