Chapter 1:

9.3K 175 1
                                    

Nanlalamig padin ang katawan ko kahit balot na balot ang buong katawan ko ng pinagpatong-patong na damit.

Malamig na ang paligid dahil sinayales na papalapit na ang pasko. Mas malala pa dahil sa nasa mataas na lugar kami sa Pilipinas.

Eto ako ngayon, dilat na dilat ang mata habang tinatanaw ang mga ilaw ng syudad sa gabi.

Nakaupo ako ngayon sa may balcony sa may tapat ng aking kwarto, tumutugtog ang mga paborito kong mga kanta.

"Aspher! Andito na ang pinadeliver na pagkain. Kakain na!" sigaw ng aking kuya na galing sa unang palapag.

Aspher Bevere is the name. Interior designing is the dream, Information Technology is reality. Isa akong estudyante sa isang pribadong unibersidad na kasalukuyang nasa pang-apat na taon ngunit hindi pa graduating.

Wala akong bagsak, just to let you know, pero sophomore sana ako ng magtransfer ako sa ibang school at may mga subject na kailangan kunin.

And back to reality. "Okay kuya!" sagot ko kay kuya Ashton.

Bumaba ako sa kusina at naabutan ko silang kumakain kasama si ate Ashley at aking mga magulang na halatang kararating lang.

Johnie ang pangalan ng tatay ko, he is born in England dahil sa British kung lolo pero lumaki sa pinas dahil sa lola kung pinay.

Sloane naman ang pangalan ng nanay ko. She's born and raised in Seattle dahil sa lolo ko din na Amerikano pero at the age of 18 ay lumipat sila sa Pilipinas para bisitahin ang pamilya ni lola na isang pinay.

And that explains kung bakit sinasabi ng marami na maganda lahi namin. Si kuya ay nagrereview para sa kanyang bar exam tapos si ate naman ay isang registered dermatologist.

Masaya lang ang hapunan habang pinagkukwentuhan ang nalalapit na proposal ni kuya sa kanyang ten year relationship.

"Mom! Don't pressure me! Dapat itong si Aspher ang tanungin mo." pahayag ni Kuya Ashton sabay tingin sa akin.

"What?" nakatingin lang ako kay kuya.

"Ya! Kumusta kayo ni Bella?" pang-aasar naman ni dad.

"Dad!" tumatawa si kuya at ate pati si mama. "We are bestfriends and we will remain as friends." pagdidiin ko.

"Let's talk about Justin then." saad naman ni ate.

"Ate?! Stop! We're just friends. Period. Tuldok." sabi ko.

Tanggap naman nila ang pagiging bakla ko, infact, isa sa mga tinutulongan ng pamilya ako ay isang LGBTQ+ community center.

Nagpatuloy kami sa aming kwentuhan hanggang matapos ang aming kainan.

Bella is my best friend for 12 years while Justin is a classmate of mine na nakilala ko lang ng isang taon pero I can consider him as a close friend.

Madali sa amin ni Justin ang maging close dahil sa madaming beses kaming pinagsama sa mga group works and he is super nice and handsome. Not to mention that he is my crush.

Bumalik ako sa kwarto and receive a call from Alfred.

Si Alfred ay masasabi kung isa sa mga kaibigan kong lalaki.

"Yes?" pamungad ko sa tawag.

Sa tunog palang ng background, halatang nasa bar sila.

"Nasa bar na naman kayo!" sabi ko bago pa siya makapagsalita.

"Pwede ka ba ngayon? Kailangan ka namin dito, please!" pakiusap niya.

"Ano na naman to?" sabi ko.

"Basta! Punta ka nalang. Andito ang barkada." maikli niyang pahayag.

"Fine! Sa dating tambayan niyo ba yan?" tanong ko.

"Yup."

Tinapos ko ang tawag at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng white V-neck Shirt, black leather jacket, black jeans tapos white shoes and ready to go or ready para tumakas kasi alam kong di ako papayagan lalo na kung bar because first and foremost, I'm 19 and tingin ng pamilya ko na bata pa ako.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now