Prologue

2.9K 71 5
                                    


4 years.

4 years na ang nakakalipas simula ng umalis ako ng pilipinas. Since that day hindi na ako umuwi.

After ng tour namin noon, nag-deactivate na ako ng lahat ng social media accounts ko, ayoko na munang makarinig ng kahit na anong tungkol kila Steven.

Sinunod ko ang payo ni Ara, just let it flow hanggang sa maubos. Pero, bakit hanggang ngayon masakit pa rin?

I already dated some guys here, pero siya lang ang naalala ko palagi.

Si Gray, niligawan ako after ng nangyari pero hindi ko in-accept dahil ayoko pa. But he's still giving gifts to me at lagi pa ring dumadalaw.

And then,

Muntik pa ngang maging kami ni Hayden. After a few months simula ng umalis ako, I met Hayden again. He confessed his feelings to me, doon ko nga lang din nalaman na kaya pala ang big deal sa kanila ng kwintas dahil ang kwintas pala ay sign ng love when given as a gift from a guy. Hindi na din siya umuwi ng Pilipinas at dito na sa Autralia nagpatuloy ng pag-aaral. We dated for months or should I say years.

Akala ko nagawa ko ng makapag-move on ng dumating siya. I came in to a decision na sagutin na siya, halos ala una na ng madaling araw na ako noon nakatulog kakaisip kung dapat ko na siyang sagutin. Pero nagbago lahat ng desisiyon ko pagkagising ko, I dreamed about him. Pagkagising ko I just found myself crying remembering all the memories we had, lahat ng feelings na akala ko nakalimutan ko na lahat bumalik, the pain and love. Kinausap ko si Hayden about doon, and I'm glad na natanggap niya yun.

"It's been years since the two of you got engaged but the question is when is your wedding?" napatingin na lang ako sa tv dahil doon. Sila na naman, lagi namang sila ang laman interviews. At gaya nga ng sabi sa tv, they're still not married.

Malaki na din yung anak nila, babae. They are often called as a perfect family, kasal na nga lang daw ang kulang. I can't help to get jealous everytime na makikita ko sa tv na ang sweet nilang dalawa, everytime na makikita kong ang saya-saya niya kasama ang pamilya niya.

"We already planned the wedding, after the both of us graduated we will surely get married immediately" nakangiting sabi niya.

Paano nga ba ako makaka-move on kung ganito ako? Nakakapagod na din kasing magkunwaring hindi ako nasasaktan kahit ang totoo sobrang sakit na. Nakakapagod ng ngumiti kahit na gustong gusto ko ng umiyak.

Bakit ba hindi ko magawang turuan ang puso ko? Bakit ba hindi na lang kay Gray o kay Hayden ako nahulog? Bakit sa kanya pa?

Bakit ba hindi ko siya magawang kalimutan?

Bakit ba kahit saan ako mapunta naalala ko siya?

Bakit ba ang kulit mo Tadhana? Sabi ng quit na ako! Ayoko na!

May anak na! Hindi na lang si Kisses ang kalaban ko, may anak na. Mas mahirap yung kalaban, idagdag mo pa na hindi ako mahal. Sa tingin mo ba mabibigyan pa ako ng puwang sa puso niya?

How can I fight if the one that I'm fighting for is fighting for someone else? Paano ako tutuloy sa laban kung sa simula pa lang alam kong talo na ako?

Ang dami kong tanong, pero hindi ko masagot.

Pero ang pinakamalaking tanong ko. Bakit siya ang minahal ko?

Masyado kasing sutil ang puso ko sinabi na ng utak ko na 'wag na siya. Ikakasal na si Steven in two years, may anak na si Steven, hindi ako ang mahal ni Steven.

Sa totoo lang hindi ko na dapat siya inaalala, kasi mas karapat-dapat bigyan ng pansin ang mga tao sa paligid ko na mas nagmamamahal sa akin.

"Sha okay ka lang? Nagda-drama ka na naman" puna sa akin ni Ara. Nagbakasyon ulit sila dito ni Chelsea.

"Hayaan mo na si Asha, Ara. Parang hindi ka nagga-ganyan nung broken hearted ka din"

"Mine didn't lasted for years" sabi ni Ara na nagpatahimik sa amin.

"Sha, siya parin ba?"

"Maybe yes? I don't know. I been trying so hard just to forget this feeling pero wala eh. Sinubukan ko ng makipag-date pero wala parin. I even tried to be in a relationship, pero parang isinampal lang no'n sa akin na manggagamit lang ako ng tao, na parang gagawin ko lang panakip butas si Hayden kapag ipinagpatuloy ko 'yong isang taon na meron kami. Hindi na din ako umuwi ng Pilipinas, I avoided anything about him pero ayan at nang-aasar si Tadhana, 'yang channel na yan na nga lang ang napapanuodan ko na walang sumisingit tungkol sa kanila tapos pati diyan meron? Lahat ng accounts ko noon ni-deactivate ko pero pati sa present accounts ko may makikita pa din akong about sa kanila? Sabihin niyo nga, dapat bang sa Mt. Everest na lang ako tumira para makamove-on na ako?" mahabang litanya ko.

"Do you really want to move on?"

"Oo naman. I want to and I need to move on from him. For goodness sake he's getting married in two years and he also had a daughter"

"I don't know if I need to tell you this pero, nalaman ko lang sa group chat natin 'to. Diba may pa-mini reunion yung batch president natin? Nabasa ko lang sa gc na hindi makakapunta si Steven kasi, pupunta sila dito sa Australia ngayong vacation as in whole family sila" sabi ni Chels na nagpabagsak sa balikat ko.

Ano na naman 'to?

"Uwi muna tayong Pilipinas" aya ko sa kanila at dumaretso sa kwarto ko para mag-empake. Bumaba agad ako pagkatapos.

"Seryoso ka?"

"Oo, baka bigla ko na lang silang makasalubong diyan isang araw. I badly wanted to move on. Libre ko na pamasahe niyo. I'll just call mom" sabi ko at tinawagan si Mommy.

If I won't make a move para maka-move on mas-stuck lang ako dito.

Sana naman makisama ka na Tadhana! Mauubusan na ako ng paraan para maka-move on!

Nananahimik na ako dito eh!

Sa Batanes na lang kaya kami mag-stay pag-uwi namin ng Pilipinas? O kahit saang walang signal o nakakakilala sa kanya?

-----------------

Tadhana's Real GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon